Sa loob ng marangyang restaurant, naging isang buhay na impiyerno para kay Jeriah ang bawat minuto. Tahimik at malamig niyang pinakikisamahan si Evelina, ang kaniyang mga panga ay laging nakatigi habang ang kaniyang mga mata ay tila patay na uling. Alam niyang bawat maling galaw niya ay pwedeng maging mitsa ng pagsusumbong ni Evelina sa kaniyang ama, kaya kahit nandidiri ay hinahayaan niyang dumikit ang katawan ng dalaga sa kaniya. Walang ginawa si Evelina kundi ang akitin siya—ang malanding haplos sa kaniyang hita sa ilalim ng mesa, ang mapang-akit na bulong, at ang pag-astang tila pag-aari siya nito sa harap ng mga elite ng Paris. Ngunit ang isip ni Jeriah ay nasa suite, kay Wylda na alam niyang dinudurog ng selos at sakit. Pagdating ni Jeriah sa hotel, halos takbuhin niya ang hallway

