Malayo pa lang, nakita na ni Ryuuji ang kotse niya na ginamit ni Ashiya. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa wakas, nakita na niya ito. Nag-park siya ng kotse sa malapit at naglakad papunta sa mauseleum. Nakasalampak ito sa sahig. She's crying like it would suck the life out of her. Nasasaktan siya lalo na at siya ang dahilan ng mga luha nito. Pumasok siya at narinig nito ang yabag ng kaniyang mga paa. Unti-unti nitong iniangat ang mukha nito. Lumuhod si Ryuuji sa harap nito at kinuha ang panyo mula sa kaniyang bulsa. Pinunasan niya ang basa nitong mga mata at pisngi. "Stop. Leave me alone!" Tinabig ni Ashiya ang kamay niya. "I'm sorry. Please, let me explain." "Explain? Ano pa bang dapat na paliwanag doon? Nakita kong hinahalikan mo ang babaeng iyon!" Nakita niya ang selos

