Chapter 6 - Hot yummy

2256 Words
Chapter 6 *Saycie* “Lalaki ako kaya ayos lang. Ikaw babae ka. Pero kung magdamit ka ay tipid sa tela. Labas ang tiyan at tagpi-tagpi ang pantalong suot. Sino ang mas nagtitipid sa atin?” Mayabang niyang balik sa akin. Napatayo ako sa kinauupuan dahil doon. Maangas ko siyang tinignan. Napatingala ako dahil matangkad siya. Nakatitig din siya sa’kin kaya hindi ako umurong sa pamatay niyang titig. Mas tinapangan ko pa ang awra ko. Akala niya madadala niya ako sa ganiyan? No way! “Fashion ‘to,” madiing wika ko sabay turo sa damit na suot ko. “Hindi mo siguro alam,” dadag ko pa at hinaluan ng mataray na tingin. Hindi niya ‘yon pinansin kaya tumaas ang isang kilay ko para mas magmukha akong matapang sa harap niya. “Marami pa akong gagawin, Miss Tipid. Sige po Ninong, mauna na po ako.” Sa halip na sagutin ang tanong ko ay biglang ‘yon ang sinabi niya. Napikon? Pero bakit mukhang mas ako ‘yong apektado. Mabilis siyang umalis pagkatapos no’n. Ano ‘yon? Pagkatapos niya akong insultuhin? Aalis na lang siya. Siraulo ‘yon ah! Bigla akong nawalan ng gana kumain. Napailing na lang si Dad na parang nangingiti pa. Pati sina Mang Mario at Manang Helen. They’re making fun of me. Nakanguso akong bumalik sa upuan. “Hanggang ngayon, palabiro pa rin ang anak mo, Mario,” natatawang saad ni Dad. Pati si Mom at Manang Helen ay mahina ring tumatawa. I feel so embarrassed. “Naku, mahihirapan yata kayong magkasundo ni Zack,” wika naman ni Mang Mario sa’kin. Hindi agad ako nakasagot doon at ngiting aso lang ang naibigay ko. Naiirita ako lalo! Ano naman kung hindi kami magkasundo? Big deal ba ‘yon? At saka, ayoko sa hambog na ‘yon. Tama nga ang hinala ko. Mayabang nga ang Zack na ‘yon. Gwapo sana kaso walang respeto sa babae. Tinawag pa akong Miss Tipid! Nakakainis! “Tapusin mo na ang kinakain mo, Girl. Mmm... ‘wag magtipid. Miss Tipid,” wika ni Kara kaya matalim ko siyang tinignan. Umusbong lalo ang inis ko dahil nakuha pa niya akong ngitian! Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor dahil sa pagpipigil ng inis. “Buko salad you want? Para mabawasan ang init ng ulo,” wika niya sabay abot ng buko salad sa’kin. Hindi ko na lang pinansin ang buko salad na inaabot ni Kara. Nawalan ako ng gana, literal! Naiinis na parang gusto ko na lang manapok ng mukha. Pinilit ko na lang ubusin ang laman ng plato ko kahit na naiinis ako sa Zack na ‘yon. Nakakahiya naman kina Mang Mario at Manang Helen. Hinanda nila ito at pinagpaguran lutuin. Mukha silang mababait. Kung anak nila si Zack ay malamang ampon ‘yong ungas na ‘yon. Bwesit na lalaki! Malayong-malayo ang ugali niya kina Manang Helen. Pagkatapos naming kumain, sina Manang Helen at Mang Mario na ang nagprisintang magligpit. Ang sabi pa ni Dad ay mamaya kami pupunta sa mga kamag-anak namin. Mga gabi na siguro ‘yon. O baka bukas na. Dahil tiyak na pagod ang lahat sa byahe. Hapon na rin kasi kami nakarating dito. Excited na akong mamasyal. Kahit papaano ay nabawasan ang inis na nararamdaman ko sa hambog na Zack na ‘yon. Nainis na naman ako nang maalala ang gwapo niyang mukha pero nakakaasar. Tinawag ba naman akong Miss Tipid? Hindi ako maka-move on! Paulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari kanina lang. Agad akong napalingon sa suot kong damit. Tipid? Ang mahal kaya nito. Branded at hindi ba niya alam na ito ang uso ngayon. Fashion kaya ‘to! At saka hindi naman tag-lamig para hindi magsuot ng ganito. Palibhasa, laking probinsya. Kaya nga, hindi marunong magdamit ‘yong hambog na ‘yon eh! Porke’t malaki ang katawan... ipagkakalandakan naman niya. Akala niya siguro nakaka-attract siya! “Grabe, bakla!! Ang hot yummy ni Zack!!” kinikilig na tili ni Kara. Bigla naman akong nabingi sa sinabi niya. Napatakip ako ng tainga at umirap sa hangin. “Hot? Yummy? Hindi kaya!” naiinis na wika ko kaya umasim ang mukha ni Kara. “Hindi ba? Kaya pala nakanganga ka na kanina no’ng makita mo siya!” malakas na boses ni Kara kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Narito lang kasi kami sa sala at sina Mang Mario at Manang Helen ay nasa kusina lang. Nakakahiya kapag