Chapter 12 *Saycie* Tumayo ako at nilayo ang upuan ko sa kaniya. At nang umupo na ako ay siya namang lapit na naman niya. Binubwesit na naman ba ako nito?! Binuhat ko muli ang upuan at nilayo sa kaniya. Siya na namang lapit niya. Hays! “Lumayo ka nga, stalker!” madiing wika ko. Hindi ko gaanong nilaksan ang boses dahil baka marinig ni Lola. Nakakahiya na dito pa kami sa bahay niya magtatalo. Lalo na at hindi malaki itong bahay niya kaya hindi malabong marinig niya kami. Kahit matanda na si Lola ay malakas pa rin ang pandinig niya. Pero kung ganito si Zack ay baka mag-walk out na lang ako. Sumimangot ako sa kaniya at siya naman ay hindi ko mabasa ang reaksyon kung inaasar ba ako o hindi. Ang lapit-lapit na niya sa’kin dahil kahit gusto ko mang ilayo ulit ang upuan ko ay wala na akong m

