CHAPTER 13 *Saycie* May feelings na ba ako sa kaniya? Posible ba ‘yon kahit ilang araw lang? At ano ang patunay o ebidensya na may gusto nga ako sa kaniya? Ano ba ‘to? Crush o puppy love lang? Sa tanda kong ‘to... puppy love? May gusto kaya siya sa’kin kaya niya ako hinalikan kanina? Ito na naman, nagsisimula na naman akong magtanong sa sarili ko. Kailan masasagot ang mga katanungan ko? Kailan matatapos ang mga katanungan ko? Ang hirap. Nakakapagod mag-isip. Sana pala naging manghuhula na lang ako at hindi model. Baka sakaling mahulaan ko ang sagot sa sarili kong mga tanong. Nang matapos kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan. Noong una ay ayaw ni Lola pero nang sabihin ni Zack na tutulungan niya ako ay agad pumayag si lola. Naiinis na naman ako sa kaniya dahi