maririnig nila. Sina Mom at Dad naman ay nagpahinga muna. Ang bunganga talaga ni Kara pahamak eh! “Bunganga mo, bakla ka!” madiin kong wika kay Kara. Tumawa naman siya at parang may pinapahiwatig ang mga tingin niya sa’kin. Tinataas-taas pa niya ang kilay at ngumingisi. “Gwapo sana... kaso hambog,” naiinis kong bulalas. Bigla ko namang naalala ang paninitig na ginawa niya sa’kin kanina. Nakaka-kaba at kakaibang nerbyos ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung para saan ‘yon. Basta naramdaman ko na lang nang masilayan ko siya. Hindi pamilyar na pakiramdam. Pero kahit ano pa man ‘yan, naiinis pa rin ako sa kaniya. Hambog na ‘yon! “Kung ayaw mo sa kaniya, sa akin na lang si Papa Zack!” wika ni Kara. Binigyan ko siya ng matalim na titig. “Sino ba’ng nagsabing gusto ko siya? Kapal naman ng mukha niya. Sayong-sayo kung gusto mo,” naiinis kong turan. Ako? Magkakagusto sa Zack na ‘yon? Never! Itaga ko pa sa bato! Itaga ko pa sa katawan niyang parang bato! Baka siya nga ang may gusto sa’kin dahil titig na titig siya kung tumingin. “Never!” matigas kong wika. At tumawa naman si Kara. “Si Saycie Marie Fuentez A.K.A Miss Tipid, masiyadong affected,” tila pagtutudyo niya pa sa’kin. “Hindi kaya!” mabilis kong sagot at nagmadaling pumasok sa kwarto. Pabagsak kong sinara ang pinto dahil sa inis. Umupo ako sa gilid ng kama at malalim na nag-isip. Ang laki ng epekto sa araw ko ngayon ang lalaki na ‘yon. Inaanak lang naman siya ni Dad. Hindi ko rin siya kilala. At sino ba siya para bigyang interes ko? Ako magkaka-interest sa Zack na ‘yon? Baka siya pa nga ang mahulog sa akin. Sa ganda at sexy kong ‘to, hindi malabo. Napatingin ako sa salamin na nasa aparador. Tumayo ako at pinasadahan ang sarili sa salamin. Nakita ko ang suot kong nilait-lait ng Zack na ‘yon. Okay naman ah! Bagay na bagay nga sa akin. At isa pa, bakit ko ba papansinin ang sinabi niya. Sarili ko ito at hindi ko kailangan ang opinyon niya. At saka bawal ang stress sa akin. Mabuti pang itulog ko na lang ‘to. Para mabawasan ang stress ko sa hambog na ‘yon. Bumalik ako sa kama at itinulog na lang ang iniisip ko. Nagising ako sa tawag sa’kin ni Kara. Agad kong minulat ang mga mata dahil sa lakas ng boses niya. Daig pa ang alarm clock eh! Parang sirena ng bumbero sa lakas at tinis ng boses niya. Nakakayanig pa ng dingding sa lakas. “Saycie, gising na. Dalian mo magpalit ka na at aalis na tayo,” wika niya sabay yugyog sa braso ko kahit na dilat na dilat na ako. “Gising na ‘ko!” singhal ko sa kaniya at matalim na tinignan. “Ay gising ka na pala,” wika niya na parang balewala lang ang pagyugyog na ginawa niya sa’kin. Pakainosente mo talaga, Kara. “Oo!” Wika ko sabay irap sa kaniya. Kung makayugyog sa braso ko, parang gusto na niyang baliin eh. “Dalian mo na girl at baka mahuli na tayo,” wika niya kaya kumunot ang noo ko. Mukha siyang may hinahabol na oras. “Mahuhuli? Saan?” tanong ko at bumangon na para maghilamos. “Sa hapunan,” sagot naman niya kaya mabilis ko siyang binato ng unan. “Puro ka lamon!” asar ko sa kaniya at dumiretso na sa banyo para makapag-shower na. Akala ko naman kung ano na, at minamadali niya pa ‘ko. Nagugutom na naman pala ang baboy na baklang ‘to. Kanina lang ay kumain kami. Tapos ngayon, gutom na naman siya. Pagkatapos kong maligo ay nasa kwarto pa rin si Kara. Gabi na dahil madilim na sa labas. Ilang oras din pala akong nakatulog. Dala siguro ng pagod sa biyahe kaya mabilis akong nakatulog. “Saycie, tumawag si Sir Rick. Bukas na daw ang shooting,” wika niya. Napabuntong hininga ako. Trabaho na naman bukas. “Ano’ng oras?” tinatamad kong tanong habang namimili ng damit na isusuot. “Mga alas nuebe daw, Saycie. Mukhang hindi tayo makakalabas ngayong gabi. Kailangan nating ihanda ang mga gagamitin mo bukas,” seryosong wika ni Kara. Sayang, gusto ko pa sanang makilala ang iba naming kamag-anak pero mukhang next time na lang. Kapag tapos na ang work ko. Nagsuot lang ako ng malaking white t-shirt at maikling cotton short. Kung titignan ay parang wala akong suot na salawal. Okay lang naman dahil mahaba ang t-shirt na suot ko. Umabot hanggang taas ng tuhod. Kaya medyo nakasilip ang legs ko. Hinayaan ko na lang ang buhok kong nakalugay at sinabit sa likod ng tenga ko. Sabay kaming lumabas ni Kara sa kwarto. Sanay na akong palagi siyang sumusulpot sa kwarto ko. Wala namang malisya kapag nagbibihis ako dahil siya pa ang kusang tumatalikod. Kaya madalas sa banyo na lang ako nagbibihis. Para walang ilangan. Kahit bakla si Kara ay sempre lalaki pa rin siya. “Kara, mauna ka na. Nakalimutan ko ang phone ko,” wika ko sa kaniya at tumango naman siya. Matagal na akong hindi nakakapag-update sa social media accounts ko. Kailangan ko na rin mag-check ng mga emails. Noong nasa bahay ako, binuhos ko talaga ang panahon ko kina Mom at Dad. Ayoko na ulit maranasan nila ‘yong lungkot kapag hindi ko natutupad ang pangako kong uuwi ako every weekend na hindi naman talaga natutupad. Kaya hinayaan ko muna ang trabaho at nag-focus ako sa family ko. Nag-iisa lang akong anak, tapos hindi pa nila ako madalas makasama. Samantalang ako noon ay busog na busog ako sa atensyon nila. Walang palya sa pag-aaruga at pag-aasikaso sa akin. Na kahit college na ako noon ay palagi pa rin akong may baon na lunch na gawa ni Mom. Hinahatid sundo pa ako ni Dad noon kahit sobrang busy siya sa trabaho. Busy ako sa phone ko habang naglalakad patungong kusina. Buti at okay ang signal dito kahit probinsya. Naririnig ko ang tawanan at nagku-kwentuhan doon. At ang isang baritonong boses. Si Hambog ba ‘yon? Dali-dali akong naglakad patungong kusina. Bumundol ng malakas ang dibdib ko nang masilayan siya. Siya nga! Parang napako bigla ang mga paa ko sa kinatatayuan. At ang puso ko hindi mapakali. Ano na naman itong nararamdaman ko? At bakit ba siya nandito? Iinsultuhin na naman ba niya ako? Nahinto sina Mom, Dad, Kara at pati sina Mang Mario at Manang Helen. Nilingon ako ni Zack. Hindi na siya nakahubad ngayon. Kupas na puting t-shirt ang suot niya pero nangangalit ang mangas sa matipuno niyang braso. Nakakapanindig balahibo kapag tinitignan niya ako. Para akong binabalatan ng buhay. Bawat titig niya ay nakakapaso. Kakaibang kaba ang hatid sa dibdib ko. Tumikhim ako para maibsan ang kaba sa dibdib. At nilibot ang mata para maghanap ng mauupuan. Umaakto lang akong normal kahit ang sistema ko ay wala yata sa ayos. Isa na lang ang bakante. At doon pa sa tabi ni Zack. Lumapit ako agad kay Kara. “Kara, palit tayo ng seats,” bulong ko sa kaniya at umiling siya. “Sige na,” wika ko at bahagya siyang hinila pero hindi siya nagpadala. “Maupo ka na ,Saycie at kumain na,” utos ni Dad. Malalim akong bumuntong hininga at humakbang palapit sa kinauupuan ni Zack. Bakit sa dami pa ng makakatabi ko sa pagkain ay siya pa. Sinadya ba ni Kara ‘to? Nilingon ko siya at nahuli ko siyang nakangisi. Baklang ‘to talaga! “Mamaya ka sa’kin at uubusin ko ‘yang buhok mo sa paa!” Bulong ko sa isip habang nakatitig sa kaniya ng matalim na binabalewala lang niya. Tumikhim ako uli at tahimik na umupo. Nang magtabi na kami ay parang nanliit lalo ang katawan ko sa kaniya. Ang tangkad na nga niya, ang laki pa ng katawan niya. Kayang kaya niya akong pisain. Nagmumukha akong lamok sa kaniya. Napansin kong bagong ligo din siya. Naghahalo ang amoy ng ginamit niyang sabon sa sarili niyang amoy. It’s his manly scent na lalong nagbibigay sa’kin ng kakaibang kuryente sa katawan. Kapag naaamoy ko, feeling ko pumapasok sa katawan ko. It gives me chills in my spine. Ngayon ko lang din napagmasdan ng malapitan ang mukha niya. Gwapo nga talaga kahit saang anggulo. Kapag gumagalaw ang adams apple niya ay bigla na lang din akong napapalunok. Weird. Nang ako naman ang lingunin niya ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Kakawala na yata ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k. Napansin kaya niya ang ginawa kong paninitig? Mukha na naman akong nahuli sa akto. Ngayong ganito kami kalapit ay pati yata paghinga ko hindi na maayos. Ang laki ng katawan niya kaya parang ang sikip ng pwesto namin. O ako lang ang nasisikipan sa’min? Papaano ako makakain ng maayos nito kung hindi naman ako mapakali? Hay buhay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD