Blame
"Naku, nagkakamali ka. Wala kaming usapan kagabi siguro yung girlfriend niya ang tinutukoy mo."
"Uhh, pero kayo ho si Miss Azul Lamonel di po ba?"
Tumango siya.
"Then, hindi po ako nagkakamali."
Ano bang pinagsasabi nito? Wala siyang natatandaang sinabi si Nyxx tungkol dun kagabi. Kung meron man hinding hindi niya iyon makakalimutan. Isa pa, nandoon ang lalake sa bahay nila kagabi. Kasama nila ito. Ibig bang sabihin dito galing ang lalake bago sa bahay nila?
Nang tawagin ang waiter ng kasama nito sa counter ay agad itong nagpaalam sa kaniya kahit na may gusto pa sana siyang itanong.
"What's wrong?." Napahinto siya sa paglalakad at binalingan si Nyxx na nakasunod sa kaniyang likuran.
Nakalabas na sila ng restaurant at tinatahak na nila ang daan papuntang kotse nito ng magsalita ito. "Kanina ka pa tahimik."dugtong nito at tinitigan siyang mabuti pilit binabasa ang mga mata niya.
"May usapan ba tayo kagabi Nyxx? Like uhh, dinner?" lakas loob niyang tanong.
He looked away and play with his keys. Pinaikot ikot nito iyon sa daliri. "Umaambon na. Bilisan mo na sa paglalakad." pag-iiba nito sa usapan.
"Nyxx! Sagutin mo muna ako." ang dali lang namang sagutin ng tanong niya a. Meron lang o wala. Bakit ayaw parin nitong sagutin?
"Ngayon natatandaan mo na." that sounds bitter.
"Seryoso ako Nyxx. Kasi kung meron wala akong natatandaan na may sinabi ka."
"Then why ask? Wala ka din namang natatandaan. Mas alalahanin mo na lang yung nangyaring dinner niyo nung manliligaw mo kagabi."
What the heck is his problem?
"Hindi ko siya manliligaw!" she corrected.
He scoffed and let out a sarcastic laugh. Tila may katangahan itong sinabi dahil sa naging tawa nito
"Right. Hindi mo siya manliligaw. Boyfriend mo na siya. Congrats." nakapamulsang nilagpasan siya nito.
"Ano ba Nyxx! Hindi ko siya manliligaw at hindi ko siya boyfriend! Hindi mo pa rin ba makuha?" parang wala itong narinig na mas lalong kinairita niya.
"Ikaw nga yung gusto ko! Ikaw!" sigaw niya.
Wala siyang pakialam kung may makakita o makarinig man sa kanila doon. This time, hindi siya nakainom lahat ng sinasabi niya alam niya.
She looked at his back hindi parin ito humaharap though he stopped walking kaya alam niyang narinig nito ang sinabi niya.
"Ikaw yung gusto ko kaya bakit ako magpapaligaw sa iba? Kung gusto ko dapat noon pa. Noon pang panahon na kaya ko pang pigilan... na akala ko simpleng paghanga lang itong nararamdaman ko para sa iyo, na mawawala din siya paglipas ng panahon. S-Sinubukan ko namang pigilan pero masyadong huli na, Nyxx. Mahal na kita e." shs sobbed.
"Hulog na hulog na ako sa iyo na h-hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako."
Yumuko siya para hindi nito makita ang luhang nag-uunahan sa pagtulo sa kaniyang pisngi. Natatakot din siyang makita ang reaksyon nito sa sandaling iyon.
Mula sa pagkakayuko, nakita niya ang pagikot ng paa ng lalake at unti-unti nitong paghakbang papalapit sa kaniya.
"Babe!"
Nanlaki ang mga mata niya.
Tila slow motion na napahinto sa paghakbang si Nyxx at napabaling ang atensyon nila kay Cindy na lumitaw kung saan at nakangiting tinakbo ang kinaroroonan ng lalake. Agad na yumapos ito sa leeg ni Nyxx saka mabilis na pinatakan ng halik sa labi ang lalake.
Huli na para maiwas niya ang tingin. Kitang kita na niya paano maglapat ang labi ng dalawa at kung paano yumakap ang braso ni Nyxx sa bewang ng babae.
What a sight. Apakaboba mo Azul! Nakaramdam siya ng kahihiyan. Pakiramdam niya sinampal siya ng katotohanan. Mabilis na pinalis niya nag luha sa mga mata.
"I miss you. Hindi mo sinabing nasa bayan ka. We could have ate lunch together!" rinig niyang sabi ng babae nung maghiwalay ang mga ito.
"Cindy."
Napasulyap sa kaniya si Nyxx. Dahil doon, napunta ang pansin sa kaniya ng babae.
"Oh, she's here." hindi nakaligtas sa kaniya ang dagling pagsimangot nito ng makita siya.
"Hindi mo naman agad sinabi, nakakahiya nakita tuloy ni Azul." maarteng sumuntok ito ng mahina sa dibdib ni Nyxx.
Best actress. Paano mo mapapansin e para kang asong ulol na sumunggab agad nakakita lang ng pagkain.
She stop herself not to roll her eyes. Hindi parin humuhupa ang emosyon niya kanina pero kahit ganun, nakuha parin niyang nginitian ang babae. Ano pa bang bago? Matagal ka namang makalat.
"Pabalik na ba kayong Ukitan? Gusto kong sumama!"
"Hindi pa tapos ang trabaho namin. You should go home. Sino bang kasama mo?" lumingon lingon ito sa paligid. Sa takot na magtagpo ang tingin nila ay umiwas siya.
"My Dad. May kameeting siya, sa kabilang building. I saw you here kaya nagpaalam agad ako na pupuntahan kita. I promise hindi ako magiging abala sa iyo."
Scam.
"Nasaan na ba ang kotse mo? Umaambon na. Umalis na tayo. Hmm?" hinila nito ang lalake ng makita ang kotse ng lalake di kalayuan sa pwesto nila. Wala siyang choice kundi ang sumunod sa dalawa.
Cindy occupy the front seat na siyang inuupuan niya kanina kaya tahimik na tinungo na lamang niya ang likod.
"Did I cut off something earlier? Mukhang may pinag-uusapan kayo kanina ni Azul." iyon agad ang sinabi ng babae ng magsimulang umandar ang kotse.
Nakita niya ang pagsulyap sa kaniya ni Nyxx sa salamin na nasa harap.
"Yeah, but it's not that important."
May kung anong bagay na tumusok sa kaniyang dibdib dahil sa sinabi nito. Inilihis niya ang tingin sa labas dahil ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kaniyang mga mata. Her lips start to quiver kinagat na lamang niya ang loob ng labi to stop it from quivering. She wanted to cry pero hindi pwede. Lalabas na talunan siya.
"Ganun ba? Buti naman. Kumusta nga pala ang araw mo? I heard an accident happened earlier. I was so worried!"
Hindi na niya nasundan pa ang sinasabi ng babae. She's busy mending her feelings. Tahimik lang siyang nakaupo at sasagot lang pag tinatanong nito wala siyang panahon para patulan ang anumang pang-aasar ng babae.
Huminto ang sasakyan nila sa isang drive thru. Narinig niya ang pag-order ni Cindy sa nag-aantay na empleyado. "Hindi na kelangang bumili pa ng pagkain. Siguradong may hinanda si Tarah doon."
"Ano ka ba. Minsan lang naman to at saka they did a great job today. Nakakasawa ding puro tinapay na lang ang lagi nilang kinakain."
Nag-antay sila ng ilang minuto. Madami dami din kasi ang inorder ng babae. "Azul, hawakan mo nga."
Hindi siya magkandaugaga sa paghawak ng cellophane ng iabot nito sa kaniya lahat. Ni wala itong iniwan sa sarili para hawakan. Inis na tinapunan niya ito ng masamang tingin. Ni hindi man lang nagpasalamat!
Inayos niya ang pagkakapatong nun sa tabi at hinawakan ng maayos baka kasi matumba at matapon lalo pa at may inumin itong binili. Simangot ang mukha niya hanggang makarating sa Ukitan.
Naunang bumaba si Nyxx at umikot para pagbuksan ng pintuan ang babae.
"Gosh, I'm tired." rinig niyang sabi nito ng maiwan sila sa loob.
"Nahiya naman ako." parinig niya. Ito pa ang may ganang mapagod e wala naman itong binitbit.
Nilingon siya ng babae at nginisihan. "Bagay sayo."
Hindi na siya nakabawi dahil bumukas na ang pintuan sa tabi nito. "Thank you babe!"
