Toxic Media(POV: YANNA)

1049 Words
“Bakit mo pa binuksan ulit?” Boses ni Kairo ang unang sumalpok sa akin....mahigpit, pigil, parang hinahabol ang hininga niya para hindi sumabog. Hawak ko ang phone ko, nanginginig ang daliri ko habang nag-i-scroll sa mga bagong lumabas na screenshots. Mas malinaw. Mas lantad. Mas personal. “Hindi ko sinasadya,” sabi ko, kahit alam kong kasinungalingan. “Lumabas lang.” “Lumabas dahil hinahanap mo,” sagot niya. “Sinusugatan mo ang sarili mo.” “Madali mong sabihin,” balik ko. “Hindi ikaw ’yung pinagtatawanan.” Tumahimik siya saglit. Kita ko ang panginginig ng panga niya. Isang hakbang ang inilapit niya, tapos huminto...parang natatakot na baka kapag hinawakan niya ako, tuluyan siyang mawalan ng kontrol. “Yanna,” sabi niya, mas mababa na ang boses. “Tama na.” “Tama na?” napatawa akong halos basag, paos. “Tama na saan? Sa pag-iyak? Sa pagbabasa? Sa pag-iral?” Ipinakita ko sa kanya ang screen. Isang bagong comment thread, naka-pin. “Sana ibalik na lang siya sa opisina. Hindi bagay sa mundo ng mayayaman.” “Hindi siya girlfriend. Project siya.” “Ungrateful talaga. Niligtas na nga, nagrereklamo pa.” “Basahin mo,” sabi ko. “Basahin mo lahat.” “Hindi ko kailangan,” sagot niya. “Alam ko na.” “Hindi,” mariin kong sabi. “Basahin mo kung paano nila ako kilala. Kung paano nila ako hinubaran ng pagkatao.” Lumapit siya at kinuha ang phone—hindi marahas, pero determinado. Isang segundo lang ang lumipas bago niya ibinaba iyon sa mesa, nakabaliktad. “Tama na,” ulit niya. “Ayokong makita ka nang ganito.” “Ganito?” tanong ko. “Ganito na totoo?” Huminga siya nang malalim. “Ganito na sinasaktan.” “Kasama ka,” sabi ko, biglang sumikip ang dibdib ko. “Kasama ka sa dahilan.” Tumigil siya. Parang tinamaan. “Kung hindi dahil sa’yo...” “...hindi ka rin nila kilala,” putol niya. “At hindi ka rin nila sinusundan.” “Hindi ko hiniling ’to!” sigaw ko. “Hindi ko hiniling na maging usapan. Hindi ko hiniling na maging ‘downgrade.’” “Hindi ka downgrade,” sabi niya agad. “Para sa kanila, oo,” sagot ko. “At para sa mundo mo...” “....huwag mo akong isama,” putol niya, mas matigas na ang tono. “Hindi kita tinrato bilang mas mababa.” “Pero hinayaan mo,” sabi ko, halos pabulong. “Hinayaan mong maging entablado ako.” “Para iligtas ka,” sagot niya. “Hindi ako niligtas,” balik ko. “Pinalitan mo lang ang apoy.” Tumahimik siya. Sa katahimikan na ’yon, bumagsak ang unang luha. Hindi ko napigilan. Isang patak. Dalawa. Hanggang sa tuluyan na. “Pagod na ako,” sabi ko, nanginginig. “Pagod na akong ngumiti. Pagod na akong maging matatag. Pagod na akong maging kwento ng iba.” Lumapit siya....sa pagkakataong ’to, hinawakan niya ang balikat ko. Mahigpit. Parang kapit sa bangin. “Hindi ka mag-isa,” sabi niya ulit. Tinabig ko ang kamay niya. “Huwag mo ’kong kaawaan.” “Hindi ito awa,” sagot niya, mas mariin. “Galit ’to.” “Kanino?” tanong ko. “Sa kanila,” sagot niya. “Sa lahat ng nanakit sa’yo.” “Hindi mo sila kayang pigilan,” sabi ko. “Mas lalo lang lalala.” “Kung lalala,” sabi niya, ang boses unti-unting tumataas, “lalabanan ko.” “Hindi ito laban mo!” sigaw ko. “Ginawa nila,” sigaw din niya, “na laban ko!” Napatigil ako. Umiiyak na ako nang tuluyan....hindi na tahimik, hindi na maayos. Yung iyak na matagal kong kinulong. “Sinabi nila,” hikbi ko, “na binili mo raw ako. Na may presyo raw ang luha ko.” Kumunot ang noo niya. Ang mga mata niya...nagdidilim. “Sinabi nila,” tuloy ko, “na wala raw akong utang na loob. Na kung tunay akong mabuti, tatahimik na lang ako.” Humigpit ang kamao niya. Narinig ko ang langitngit ng buto. “Sino,” tanong niya, mababa at delikado, “ang nagsabi niyan?” “Marami,” sagot ko. “At mas darami pa.” Lumapit siya sa bintana, parang hinahabol ang hangin. Nakita ko ang likod niya...matigas, nanginginig. Ang lalaking laging kontrolado, ngayon parang binabaklas ng galit. “Hindi nila alam,” sabi niya, halos ungol, “kung gaano ka katapang.” “Hindi ko kailangang maging matapang araw-araw,” sabi ko. “Gusto ko lang mabuhay.” Humarap siya sa’kin bigla. Isang hakbang. Dalawa. Huminto sa harap ko. “Hindi ka nila dudurugin,” sabi niya. “Hindi habang nandito ako.” “Kung gagawin mo ’yan,” sabi ko, umiiyak pa rin, “mas lalo kang masusuklaman.” “Bahala sila,” sagot niya. “Hindi,” mariin kong sabi. “Hindi bahala. May trabaho ka. May kumpanya. May pangalan.” “Wala akong pakialam,” sagot niya, mariin na mariin. “Meron ka,” sabi ko. “At iyon ang problema. Dahil kapag bumagsak ka...” “...sasaluhin mo?” putol niya, may pait. Hindi ako nakasagot. Umiling lang ako. “Kaya huwag,” sabi ko. “Huwag kang sumabog dahil sa’kin.” “Hindi ko kayang panoorin,” sagot niya, ang galit unti-unting nagiging poot, “na winawasak ka nila.” Tumunog ang phone niya. Isang notification. Binasa niya. Kita ko ang pagbabago sa mukha niya...mula galit, naging yelo. “Ano ’yan?” tanong ko. Isang saglit bago siya sumagot. “Mas marami pang screenshots.” Nanlambot ang tuhod ko. “Huwag mo nang basahin.” “Huli na,” sagot niya. Lumapit siya at kinuha ang jacket niya. Mabilis. Matigas ang galaw. “Saan ka pupunta?” tanong ko, takot ang boses. Sa pinto, huminto siya. Hindi lumingon. “May aayusin lang,” sagot niya. “Kairo,” tawag ko. “Huwag.” Lumingaon siya sa wakas. Ang mga mata niya...hindi ko pa nakita nang ganito. Hindi init. Hindi lambing. Kundi apoy na handang manunog. “Kung hindi ko sila titigilan ngayon, hindi ako si Kairo Valencia.” At bago pa ako makapagsalita.... Lumabas siya, at ang pinto ay sumara sa pagitan ng galit niya at ng takot ko. “Kairo...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD