Nagising si Wylda sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng kaniyang silid. Kinapa niya ang kabilang panig ng kama, ngunit wala na roon ang init ni Jeriah. Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang maalala ang ginawa ng dila ng binata kagabi—isang karanasang nagpakalma sa kaniyang gulo-gulong isipan.
Kahit nakakaramdam pa rin siya ng kaunting panghihina at hapdi sa kaniyang p********e, pinilit ni Wylda na bumangon. Ayaw niyang laging umaasa sa pagbuhat ni Jeriah dahil baka makahalata na ang mga kasambahay sa bilis ng kanilang pagiging malapit. Dahan-dahan siyang nagtungo sa banyo, bawat hakbang ay maingat, hanggang sa matapos siyang maligo at makapagbihis ng isang simpleng dress.
Paglabas niya ng silid, isang masiglang tawanan ang pumailanlang mula sa dining area sa ibaba. Habang pababa siya ng hagdan, natigilan siya nang makitang magkatapat sina Lydia at Jeriah, masayang nag-uusap habang may hawak na kape. Tila ba matagal na silang magkakilala sa gaan ng kanilang pakikitungo sa isa't isa.
Nang mapansin ni Jeriah ang presensya ni Wylda sa hagdan, agad itong tumayo. Ang seryosong mukha nito kagabi ay napalitan ng isang mapaglarong ngiti.
"Good morning, bunso," bati ni Jeriah habang mabilis na lumalapit sa kaniya para alalayan ang kaniyang siko. "Sana tinawag mo ako para nabuhat kita pababa. Baka mapano pa ang mga binti mo."
Madiin ang pagkakasabi niya sa salitang 'bunso', isang paalala ng kanilang pormal na papel sa bahay na iyon, kahit alam nilang dalawa ang kabaligtaran nito. Ngumiti lang si Wylda at hinayaan ang binata na ihatid siya sa upuan. Lumapit siya sa kaniyang ina at humalik sa pisngi nito.
"Good morning, Ma," malambing na bati ni Wylda.
Agad namang inilapag ni Aling Perla ang mainit na kape sa harap ng dalaga. "Salamat po, Aling Perla," pasasalamat niya bago humigop ng kape, ninanamnam ang bawat lagok ng mapait na likido na tila panandaliang nagpapalimot sa kaniyang nasirang career. Ang init ng tasa ay nagbibigay ng kakaibang ginhawa, habang ang aroma nito ay humahalo sa amoy ng bagong ligo na si Jeriah na nasa kaniyang tabi.
Ibinaba ni Lydia ang kaniyang tasa at seryosong tiningnan ang anak, ang kaniyang mga mata ay bakas ang pag-aalala ng isang ina na handang makipag-giyera para sa kaniyang supling.
"Anak, napag-usapan namin ni Jetron kagabi ang tungkol sa issue mo habang wala kayo. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa pag-iisip. Ano na ang plano mo? Haharap ba tayo sa press para linisin ang kumakalat na maling balita? Hindi pwedeng hayaan lang nating sirain ng Santi na 'yan ang pangalan mo habang nakaupo lang tayo rito sa Laguna."
Napatingin si Wylda kay Jeriah, tila naghahanap ng bwelo at lakas ng loob. Alam niyang kapag humarap sila sa press, kailangang maging handa sila sa mga tanong kung sino nga ba ang lalaking kasama niya sa hotel. Paano niya sasabihing "kuya" niya ito gayong kahapon lang sila naging legal na magkapatid, at kagabi lang ay halos maging isa ang kanilang mga kaluluwa?
"Ma, hindi ganoon kadali 'yun," mahinang sagot ni Wylda. "Santi has all the connections. Kapag nagsalita ako nang walang matibay na back-up, baka baligtarin lang niya ako. He called me names, Ma. He wants to bury my career alive."
"Kaya nga hindi ka pwedeng manahimik, Wylda," singit ni Lydia, ang boses ay tumataas sa emosyon. "Your reputation is everything in your industry. Kapag hinayaan mong maniwala ang mga tao sa mga 'malisyosong' post na 'yan, baka tuluyan ka nang ma-blacklist. We need to tell them the truth—na aksidente ang lahat at may tumulong lang sa iyo."
Dito na sumingit si Jeriah, ang kaniyang boses ay baritono at puno ng awtoridad na tila nagpatahimik sa paligid. "Tita Lydia, Wylda is right. Press conferences can be a double-edged sword. Kapag humarap siya nang mag-isa, dudumugin siya ng mga tanong tungkol sa akin. They will dig into who I am, where I came from, and why I was with her in that hotel room."
Tumingin si Jeriah kay Wylda, isang sulyap na may halong proteksyon at lihim na pag-aalala. "Ang plano ko ay tawagan si Adris. He owns the hotel, and he has the footage and the security records to prove that Wylda was in a medical emergency or at least in a situation where she needed help. Gagamitin natin ang katotohanan na 'brother' niya ako—sa mata ng batas—para mapatigil ang malisyosong tsismis."
"Pero Jeriah," wika ni Lydia, "sasabihin ba nating magkapatid kayo? Hindi ba mas lalong maguguluhan ang mga tao dahil kakapakasal lang namin ng Papa mo?"
"Mas mabuti na 'yun kaysa tawagin siyang kung ano-ano, Tita," madiing sagot ni Jeriah habang pasimpleng hinahawakan ang dulo ng daliri ni Wylda sa ilalim ng lamesa.
"Ipapamukha natin sa kanila na binuhat ko ang kapatid ko dahil kailangan niya ako. And as for Santi... I'll make sure he loses his grip on the industry before he can even blink. I'll talk to my contacts in the business. We will hit him where it hurts most—sa kaniyang mga kliyente."
Nakahinga nang malalim si Wylda, ramdam ang bigat ng plano ni Jeriah. "Sigurado ka ba rito, Jeriah? I mean... Kuya?" may halong panunukso ngunit puno ng kaba ang kaniyang tanong.
"I'm sure, Bunso," seryosong sagot ni Jeriah habang nakatitig sa kaniyang mga mata. "No one touches what's mine i mean sa bunso ko. Hindi kita papabayaan." Dagdag pa nito.
Tumayo si Jeriah at bitbit ang kaniyang cellphone ay nagtungo sa veranda, malayo nang kaunti sa pandinig ng mag-ina. Habang hinihintay ang pagsagot ni Adris, sinulyapan niya si Wylda mula sa malayo. Nakikita niya ang pag-aalala sa mukha nito habang kausap si Lydia, at lalong tumitindi ang kagustuhan niyang protektahan ang dalaga.
Sa kabilang linya, sumagot din sa wakas si Adris.
"Oh, Jeriah? Napatawag ka? Balita ko headline kayo ng step-sister mo—o dapat ko bang sabihing model mo?" may halong panunukso ang boses ni Adris.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Adris," seryosong putol ni Jeriah. "Kailangan ko ang tulong mo. Alam mo ang ginawa ni Santi kay Wylda. Sinira niya ang pangalan ng dalaga sa harap ng media. Kailangan ko ang lahat ng security footage sa hotel—yung magpapatunay na hindi siya gumagawa ng kalokohan at kailangan niya lang ng tulong."
Naging seryoso na rin ang tono ni Adris. "Nakuha ko na, Bro. Actually, naitabi ko na ang hard drive. Kitang-kita rito na nahihirapan siyang lumakad at seryoso ang sitwasyon niyo. Pero Jeriah, sigurado ka ba rito? Kapag inilabas natin 'to, kailangang panindigan niyo ang 'magkapatid' angle. Mahirap nang mabawi 'yan kapag nalaman nilang may 'iba' kayong ugnayan."
Napahawak si Jeriah sa kaniyang batok, ramdam ang bigat ng desisyon. "Gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan niya. I'll use the family card. At isa pa, kailangan ko ng koneksyon sa Star Prime Agency. Gusto kong ilipat doon si Wylda at i-pull out lahat ng major brands kay Santi. I want to bankrupt that bastard."