E kung ibuhos niya dito ang mga pagkain na to? Wag nito inuubos ang pasensya niya. Sunod na binuksan ni Nyxx ang pintuan sa gilid niya. Tahimik siya nitong tinulungan sa dala. At ang bruha parang kandidata na kumaway at tinawag ang katrabaho niya saka itinuro ang dala niyang pagkain.
"Hi! May dala akong foods. Kuha kayo."
Dinaluhan siya ni Domeng at kinuha ang dala. "Ano to, feeding program?" kahit mabigat ang pakiramdam ay hindi niya napigilang mapangiti sa biro ni Domeng.
"Anong nakakatawa?" ani ni Cindy na may pekeng ngiti sa kanila ni Domeng.
"Natutuwa lang ho kami Mam! Maraming salamat dito. Nag-abala pa kayo."
Ang laki ng ngiti ni Cindy. Akala mo naman totoong pinupuri. Parang toko kung makakapit kay Nyxx. Takot mawala te?
"Konti nga lang iyan. Next time ipaghahanda ko kayo ng marami. Deserve niyo yan lalo na ang mahal ko."
Sa unang pagkakataon, nakornihan siya sa mahal. Nakarinig siya ng pag-ubo mula sa ibang kasamahan.
"Masabihan nga si Tarah na ibahin yung tawagan namin. Ang corny pucha."
"Mam, saan kayo pupunta?"
"Magpapahinga. Medyo sumama ang pakiramdam ko." she lied. She just wanted to be alone.
Hindi niya alam kung ilang minuto o nakakaoras na ba siya sa loob. Nakapikit lang siya pero hindi niya magawang matulog the scene keeps on playing on her mind. Napaayos siya ng upo ng bumukas ang pintuan ng opisina. Binundol siya ng kaba dahil akala niya si Nyxx ang papasok pero iniluwa nun si Tarah.
Binigyan agad siya nito ng magandang ngiti.
"Hi. Dinalhan kita ng maiinom. Masama pa ba ang pakiramdam mo?"
Nagpasalamat siya sa babae bago tinanggap ang juice. "Medyo."
"Ayaw mo bang lumabas? Nakikipagkwentuhan sila kay Mam Cindy at Seniorito."
Sound proof ang opisina nila para makaiwas sa ingay sa labas kung nagtatrabaho ang mga ito kaya hindi malayong wala siyang marinig mula sa loob.
"Hindi na. Siguro uuwi na muna ako. Wala na din naman akong gagawin." saka pinasadahan ang mesa.
"Sigurado ka?"
Tumango siya. At nag-umpisa nang kunin ang gamit.
Naunang lumabas si Tarah at pagbukas pa lang nito ng pintuan bumungad na sa kaniya ang malakas na tawa ng kasamahan pati na si Cindy.
They were all sitting together. Sa mesa nakalagay ang juice at meryendang binili ng babae kanina. Magkatabi ang dalawa at hindi nakaligtas sa kaniya ang pagngisi ni Nyxx ng may kung anong sinabi ang babae. They looked happy. Siya ata ang kontrabida sa love story ng mga ito.
"Seniorito, mauuna na daw ho si Azul. Masama parin ang pakiramdam niya."
Gusto niyang pasalamatan si Tarah for speaking on her behalf. Hindi din kasi siya sigurado kung paano puputulin ang kasayahan ng mga ito.
Napunta sa kaniya ang lahat ng atensyon. "Oo. Pasensya na. Natapos ko na din naman ang trabaho ko. Babawi na lang ako b-bukas."sinulyapan niya si Nyxx. Tahimik ito but his stare didn't leave her. Tila nangungusap ang mga tingin. Ibinaba nito ang baso sa mesa at aktong tatayo ng maunahan ito ni Cindy.
"Ihahatid na kita sa labas Azul! May sasabihin din kasi ako sayo." pwedeng pwede isabak sa pag-aartista ang babae sa galing nito sa pag arte. Hindi niya alam kung paano nito nababago ang tono ng boses at reaksyon ng mukha ng ganun kadali at maging kapani-paniwala ito sa iba.
"Hindi na kailangan."
"I insist. Halika na."
Nagpaalam ito sa iba at hinila siya paalis. Nang makalabas sila at pansing malayo na ay inalis niya ang kamay nito sa kaniya.
"Pwede bang itigil mo tong arte mo." tinalikuran niya ito at tinungo na ang daan kung saan may dumadaang tricycle.
"Look who's talking. Ikaw nga itong nag-iinarte para mag-alala sayo si Nyxx. Akala mo ba hindi ko alam yun?"
Umirap siya sa hangin. Kung may makakakita sa kanila pagtatawanan sila ng mga ito dahil sa gilid pa ng daan naisipang magbangayan. Napailing siya.
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw. Nakakatawa ka. Wala pa akong ginagawa pero kung makareact ka diyan akala mo inagaw ko na si Nyxx sayo. Nasa iyo na siya. Bakit hindi ka na lang makuntento?"
Suminghap ito.
"So, may balak ka talagang agawin siya! Ang kapal ng mukha mo!" nanlilisik ang matang tinulak siya nito sa balikat.
Sinasagad ng babaeng to ang pasensya niya pero ayaw niya ng gulo. Tinalikuran niya ito at nag-abang ng paparating na tricycle.
"Wag mo kong tinatalikuran!" naramdaman niya ang pagbaon ng kuko nito sa balat niya ng hilain nito ang braso niya para maiharap ulit dito.
"Bitiwan mo ko!" nakaramdam siya ng hapdi. Dumudugo na nag braso niya.
"Malandi ka!" nanlaki ang mata niya ng sugurin siya nito.
Sinangga niya ang kamay nitong pilit inaabot ang buhok niya para mahila. Naramdaman niya ang kuko nito na dumaan sa leeg niya. Napasinghap siya sa sakit.
"Ani ba, cindy! Bitawan mo sabi ako e!" buong lakas na tinulak niya ito paalis. Dahil dun, tumilapon ang babae sa kalsada isang dipa lang ang layo nun sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata niya ng makitang may sasakyan na mabilis ang takbo at papunta sa pwesto nito. Lumipat ang mata niya kay Cindy at sa sasakyan. Dali-dali niyang inabot ang nanginginig na kamay.
"Cindy umalis ka na diyan!" ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Kita niya ang pagkatulala nito bago nakuhang inabot ang kamay niya. Halos magpasalamat siya sa lahat ng santo dahil doon pero akala niya hanggang doon lang iyon.
Akala niya.
"Azul? Cindy?"
She heard some voices from her back pero hindi yun ang napagtuunan niya ng pansin. May kung ano sa mata ng kaharap na nagpakaba sa kaniya ng sobra.
"Sa akin lang siya, Azul. And I will make sure of that."
Bigkas ni Cindy sa harap niya bago ginamit ang braso niyang nakahawak dito para itulak ang sarili nito ng malakas.
Dahil doon, napaatras ito at kasabay ng pag-atras nito, ay ang pagtama ng katawan nito sa sasakyan na dumaan. A screeching sound of the car followed by a loud thud enveloped her ears.
Hindi siya nakagalaw. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. Sumabog ang hangin at alikabok sa mukha niya at nablanko ang isip. Wala na sa harap niya ang babae.
"Diyos ko!" tili ng kung sino.
"Tangina. Tumawag kayo ng ambulansya!"
"C-Cindy!"
May mga paggalaw siyang naramdaman sa paligid may sumisigaw pero hindi niya maigalaw ang katawan. Images of her keep flashing to her mind.
S-he's gone. Cindy is gone.
Wala siyang kasalan. Hindi niya tinulak si Cindy. Hindi niya ginawa iyon. She pushed herself.
Yun ang paulit-ulit na sinasabi ng isip niya pero hindi niya magawang sabihin sa lahat. Sino ba namang maniniwala? Nasa harap niya ang babae, nasa likuran niya sila Nyxx. Umextend ang kamay niya at kitang kita at lumalabas na tinulak niya ang babae.
Naalala niya kung paano siya sigawan at itaboy ni Nyxx kanina nung lumapit siya sa mga ito habang pinapasok sa ambulansya ang walang malay at duguang katawan ni Cindy.
"N-Nyxx. Wala akong kasalanan. Hindi ko siya tinulak." Hindi siya nito pinansin. Alam niyang galit ito at nag-aalala sa babae.
"N-Nagkakamali ka ng iniisip." nakatingin sa kaniya ang lahat. Nang subukan niyang tingnan ang mga kasamahan sa ukitan kanina ay parehong iniwasan siya ng mga ito ng tingin.
"Nyxx." napatalon siya sa gulat ng singhalan siya nito.
"Tangina naman Azul! Kung hindi ikaw ang tumulak, sino? Si Domeng?! Si Tarah? Kitang kita ng mga mata namin! Hindi mo na kelangang magmalinis pa! Nandoon kami e. " galit nitong sigaw. Pulang pula ang mukha nito.
"Seniorito." pagpapakalma ni Tarah sa lalake.
"Hindi ko siya tinulak! Pakiusap pakinggan niyo naman ako. Hinding hindi ko yun magagawa sa kaniya."umiiyak niyang sabi.
"Ginawa mo na. Pakiusap, lumayo ka muna sa akin Azul." he coldly said then left. Sumakay ito sa loob ng ambulansya. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan.
"Azul, kumalma ka muna. Halika at maupo muna." inalalayan siya ni Tarah sa isang upuan at pinainom ng tubig. Everything happened so fast. Kung pwede lang balikan ang nangyari itatama niya ang lahat.
"N-Naniniwala ka ba na wala akong k-kasalanan Tarah?"
She tapped her hands.
"Naniniwala ako sa kung ano ang totoo."
Dumating ang mga pulis at kinausap siya. Hindi siya makausap ng matino. Gusto niyang makita ang Mama at Papa niya. Sa mga oras na iyon ang mga ito lang ang alam niyang maniniwala sa kaniya. Hindi niya magawang tawagan ang mga ito dahil sa nanginginig niyang daliri. Ang mga kamay niya rin ang nagtulak sa babae para mapunta sa ganoong sitwasyon.
"Anak." dali dali siyang niyakap ng mama niya pagkakita sa kaniya nito. Her father and brother was there too. Puno ng pag-aalala ang mukha ng mga ito.
"Mama... Hindi ko siya tinulak." iling niya.
"Shhh.. Magiging okay din ang lahat. Wag ka nang umiyak." niyakap siya nito ng mahigpit. Ang papa naman niya ay kinausap ang pulis.
"Kinausap na ho kami ni Mr. Monteagudo kanina tungkol sa nangyari. Kakausapin pa namin ang mga magulang ng naaksidente kung may balak ba silang magsampa ng kaso o hindi. Babalitaan ho namin kayo."
"Sige ho sir. Maraming salamat."
Minutes later, the pulis let her leave. May tumawag sa mga ito kanina at pagkatapos nun sinabi nitong pwede na silang makauwi. Hindi na niya nagawang magpaalam pa sa mga kasamahan.
She's too exhausted to do it. Ang gusto lamang niya ay ang umuwi at magpahinga. Ang daming nangyari sa araw na ito. Nang makarating sila sa tahanan ay nagkulong siya sa kwarto. Tinanong siya ng mama niya kung gusto niyang kumain pero hindi niya maramdaman ang gutom. Gusto niyang matulog pero hindi niya magawa. Kada pipikit siya, naaalala niya ang nangyari.
Paano nito nagawa yun sa sarili? It was too much. Ganoon ba nito kamahal ang lalake para isakripisyo nito ang sarili para lang maalis siya sa landas ng mga ito?
Kasalanan ba talaga niya?
Kinuskos at kinuskos niya ng paulit ulit ang kamay. Hoping it will erase the crime she committed earlier.
Hinaplos niya ang kalmot ng babae sa leeg niya at braso. It stings pero alam niyang walang wala iyon kesa sa tinamo ng babae.
Hindi niya alam anong oras na iyon but she want answers. Sinuot niya ang damit na nadampot sa cabinet at nagmamadaling lumabas. Liliko sana siya sa sala nila para kunin ang sapin sa paa ng makita niya ang mga magulang na seryosong nag-uusap doon.
"Nakita mo ba ang mukha niya kanina? Takot na takot siya." it was her mom.
"Wag ka ng mag-alala pa. Matapang ang anak natin. She'll get through this."
Her family...
Bagsak ang balikat na nagsimula siyang tumalikod at bumalik sa kwarto niya. Gusto niyang mapanatag at makita sa personal na okay sana si Cindy pero sa nakita niya ay baka mas lalo lang mag-alala ang buong pamilya niya. Hindi niya alam ang pwedeng mangyari oras na pumunta siya doon. Cindy's parent might be there.
Pabagsak na humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Ano nang mangyayari bukas at sa susunod pang mga araw?