Chapter 5
*Saycie*
Lumipas ang isang linggo na narito lang kami ni Kara sa bahay. Umuwi din siya noong linggo para bisitahin ang pamilya niya. Kahit na, medyo malayo ang byahe ay sinisikap niya pa ring umuwi. Gano’n niya pinapahalagaan ang pamilya niya. Kaya lang minsan ay sobra-sobra siya kung magbigay sa kanila. Madalas, wala ng natitira para sa kaniya. He is a good brother, son and a very good friend.
Sobrang bait niyang tao. Dumadating siya minsan sa puntong pati para sa sarili niya ay hindi na niya mabigyan. Kaya palagi ko siyang pinagsa-shopping at nililibre ng mga gusto niya tuwing off ko. Kahit ‘yon man lang maibigay ko dahil kahit minsan hindi ko pa siya nakitang bumili ng para sa kaniya. Pati nga cell phone niya dati ay pinagtiya-tiyagaan niya. So, I bought her a phone. Naalala ko noon kung paano siya humagulgol kasi may bago na siyang phone.
“Saycie, sobra-sobra naman ‘to,” naluluha niyang wika. Tila hindi makapaniwala sa binigay ko.
“Ano ka ba? Regalo ko ‘yan sa’yo,” nakangiting wika ko.
“Nakakahiya na sa’yo, Saycie,” wika niya at narinig ko siyang suminghot habang nakatanaw sa box ng cell phone.
I was smiling that time. Parang hinahaplos ang puso ko nang makita ang reaksyon niya. Naaawa ako sa kaniya.
“Deserve mo ‘yan, Kara. Sana nagustuhan mo,” naluluhang wika ko.
I can’t help myself kaya tumulo ang luha ko. I was smiling while looking at her and tears escaped from my eyes.
“S-Saycie,” her voice crack.
Tiningala niya ako at nakita ko ang mata niyang namumula na at may luha siya sa pisngi.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Mahigpit na yakap kaya niyakap ko siya pabalik. At narinig ko ang mahihina niyang hagulgol. We’re both crying that time.
“Thank you,” she warmly said.
Pinunasan ko ang luha at ngumiti sa kaniya. “Welcome. You deserve it,” wika ko.
At hanggang ngayon makinis na makinis pa ang phone niya. Iniingatan niya ng sobra. Kung paano niya rin ako alagaan. Hindi lang dahil trabaho niya ‘yon pero walang katumbas lahat ng malasakit niya para sa’kin. Sobra-sobra pa sa personal assistant ang pag-aalaga niya sa’kin. Kung wala si Kara sa buhay ko, hindi ko alam. I can’t imagine my life without her.
“Bakla bilisan mo! Male-late na tayo,” Sigaw ni Kara habang kumakatok sa kwarto ko.
“SAYCIE!!!!” malakas niyang tili na parang serena ng bumbero.
Mabilis akong napabangon dahil sa lakas ng boses niya. Sino ba namang hindi mapapabangon sa tili ni Kara? Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakapameywang at taas ang isang kilay. Akala mo nanay kung umasta.
“Lower your voice, Bakla. Baka isipin nila may sunog,” bungad ko sa kaniya at mas lalo siyang nagtaray sa harap ko. Kulang na lang sa kaniya, may hawak na stick para pamalo.
“Lower your voice ka diyan! Kung hindi ko gagawin ‘yon aabutin tayo ng 72,000 and 100 hours per second, degrees negative to the power of 69.” Mabilis niyang wika na agad kong ikinatawa ng malakas.
Saan naman niya nahugot ‘yon? “Ano’ng ibig sabihin no’n?” natatawang tanong ko.
“Hindi ko alam. Basta, magbihis ka na at male-late na tayo,” wika niya.
“Okay,” natatawang saad ko. Siraulo din ‘to minsan si Kara eh.
Minsan lang ba? No, she’s always crazy in 72,000 and 100 hours per second, degrees negative to the power of 69. Natawa na lang ako sa isip at pailing-iling na pumasok ng banyo.
Mabilis akong naligo dahil kahit nasa banyo na ‘ko ay panay ang talak ni Kara. Animo’y estudyante ako at tinatalakan ng nanay sa umaga.
“Bakla, bilisan mo na diyan. Iba na yata ang ginagawa mo,” wika niya na tila may laman.
Mabilis kong binalot ang katawan ko ng tuwalya at binuksan ang pinto. “Baliw!” wika ko sa kaniya at tumawa naman siya.
Sa walk in closet na lang ako nagbihis dahil abala si Kara sa mga gamit kong dadalhin.
Babyahe pa kami. Na-late kasi ako ng gising dahil napuyat ako sa kaka-check ng mga dadalhin ko. Ang daming kailangan kaya dalawang malalaking maleta ang dala ko. Mas maganda na ang handa dahil baka magtagal kami doon.
Nagsuot lang ako ng ripped skinny jeans at sleeveless white crop top. Messy bun ang ayos ng buhok ko. Naglagay lang ako ng kaonting lip tint para may kulay sa mukha ko saka nagdala rin ako ng shades. Pinasadahan ko muna ang sarili sa salamin. Dahil sa ikli ng damit ko ay labas ang maliit kong tiyan at pusod. Kinuha ko ang sling bag at lumabas na ng kwarto.
Nakita ko agad si Kara na nakasimangot. “Anong oras na Saycie. Nagbyahe na sila Sir Rick,” wika niya at mabilis na bumaba. Mabilis akong sumunod sa kaniya.
Nakalagay na sa likod ng sasakyan ang mga gamit ko. Sina Mom at Dad ay nasa isang sasakyan. Habang kami ni Kara ay sa sasakyan ko sasakay. May mga dala din kasi sila Dad na mga gamit kaya mas maigi na tig-isa kaming kotse.
Hindi na ako nakapag-almusal dahil kailangan nang bumiyahe. Nauna sila Dad na lumabas. Nakasunod lang kami ni Kara dahil hindi ko kabisado ‘yong daan. First time ko pumunta ng probinsya. Excited na akong makilala ang mga relatives namin doon. Kung ano’ng itsura ng farm. At masaya ako kasi kasama sina Mom at Dad sa trabaho ko.
Ilang oras kaming nagbyahe hanggang sa marating namin ang isang barangay. Looban ito at layo-layo ang mga bahay. Mga gawa sa kahoy ang mga maliliit na bahay at nasa tabi ng malawak na bukid. I guess taniman ito ng palay. Hapon na kami nakarating kaya kitang-kita mula dito ang sunset. Ang gandang pagmasdan. Pero kahit hapon na ay may mga nagtatrabaho pa rin sa bukid. May nakita pa akong nakasakay sa kalabaw. Na-a-amaze ako sa mga nakikita.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng bungalow house. “We’re here,” wika ni Dad nang makababa na.
“Bahay natin ito, Saycie. Dito tayo mananatili pansamantala,” dagdag ni Dad.
Bumaba na rin kami ni Kara. Nilibot ko ang mata sa paligid. Tinaas ko ang shades at mas nakita ang ganda ng lugar. Presko ang hangin at ang sarap marinig ang huni ng mga ibon. Wala nito sa manila. Puro ingay ng sasakyan ang madalas marinig doon. At puro usok ng sasakyan ang palaging hangin.
May lumabas agad sa bahay para alalayan kami. Siya raw si Mang Mario, iyon ang pakilala niya sa’min. Ang caretaker at isa raw sa masisipag na magsasaka sa lupa namin dito sa pangasinan.
“Sir Nicolas, mabuti at maayos po kayong nakarating. Tuloy po kayo sa loob naroon ang mga niluto ni Helen na pagkain,” nakangiting wika ni Mang Mario.
Medyo may katandaan na siya. Mas matanda siguro ng kaonti kay Dad. Puti na ang karamihan sa buhok niya at ang balat niya ay halatang bilad sa araw. Bigla akong naawa dahil may punit ang t-shirt na suot niya. At parang hinahaplos ang puso ko sa tuwing ngingiti siya. Natural smile at hindi peke.
“Nandiyan si Helen?” excited na wika ni Mom.
“Opo, Ma’am,” tumango naman si Mang Mario. Tinulungan din siya ni Kara at Dad para dalhin sa loob ang mga gamit namin.
“Nasa kusina po, Ma’am Carmina,” nakangiting wika ni Mang Mario.
Simple lang ang desenyo ng bahay. May aircon din kaya okay mag-stay. Tumungo kami sa kusina at may nadatnan kaming isang babae na may katandaan na rin. Hanggang leeg ang gupit ng kaniyang buhok at may puti-puti na rin tulad kay Mang Mario. Ang balat din ay halatang bilad sa araw. Magsasaka din kaya siya? Nakakaya niya pa ba ang gawain sa bukid?
Inaayos niya sa lamesa ang mga pagkain. Nang makita niya kami ay nagmadali siyang lumapit at ngumiti.
“Magandang hapon po sa inyo. Nakahain na po ang pagkain,” wika ni Manang Helen. Asawa siguro siya ni Mang Mario.
Mukha kasing magkasing-edad lang sila. Niyakap siya agad ni Mom na kinagulat niya. Bigla siyang nahiya. At nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya.
“Aba’y ito na ba si Saycie? Dalagang dalaga na at ang ganda-ganda,” wika niya kaya nahiya ako bigla. Hindi ko inaasahan na kilala niya ako.
“Kaibigan ko ang Mommy mo noon. Siguro hindi kayo nagkakalayo ng edad ng anak ko,” wika niya at nahihiya na lang akong ngumiti.
Nagsimula kaming kumain kasabay sina Mang Mario at Manang Helen. Tumanggi sila nang yayain sila ni Dad. Pero buti na lang at pumayag din sila. Ang dami kasi nilang niluto, hindi naman namin mauubos lahat kung kami-kami lang ang kakain kahit na matakaw at malakas kumain si Kara.
Hindi ako pamilyar sa ibang putahe pero lahat ay masasarap. Maraming gulay, adobong itik, pritong tilapia at buko salad. Nasarapan ako sa adobong itik. Mas masarap pa siya sa adobong manok.
Nahinto kami sa pagkain nang biglang may sumulpot na lalaki sa kusina. Wala siyang baro pang itaas at pawis na pawis. Kagagaling lang yata sa arawan. Napalunok na lang ako nang mapagmasdan ang katawan niya. Malaki ang muscles sa braso niya. ‘Yung tipong sanay na sanay sa buhatan. Nangangalit na braso na parang kayang buhatin ang dalawang tao. Matitipuno at mukhang matigas ang dibdib. At ang abs ay walo pa. Nakasuot siya ng maong na short na kupas na. Matangkad siya, hindi siguro nalalayo kay Liam ang height niya.
Umangat ang mga mata ko sa mukha niya at talagang hindi maitatanggi na gwapo siya. Kahit mukhang bilad ang balat sa araw ay bumagay lang sa kaniya. Matangos ang ilong at ang mata ay kulay brown. Ang pilik mata niya ay natural na mahaba at makapal. Ang panga niya na mas lalong nakakadagdag ng appeal niya. Gwapo sana kaso mukhang masungit. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya bumundol ng malakas ang puso ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Para bang nahuli ako sa akto.
“Zack,” tawag sa kaniya ni Mang Mario.
“Kain ka muna, Zack,” wika sa kaniya ni Dad. So, kilala niya rin ito?
“Salamat po ninong pero nagmamadali po ako,” pagtatanggi niya. Ang boses niyang baritono na bagay na bagay sa kaniya.
Bigla naman akong napreskuhan sa inasal niya. Kahit magalang ang sagot niya kay Dad ay malamig naman ang tingin na ginagawad niya sa’kin. Inaano ko ba siya?
“Nga pala, ito si Saycie ang nag-iisang anak ko,” pagpapakilala sa’kin ni Dad.
Lumunok siya at nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Pinagpawisan ako bigla dahil doon. Pinunasan niya ang kamay sa likod ng maong niyang short at nilahad sa harap ko.
“Zack,” wika niya na nakakatindig balahibo. Ang lalim ng boses at kakaiba ang hatid sa sistema ko.
Nabubuang na yata ako? Nagsabi lang naman siya ng pangalan niya pero bakit ganito ang epekto sa akin? Nakatitig lang ako sa malaking kamay niya dahil para na akong naestatwa. Natauhan lang ako nang biglang si Kara ang tumanggap ng kamay niya.
“Kara,” malanding turan ni Kara. Nag-beautiful eyes pa siya kay Zack.
Tipid siyang ngumiti pero parang maiihi na si Kara sa kinauupuan dahil sa ngiting ‘yon. Hindi pa rin binibitawan ni Kara ang kamay niya at panay ang pa-cute kay Zack.
Tumikhim ako at sa akin naman siya lumingon. “Saycie,” kasuwal na pagpapakilala ko sa sarili ko.
Binitawan niya ang kamay ni Kara at nilahad ang kamay niya sa’kin. Napalunok ako at kinabahan. Dahan-dahan ko ‘yong inabot. Magaspang at makapal. Malaki ang palad niya kaya ang liit ng kamay ko sa kaniya. At nang pisilin niya ang kamay ko ay mabilis kong hinila ‘yon. Para akong nakuryente.
“Sigurado kang hindi ka muna kakain, Zack?” tanong ulit ni Dad.
“Hindi na po Ninong. Marami pa pong trabaho sa bukid. Saka nakakahiya po kay Miss Tipid,” deretsong wika niya kaya mabangis ko siyang tinignan.
Miss Tipid? Ako ba ‘yon? Saan niya nakuha ang tipid na pinagsasabi niya? Nakakaloka! Natawa naman sa tabi ko si Kara.
“Sinong Miss Tipid?” maangas kong tanong sa kaniya.
Binigyan naman niya ako ng titig na walang reaksyon. Namulsa pa siya at mas lalong nag-flex ang muscles niya sa braso.
“Ikaw,” wika niya sabay kibit-balikat.
Na parang normal lang na lumabas sa bibig niya. Na para bang kilalang-kilala na niya ako. Nakakapang-init ng ulo! Sino ba siya? Inaanak lang naman siya ni Dad pero kung umasta akala mo kung sino.
“Kung Miss Tipid ako, eh ano ka pa? Galit ka yata sa damit kaya wala kang baro,” wika ko at nakita kong natawa sina Mang Mario at Manang Helen sa amin.
Humalukipkip siya at pinakatitigan ako. Mula ulo hanggang paa. Aba! Ang yabang! Nakita ko pa siyang ngumisi. Lalong uminit ang ulo ko sa Zack na ‘to!