"Copy that. I'll talk to my contacts. Pupunta ako riyan sa Laguna mamayang hapon para madala ang mga files at makapag-usap tayo nang maayos kasama si Wylda," sagot ni Adris bago ibaba ang telepono.
Bumalik si Jeriah sa dining table wala na si Lydia, ang kaniyang tindig ay puno ng kompyansa.
"Maayos na ang lahat," wika niya habang muling nauupo sa tabi ni Wylda. "Darating si Adris mamaya. Handa na ang mga ebidensya laban kay Santi. Wylda, simula bukas, luluhod ang manager na 'yan sa harap mo para humingi ng tawad."
Tumingin si Wylda sa kaniya, bakas ang pasasalamat ngunit may kasama ring pangamba. "Salamat, Kuya. Pero... paano kung malaman nila?"
"Huwag mong isipin 'yun," bulong ni Jeriah habang pasimpleng hinahaplos ang likod ni Wylda sa ilalim ng mesa, malayo sa paningin ni Lydia. "Sa harap nila, magkapatid tayo. Pero sa loob ng kwartong mo, alam mo kung sino ako sa iyong buhay."
Hapon na nang dumating si Adris sa mansyon. Bitbit ang kaniyang laptop at isang hard drive, agad siyang tinuloy ni Jeriah sa main living room kung saan naghihintay na sina Jetron, Lydia, at ang kabado pa ring si Wylda.
"Pa, Auntie Lydia, ito si Adris. Siya ang may-ari ng hotel kung saan naganap ang gulo at ang kaisa-isang taong makakapagpatunay sa katotohanan," pormal na pakilala ni Jeriah sa kaniyang kaibigan.
Matapos ang maikling batian, hindi na nagsayang ng oras si Adris. Inilapag niya ang laptop sa gitna ng coffee table at binuksan ang mga files. "Gusto ko lang makita ninyo ang kabuuan ng nangyari bago pa man makarating ang mga paparazzi sa labas ng kwarto ni Jeriah," seryosong saad ni Adris.
Ipinakita sa screen ang CCTV footage sa hallway. Kitang-kita roon ang hirap na hirap na paglalakad ni Wylda, na halos hindi na maibuhat ang sariling mga binti habang inaalalayan siya ni Jeriah. Kitang-kita rin ang pag-aalala sa mukha ng binata. Sumunod na ipinakita ang footage sa lobby kung saan pinalibutan sila ng media—doon malinaw na makikita na si Jeriah ay nagsisilbing proteksyon lamang sa isang babaeng tila nawawalan na ng lakas.
"Hayop ang Santi na 'yan!" malakas na hampas ni Jetron sa lamesa matapos mapanood ang video. "Kitang-kita na ang anak ko ay nangangailangan ng tulong, tapos babaligtarin niya ang kwento para magmukhang iskandalo?!"
Namumula sa galit si Jetron. Humarap siya kay Adris. "Adris, sapat na ba ito para idemanda ang manager na 'yan?"
"Higit pa sa sapat, Tito Jetron," sagot ni Adris habang nakasulyap kay Wylda na tahimik lang sa gilid. "Bukod sa defamation, maaari din nating habulin si Santi sa breach of contract at harassment base sa mga binitawan niyang salita kay Wylda sa telepono."
Humarap si Lydia sa kaniyang asawa, may luha sa mga mata. "Jetron, ayaw kong hayaang basta na lang nila saktan ang anak ko. Pinaghirapan ni Wylda ang pangalan niya."
"Huwag kang mag-alala, Lydia," mariing sabi ni Jetron bago bumaling kay Jeriah.
"Jeriah, gamitin mo ang lahat ng resources natin. Adris, ilabas mo ang footage na 'yan sa mga pinakamalalaking news outlet. Gusto ko, bago lumubog ang araw bukas, si Santi ang nakaluhod at ang career niya ang abo."
