ILANG araw pa ang pinalipas ni Lyla bago siya naglakas-loob na bumili ng pregnancy test kit sa boyika. Tatlo ang binili niya. Pag-uwi niya ng mansion, sinubukan niyang gamitin ang isa. Ang lapad ng ngiti ni Lyla habang nakatitig sa pregnancy test kit na hawak niya. Sa wakas pagkaraan ng ilang buwan na pagsasama nila ni Jak, nakabuo rin sila. Makikipagbati na siya sa kanyang asawa. Wala ng dahilan para magtampo pa siya. Siguradong matutuwa ang asawa niya rito sa pregnancy test na ipapakita niya. Siguro naman mamahalin na rin siya nito at ituturing na asawa dahil magkakaanak na sila. Hindi siya makapaghintay na sabihin ang magandang balita sa asawa niya. Excited na siyang makausap ito. Anong oras pa kaya ito uuwi? Nilingon niya ang relo sa dingding ng master bedroom. Alas-sais y medya na

