They Crossed The Line(POV: YANNA)

1093 Words
“Kairo, huwag.” Iyon ang unang salitang binitiwan ko habang hinahabol ko siya sa hallway ng hotel...hubad ang paa ko sa malamig na marble, hawak ang phone na nanginginig pa rin sa dami ng notifications. Hindi siya huminto. Hindi man lang lumingon. Ang balikat niya ay matigas, ang hakbang niya ay diretso, parang bala na may target. “Get out of my way.” Hindi sigaw. Hindi pakiusap. Utos. At doon ko unang naramdaman ang takot...hindi sa mundo, hindi sa mga taong nanakit sa akin...kundi sa lalaking ilang metro lang ang layo sa’kin. “Kairo, please.” Nilapitan ko pa siya, hinawakan ang braso niya. “Hindi mo kailangang...” Hinila niya ang braso niya palayo, pero hindi marahas. Parang mas takot siyang masaktan ako kaysa sa sarili niya. “They crossed a line.” “They always do,” sagot ko, hinihingal. “At palagi akong bumabangon.” Huminto siya sa wakas. Dahan-dahan siyang humarap sa’kin. Ang mga mata niya...madilim. Hindi galit lang. Hindi selos lang. Isang bagay na mas malalim, mas mapanganib. “You shouldn’t have to.” “Hindi mo sila kailangang harapin,” sabi ko. “Hindi mo kailangang ipaglaban ang laban ko.” “Laban ko na ’to.” “Hindi,” mariin kong sagot. “At ayokong maging gano’n.” Tumunog ang phone niya sa kamay niya. Isang pangalan ang nag-flash sa screen...isang coworker ko. Isang chat group. Mga salitang alam kong hindi ko na kailangang basahin para maramdaman ang kirot. “They’re laughing at you.” “Alam ko,” sagot ko agad. “At alam ko ring hindi iyon matatapos kahit anong gawin mo.” Tinignan niya ulit ang screen. Kita ko kung paano bumigat ang hinga niya, kung paano humigpit ang panga niya. Parang sinasakal ang sarili para huwag sumabog. “They think they can say anything.” “Dahil kaya nila,” sagot ko. “Dahil hindi nila alam kung paano masaktan ang isang tao at di makatulog nang mahimbing.” “I’ll make them regret it.” Isang hakbang ang inilapit ko. Dalawa. Hinawakan ko ang kamay niya...ngayon, ako na ang matatag, kahit nanginginig ang loob ko. “Huwag.” “Yanna...” “Makinig ka sa’kin,” sabi ko, pilit pinapantay ang boses ko. “Kung lalaban ka para sa’kin, lalong lalaki ’to. Lalong iikot ang mundo sa’kin bilang problema.” “You are not the problem.” “Pero ako ang headline,” sagot ko. “Ako ang ‘ungrateful.’ Ako ang ‘downgrade.’ Ako ang madaling ipako.” Tahimik siya. Sa katahimikan na iyon, naramdaman ko ang bigat ng pagitan namin...ang distansyang hindi kayang sukatin ng sentimetro. “They humiliated you.” “Hindi ako bago sa hiya,” sagot ko. “Pero bago sa’kin ang lalaking handang sunugin ang mundo para sa’kin.” Napasinghap siya. Isang maikling tunog, parang sugat na binuksan. “I’m not doing this for show.” “Alam ko,” sagot ko agad. “At iyon ang kinakatakot ko.” Lumapit siya. Masyadong malapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang bigat ng presensya niya. Hindi ito yakap. Hindi rin ito banta. Isa itong banggaan. “You don’t get to decide what I do.” “Hindi,” sagot ko, nakatingala sa kanya. “Pero may karapatan akong humiling.” Tumitig siya sa’kin, parang hinahanap ang kasinungalingan sa mukha ko. “Humihingi ka ba ng tulong… o humihingi ka ng distansya?” Napapikit ako saglit. “Humihingi ako ng respeto.” Tahimik. Mabigat. “They dragged your name.” “At babawiin ko iyon,” sagot ko. “Hindi sa pamamagitan ng takot. Kundi sa pagtayo.” “You shouldn’t have to stand alone.” “Hinding-hindi,” sabi ko. “Pero ayokong may masugatan dahil sa’kin.” Tumunog ulit ang phone niya. Mas marami. Mas malinaw. Mga screenshots na may mga pangalan, may mga mukha. Nakita ko kung paano kumislap ang galit sa mata niya. “They work with you.” “Hindi na,” sagot ko. “Hindi pagkatapos nito.” “Good.” “Hindi ’yan ang punto,” sabi ko. “Ang punto ay kung ano ang gagawin mo ngayon.” Lumayo siya ng kalahating hakbang. Parang pinipigilan ang sarili. “They deserve consequences.” “Marami ang karapat-dapat,” sagot ko. “Pero hindi lahat kailangang durugin.” “You’re protecting them.” “Hindi,” sagot ko agad. “Pinoprotektahan kita.” Nanlaki ang mata niya. “Me?” “Ang pangalan mo. Ang kumpanya mo. Ang kinabukasan mo,” sunod-sunod kong sabi. “Ayokong maging dahilan kung bakit mas lalo kang masusuklaman.” “I don’t care what they think.” “Pero darating ang araw na kakailanganin mo,” sagot ko. “At ayokong pagsisihan mo ang ginawa mo dahil sa galit.” Lumapit siya ulit. Ngayon, mas maingat. Mas mabagal. “What if I can’t stop?” Doon ako natigilan. Hindi sa galit niya....kundi sa katotohanang narinig ko sa boses niya. Isang lalaking sanay kontrolado ang lahat, ngayon nahihirapan pigilan ang sarili. Hinawakan ko ang dibdib niya, ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso niya. “Then let me be the reason you stop.” Tahimik. Isang segundo. Dalawa. “You’re asking me to let them hurt you.” “Hindi,” sagot ko. “Humihingi ako ng tiwala.” Tumitig siya sa kamay ko sa dibdib niya, parang doon niya unang napansin ang panginginig ko. “You’re scared.” “Oo,” amin ko. “Pero hindi dahil sa kanila.” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi mahigpit. Parang tanong. “Because of me?” “Dahil sa kung ano ang kaya mong gawin,” sagot ko. “At sa kung gaano ka handang mawala sa sarili mo.” Isang mahabang buntong-hininga ang binitiwan niya. Parang hinila niya ang sarili niya pabalik mula sa bangin. “If I stop…” sabi niya, mababa, “will you stop hurting yourself too?” Hindi ako agad nakasagot. Dahil hindi ko alam ang sagot. “Yanna.” “Susubukan ko,” sabi ko sa wakas. Tinignan niya ako...hindi bilang bilyonaryo, hindi bilang lalaki sa kapangyarihan...kundi bilang taong may hawak na apoy. “I’ll stand down. For now.” Nakaluwag ang dibdib ko, kahit kaunti. “Salamat,” bulong ko. Tumalikod siya, naglakad papalayo...pero huminto sa pinto. Hindi siya humarap. Pero narinig ko ang boses niya, mababa at puno ng babala. “Pero kung may umulit… hindi na ako hihingi ng permiso.” At doon ko naramdaman...hindi pa tapos ang laban. “Kairo…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD