Kinabukasan, hindi pa man sumisikat nang husto ang araw ay nabulabog na ang buong bansa. Ang katahimikan ng madaling araw ay binalot ng sunod-sunod na notifications sa bawat smartphone. Gaya ng binitiwang pangako ni Adris, ang eksklusibong footage mula sa hotel ay sabay-sabay na inilabas sa mga pangunahing news outlets, primetime showbiz news, at maging sa mga pinakasikat na social media influencers at vloggers. βAng headline na tumambad sa lahat ay tila isang malakas na sampal sa mga mapanghusga: β"THE TRUTH BEHIND THE SCANDAL: TOP MODEL WYLDA VISMOΓOZ, BINUHAT NG KANIYANG KUYA VINCENT JERIAH ABARQUEZ DAHIL SA MEDICAL EMERGENCY; MANAGER NA SI SANTI, INIWAN ANG ALAGA SA GITNA NG PANGANIB!" βSa loob lamang ng ilang oras, nagbago ang ihip ng hangin sa mundo ng social media. Ang mga dating

