"Ok Mariz, Yanna and I will come," sabi ni Kairo sa Ex niyang kausap sa phone. She's inviting for her boutique launching. At sinabi pa talagang kasama ako.
“Relax ka lang,” sabi niya, halos pilyo, habang sumasandal siya sa counter ng penthouse bar na para bang wala kaming pinagdadaanang gulo. Isang baso ng amber liquid ang hawak niya, iniikot-ikot sa kamay. “Para kang sasabog.”
“Hindi ako sasabog,” sagot ko agad. “At tigilan mo ’yang tono mo.”
Tumawa siya.
Hindi yung maingay.
Hindi yung bastos.
Yung mababa.
Yung confident.
Yung parang alam niyang natatalo na ako kahit wala pa kaming sinisimulan.
“Galit ka,” sabi niya, nakangisi. “Cute.”
“Hindi,” singhal ko. “At huwag mo akong tawaging cute.”
Lumapit siya ng isang hakbang. Hindi pa rin tumitigil ang ngiti. Hindi rin nawawala ang kakaibang lambing sa mata niya...yung klase ng lambing na mas delikado kaysa galit.
“Jealous ka ba?” tanong niya, parang biro lang.
Nanigas ang balikat ko.
“Ha?” Mabilis ang sagot ko. Masyadong mabilis. “Huwag kang delusional.”
“Ah,” sabi niya, tumango. “So hindi ka jealous.”
“Obviously,” dagdag ko. “At wala akong pakialam kung ilang babae ang nasa past mo, present mo, o—”
“Future?” singit niya, nakataas ang kilay.
“—o future mo,” tinapos ko, pilit na steady ang boses.
Ngumiti siya lalo. Mas malapad. Mas mapang-asar.
“Good,” sabi niya. “Kasi ang mukha mo nagsisinungaling.”
Napasinghap ako. “Excuse me?”
“Yung kilay mo,” paliwanag niya, tinuro ang mukha ko. “Kapag galit ka pero ayaw mong aminin, ganyan ’yan.”
“Hindi ako galit,” sagot ko.
“Liar.”
Lumapit pa siya. Amoy ko na ang pabango niya...hindi matapang, pero nakakabaliw sa lapit. Hindi siya lasing. Alam ko ’yon. Pero may kung anong intoxication sa kilos niya na parang mas malambot ang boses, mas mapaglaro ang ngiti.
“Alam mo,” sabi niya, mabagal, “ang sarap mong asarin kapag defensive ka.”
“Hindi ako naaasar,” sagot ko, umatras ng kalahating hakbang.
Sumunod siya.
“Hindi?” tanong niya. “E bakit parang gusto mo akong sakalin?”
“Dahil nakakairita ka,” sagot ko agad.
Tumawa ulit siya, this time mas mahina, mas malapit. “Fair.”
Kinuha niya ang baso, uminom ng kaunti, tapos biglang inabot sa akin. “Gusto mo?”
“Hindi,” sagot ko, mabilis.
“Sure?” tanong niya. “Baka makatulong sa init ng ulo mo.”
“Hindi mainit eng ulo ko at lalong hindi ako jealous,” giit ko.
“Hindi ko sinabing jealous ka,” sagot niya, inosente ang tono. Masyadong inosente.
“Pero iniisip mo,” singhal ko.
Tumigil siya saglit. Tinitigan ako. Parang ina-assess kung hanggang saan niya ako kayang itulak.
“Maybe,” sagot niya. “Kasi kung hindi ka jealous...”
Lumapit siya nang husto. Isang pulgada na lang ang pagitan namin.
“...bakit ka gigil?”
Hindi ako nakasagot.
Dahil nararamdaman ko na nga.
Ang inis.
Ang hiya.
At ang hindi ko kayang pangalanan.
Umatras ako ulit. “Huwag kang feeling close.”
“Too late,” sagot niya. “We crossed that line days ago.”
“Hindi,” sagot ko, mariin. “Wala tayong linya.”
“Exactly,” sabi niya, ngumiti ulit. “Kaya ka galit.”
Sumabog ako.
“Alam mo ba kung anong problema mo?” sigaw ko. “Wala kang pakiramdam. Lahat ng ginagawa mo, laro. Lahat ng tao sa paligid mo....props. Kahit ako.”
Natigil ang ngiti niya.
Sa unang pagkakataon ngayong gabi.
Pero imbes na magalit...
tumawa siya.
Isang tawang malalim. Hindi masaya. Hindi rin galit.
“Empty,” sabi ko, nanginginig ang boses. “’Yan ka, Kairo Valencia. Walang laman.”
Tahimik.
Tinitigan niya ako. Matagal. Parang sinusukat kung gaano kasakit ang tinama ko.
Tapos… ngumiti siya ulit.
Pero iba na.
Mas banayad.
Mas mapanganib.
“Kung empty ako,” sabi niya, mababa, “bakit ramdam na ramdam mo?”
Parang may sinampal sa dibdib ko.
“Hindi ko ramdam,” sagot ko, kahit alam kong nagsisinungaling ako.
“Talaga?” tanong niya. “Kasi yung galit mo...hindi galing sa wala.”
Lumapit siya, dahan-dahan. Hindi agresibo. Hindi rin umatras.
“Hindi ka galit dahil empty ako,” dagdag niya. “Galit ka dahil hindi.”
Pinikit ko ang mata ko saglit.
“Tumigil ka,” sabi ko.
“Sabihin mo ulit,” hamon niya. “Na wala akong laman.”
“Wala,” ulit ko. “Wala kang...”
“...then bakit ka apektado?” tanong niya, halos pabulong.
Ang lakas talaga makafeeling ng isang ito.Naipiling ko ang aking ulo at napapikit sa naiisip.
Pagkatapos ay matsman ko siyang tiningnan.
“Hindi kita gusto,” sabi ko.
“Good,” sagot niya. “Hindi rin kita hinihingan ng choice na gustuhin ako or not.”
“Then what?” tanong ko.
Ngumiti siya. Yung klase ng ngiting hindi nang-aakit...
nanghuhuli.
“Honesty,” sagot niya. “Kahit sa mukha mo lang.”
Sa likod ng utak ko, may bumubulong na umatras.
Pero ang katawan ko...
hindi sumusunod.
May kumatok sa pinto ng penthouse.
Naputol ang sandali.
Isang staff. “Sir, may update po. May paparazzi sa baba. At...”
Huminto ang lalaki. Tumingin sa akin. Nag-alinlangan.
“At?” tanong ni Kairo, bumalik ang lamig sa boses.
“Kasama po si Brian Chavez,” sagot ng staff.
Nanikip ang dibdib ko.
At sa salamin sa gilid, nakita ko ang sarili ko...
nakakunot ang noo.
nakapikit ang labi.
hindi maitago ang emosyon.
Napansin ni Kairo.
Ngumiti siya ulit.
“See?” bulong niya, halos sa tenga ko. “Hindi ka jealous.”
Humigpit ang kamao ko.
“Manahimik ka,” sabi ko.
Pero sa loob-loob ko, may isang tanong na paulit-ulit:
Kung wala akong pakialam...
bakit parang may mawawala?
Sa ibaba ng gusali, naghihintay si Brian—at sa pagitan ng selos na ayaw aminin at ng lalaking sobrang kampante sa epekto niya, mapipilitan si ako na harapin ang isang sitwasyong hindi na kayang itago sa ngiti.