Chapter 11 *Zack* Dinala ko ang basket kung saan kami nakapwesto kanina nina Nanay. Si Saycie ay naroon pa rin. Gusto ko man makita siya ay mas pinili ko na lang na bumalik sa bukid. Nakakahiya dahil maputik ako at walang baro. Kaya siguro hindi na siya lumingon pa kanina. “Oh! Si Aileen, nasaan?” Tanong ni Nanay habang kumakain na. Nilapag ko sa lamesang kawayan ang basket at kinuha ang laman. “Umalis na po, marami pa raw gagawin,” sagot ko. Hindi na rin naman sila nagtanong. Nasa ilalim kami ng puno kumakain. Kanya-kanyang pwesto rin ang ibang magsasaka. Ang mahalaga ay may lilim na makakainan at mapapahingaan. Pagkaalis ko ng baunan na nasa basket ay kumunot ang noo ko nang makita ang isang piraso ng papel. Agad kong kinuha ‘yon at binasa ang nakasulat. “Sorry sa nangyari kahapon,

