No One Dares(POV: YANNA)

1049 Words
“Everyone, take your seats. Now.” Tumigil ang bulungan sa loob ng grand conference hall na parang may pinindot na mute. Iyon ang boses ni Kairo...malamig, malinaw, at walang puwang para sa pagtutol. Nakatayo ako sa tabi niya, ramdam ko ang init ng presensya niya sa gilid ko, pero mas ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatuon sa’kin. “This will be brief,” dagdag niya, hindi pa rin lumilingon sa akin. “But it will be very clear.” May mga upuang gumalaw, may mga lalamunang lumunok. Nakita ko sa unahan ang ilan sa mga pamilyar na mukha—mga taong minsan kong nakasama sa trabaho, mga ngiting naging kutsilyo sa likod ko. Ngayon, hindi na sila nakangiti. “You were called here because of a violation.” Tahimik. Ang klase ng katahimikan na mas maingay kaysa sigawan. “A violation of company policy, of basic human decency, and of my patience.” May kumislot na projector sa likod niya. Lumabas ang screenshots...mga chat, mga pangalan, mga oras. Ang sikmura ko ay kumunot. Kahit alam ko na ang laman, masakit pa ring makita ang sarili kong pangalan na binabato ng tawa. “These messages,” sabi ni Kairo, itinuro ang screen, “were sent by employees of Valencia Group.” May isang babae sa ikalawang hanay ang napasigaw ng mahina. May lalaking napayuko. May mga kamay na biglang naghanap ng isa’t isa. “Let me be very clear,” patuloy niya. “This company does not tolerate harassment, bullying, or humiliation...especially not toward someone under my direct protection.” Hindi ko napigilang huminga nang malalim. Proteksyon. Isang salitang parang yakap at hawla sa iisang hinga. “Stand up.” Isa-isa, tinawag niya ang mga pangalan. Isa. Dalawa. Tatlo. Bawat pagtayo ay parang hampas sa dibdib ko. Bawat mukha ay may kanya-kanyang bersyon ng takot. “You laughed,” sabi niya sa unang tumayo. “You shared.” “You encouraged it,” sabi niya sa ikalawa. “And you,” tiningnan niya ang ikatlo, “you started it.” “Sir...” may sumubok magsalita. “No.” Isang salita lang. Sapat para maputol ang tapang. Narinig ko ang sarili kong hininga. Narinig ko ang t***k ng puso ko sa tenga ko. Gusto kong umatras, gusto kong maglaho, gusto kong hindi na marinig ang susunod. “As of this moment,” sabi ni Kairo, “your employment with Valencia Group is terminated. Effective immediately.” Parang may sumabog na hangin sa loob ng hall. Isang iyak ang pumutok. Isang upuan ang tumilapon. “Sir, please...” umiiyak ang isa. “May pamilya po ako...” “You should have thought of that before humiliating someone else’s.” “Please, sir, second chance...” Lumuhod ang isa. Literal na lumuhod sa sahig na makintab. “Ma’am Yanna, please...” Napaatras ako. “H-huwag” “Don’t beg me,” putol ni Kairo, malamig. “Beg her.” Lumingon siya sa’kin. Doon ko nakita ang apoy....hindi galit na sumasabog, kundi galit na kontrolado. Mas nakakatakot. “She’s the one you've hurt.” Lumingon sa’kin ang tatlo. Mga mata na puno ng takot at pagsisisi...o takot lang. Hindi ko alam. “Ma’am Yanna,” iyak ng babae, gumapang ang tuhod papalapit. “Please… we’re sorry. Hindi na po mauulit.” Parang may kamay na pumisil sa dibdib ko. Nakita ko ang sarili ko sa kanila...takot, desperado, naghahanap ng awa. “Kairo,” bulong ko, hinawakan ang manggas niya. “Please.” Tumigil siya. Lahat ay tumigil. “One more chance,” sabi ko, pilit pinatatatag ang boses ko. “Bigyan mo sila ng isa pang pagkakataon.” May bulungan. May gulat. May mga matang bumaling sa’kin...parang ako ang desisyon. Tinignan ako ni Kairo. Matagal. Mabigat. “You’re asking me to let this go.” “Humihingi ako,” sagot ko. “Hindi para sa kanila lang...para sa’kin din.” Huminga siya nang malalim. Isang segundo na parang isang oras. “If it were up to me,” sabi niya, dahan-dahan, maririnig ng lahat, “I would not let this pass.” May mga napasinghap. May umiyak nang tuluyan. “Because no one...” bumigat ang boses niya, “has the right to humiliate the person I love and cherish the most.” Tumigil ang mundo. Narinig ko ang sariling pangalan sa isip ko na parang kampana. The person I love. Hindi ‘girlfriend.’ Hindi ‘asset.’ Ako. “Yanna Cruz.” May init na umakyat sa mata ko. Hindi ko pinigilan. “Anyone who messes with Yanna,” dagdag niya, mas madiin, “messes with me.” Tahimik ang hall. Walang gumalaw. Walang huminga. “However,” bawi niya, lumingon sa’kin, “she asked for mercy.” May pag-asa ang pumasok sa mga mukha. “So here is what will happen.” Tumayo siya nang tuwid. “You will be placed on final probation. One mistake...one whisper...one message...” ngumiti siya, hindi masaya, “and you’re done.” “Salamat po,” sabay-sabay na iyak. “Do not thank me.” Tumitig siya sa’kin. “Thank her.” Lumingon sila sa’kin ulit. Lumapit ang babae, nanginginig. “Salamat, Ma’am Yanna.” Tumango ako. Wala akong masabi. “Meeting adjourned.” Isa-isang lumabas ang mga tao. Naiwan kami sa gitna ng hall...ako at si Kairo. Malawak ang espasyo, pero parang siksik. “Hindi mo kailangang gawin ’yon,” bulong ko. “Kailangan.” “Pinahiya mo sila sa harap ng lahat.” “Pinahiya ka nila sa likod mo.” “Tao pa rin sila.” “Ikaw rin.” Lumapit siya. Tinapik ang pisngi ko, dahan-dahan, parang takot mabasag ako. “At hindi kita hahayaang mabasag.” Gusto kong umiyak. Gusto kong ngumiti. Gusto kong tumakbo palayo at palapit sa kanya sa iisang segundo. “Kairo,” sabi ko, mahina, “huwag mong ilagay ang sarili mo sa gulo dahil sa’kin.” “Too late.” Ngumiti siya, bahagya. “You’re already my world.” Tumigil ang hininga ko. “And I don’t let my world burn.” Tumunog ang phone niya. Isang pangalan ang lumabas...Brian Chavez. Nag-iba ang tingin niya. Nawala ang lambot. Bumalik ang bakal. “It’s starting,” sabi niya sa’kin, mababa. “Ano?” Tumingin siya sa’kin...seryoso, protektibo, handang sumabak. “The next fight.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD