SINUNDAN agad ni Jak si Lyla. Ngunit pagdating sa mansion, hindi niya makita ang asawa. Wala ito sa kuwarto. Wala rin naman ito sa iba pang parte ng bahay. Pero ang sabi ng mga maid, dumating ito kanina lang. Kaya lang hindi raw sumabay sa hapunan kasama ang mga magulang niya. Kung gano’n, saan ito nagpunta? Hindi naman ito makalalabas ng bahay nang walang nakakakita dahil may mga maid sa harapan ng bahay at may security guard din sa gate. Saan ito sumuot? Baka alam ni Manang Julia kung nasaan ang asawa niya kaya ipinatawag niya ang personal maid ni Lyla. “Manang, nakita po ba ninyo si Lyla?” “Sir, nandito lang po siya sa kuwarto kanina. Hindi na po siya naghapunan kasi busog pa raw siya. Ang sabi niya sa akin, magpapahinga na raw siya.” “Kung totoo iyang sinasabi ninyo, nasaan siya n