Lumingon si Jeriah kay Wylda at binigyan ito ng isang mabilis na kindat, isang senyales na kontrolado nila ang sitwasyon. "Gagawin namin 'yan, Pa. I'll personally handle the transition of Wylda to Star Prime Agency. Sisiguraduhin kong sa susunod na harap ni Wylda sa camera, siya na ang pinakamataas na binabayarang modelo sa bansa."
Nakahinga nang maluwag si Wylda. Sa tulong ni Adris at sa bagsik ng kaniyang bagong pamilya, nararamdaman niyang malapit na ang pagbagsak ng kaniyang mapang-aping manager.
Matapos ang mainit na diskusyon kasama ang mga magulang, minabuti nina Jeriah na dalhin si Adris sa veranda upang makapag-usap nang silang tatlo lang. Bitbit ni Wylda ang kaba habang nakaupo sa tapat ng dalawang lalaki.
Seryosong tiningnan ni Adris si Jeriah, pagkatapos ay binalingan si Wylda. "Bro, Wylda... bago ko i-send ang files na ito sa media contacts ko, gusto ko lang makasiguro. Ilalabas ba talaga natin ang footage na ito nang buo?"
Kumunot ang noo ni Jeriah. "Anong ibig mong sabihin? Iyon ang kailangan natin para mapatunayan na hindi sila dapat gumagawa ng malisyosong kwento."
"Alam niyo kung gaano kalala ang mga tsismosa sa social media," paliwanag ni Adris habang pinalalaruan ang kaniyang tablet. "Oo, makikita rito na binuhat mo siya dahil hindi siya makalakad. Pero Jeriah, paano kung may magtanong? Paano kung may mag-usisa na, 'Bakit hindi siya makalakad? Ano bang nangyari sa loob ng unit?' O kaya naman, 'Anong ginawa niyo sa loob ng kwarto bago kayo lumabas?' People can be cruel. Hahanapan at hahanapan nila 'yan ng butas para lagyan ng malisya."
Natahimik si Wylda. Napahawak siya sa laylayan ng kaniyang dress, naalala ang tindi ng ginawa nila ni Jeriah sa loob ng silid na iyon. Ang bawat ungol at bawat haplos na naging dahilan kung bakit nanghina ang kaniyang mga binti.
"Adris, ang mahalaga rito ay maipakita na 'brother' niya ako," madiing sagot ni Jeriah, bagaman ramdam din niya ang punto ng kaibigan. "Sasabihin natin na nagkaroon siya ng biglaang muscle cramp o matinding fatigue dahil sa sunod-sunod na shoots. Walang makakaalam kung anong nangyari sa likod ng mga saradong pinto."
"Siguraduhin niyo lang," babala ni Adris. "Dahil oras na lumabas ito, magiging national interest ang bawat detalye ng buhay niyo. Wylda, handa ka na ba sa magiging atensyon? Hindi lang bilang biktima ni Santi, kundi bilang 'kapatid' ng isang mayamang seaman at investor?"
Tumingin si Wylda kay Jeriah. Nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito—ang lalaking handang sunugin ang mundo para lang protektahan siya.
"Handa na ako, madali lang gumawa ng kwento." matapang na sagot ni Wylda. "Mas gusto ko nang mapag-usapan dahil magkapatid kami kaysa hayaang tawagin akong pôkpok ni Santi. I want to see him burn, Adris. Gawin mo na."
Tumango si Adris at muling binalingan si Jeriah. "Sige. Pero Jeriah, ingat-ingat din sa loob ng mansyon na ito. Baka sa sobrang pag-aalaga mo sa bunso mo, makalimutan niyo na may mga mata at tainga rin sa paligid."
Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Jeriah kay Adris bago muling hinarap si Wylda.
"Huwag kang mag-alala, Wylda. Ako ang bahala sa lahat. I’ll make sure the narrative is perfect. Bukas na bukas, si Santi na ang laman ng balita bilang pinaka-iresponsableng manager sa bansa.”
.
.
.
~ITUTULOY