He Chose Me(POV: YANNA)

1343 Words
“Yanna, huwag mong buksan ’yan.” Tumigil ang kamay ko sa ere, phone ko nanginginig sa pagitan ng mga daliri. Boses ni Kairo ’yon...mababa, kontrolado, pero may bahid ng babala na parang may paparating na bagyo. Nakatayo siya sa kabilang dulo ng suite, nakasandal sa bintana, ang siyudad sa likod niya parang backdrop ng digmaang hindi ko hiniling. “Bakit?” tanong ko, pilit na kalmado. “Kung tungkol sa akin ’yan, karapatan kong makita.” Lumapit siya, dalawang hakbang lang, sapat para maramdaman ko ang presensya niya. “Hindi mo kailangan.” “Hindi mo puwedeng piliin kung ano ang kailangan ko,” sagot ko. “Hindi ngayon.” Huminga siya, malalim. “Yanna...” Binuksan ko ang phone. At doon nagsimula ang pagkawasak. Ang unang lumitaw: isang litrato. Ako. Umiiyak. Nakaupo sa likod ng limo, ang mukha ko kalahating nakatalikod, pero malinaw ang luha. May isa pang kuha...ako sa gilid ng sidewalk, nakayuko, ang kamay ko nakatakip sa bibig na parang pinipigilan ang hikbi. Sunod-sunod. Iba’t ibang anggulo. Iisang kuwento. #She’sUngrateful #DowngradeGirlfriend #AttentionSeeker Parang may humigop ng hangin sa baga ko. “Hindi ko ’yan...” naputol ang boses ko. “Hindi ko alam kung kailan...” “Kagabi,” sagot ni Kairo. “Pagkatapos ng event.” “Hindi ako nag-iinarte,” sabi ko agad, masyadong mabilis. “Hindi ko sinadya.” “Alam ko,” sagot niya. Pero ang mundo...hindi. Nag-scroll ako. Isang thread na may libo-libong retweet. Mga screenshot ng dati kong interviews. Mga linyang pinutol sa konteksto. Isang caption na tumama sa sikmura ko: ‘She has everything now. Why is she crying?’ “Parang kasalanan ang umiyak,” bulong ko. “Sa internet,” sagot ni Kairo, “lahat kasalanan.” May video clip. Dalawang segundo lang. Ako, humihinga nang mabilis, ang mata pula. Isang comment ang nakapin sa itaas: ‘Ungrateful. Plays victim.’ “Hindi nila alam,” sabi ko, halos pabulong. “Hindi nila kailangang malaman,” sagot niya. “Tingnan mo ’to,” sabi ko, pinakita sa kanya ang isa pang post. “Sabi nila ginagamit kita. Na ginagamit ko si Brian. Na...” “Stop,” putol niya. “Huwag mong basahin lahat.” “Hindi ko kayang hindi,” sagot ko. “Ito ang sinasabi nila tungkol sa’kin.” “Hindi ’yan ikaw,” sabi niya. “Pero ako ang nakikita nila,” balik ko. May kumatok sa pinto. Isang staff, may tablet sa kamay. “Sir, nagti-trend po ang hashtag. Umakyat na sa top three.” “Salamat,” sagot ni Kairo. “Iwan mo muna.” Pagsara ng pinto, bumigat ang katahimikan. “May interview ka mamaya,” sabi niya. “We’ll cancel.” “Hindi,” sagot ko. “Kapag umatras ako, lalo nilang iisipin...” “Hindi kita ihahain sa apoy,” mariin niyang sagot. “Hindi mo ako hawak,” sabi ko, nanginginig. “Hindi mo puwedeng...” “Hawak kita,” putol niya, hindi galit, pero matigas. “At hindi kita papayagang masunog.” Tumawa ako...isang tawang basag. “Ayan na naman.” “Ano?” tanong niya. “’Yung tono mo,” sabi ko. “Parang alam mo lahat. Parang ako ’yung problema.” Lumapit siya, dahan-dahan. “Hindi ikaw ang problema.” “Then why does it feel like I am?” tanong ko. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa phone ko, kinuha ito nang marahan, saka inilapag sa mesa. “Dahil ang mundo mas gustong maniwala sa simple.” “Simple na masama ako,” sagot ko. “Simple na kailangan nila ng kontrabida,” sabi niya. May notification ulit. Isa pang litrato. Mas malinaw. Ako, hawak ang mukha, ang luha bumabagsak. Sa background—isang anino. Isang pamilyar na profile. “Si Brian,” sabi ko, humigpit ang dibdib. “Iisipin nilang...” “Hindi ko hahayaang idikit sa’yo,” sagot ni Kairo agad. “Paano?” tanong ko. “Hindi mo puwedeng kontrolin ang lahat.” “Hindi,” sabi niya. “Pero kaya kong baguhin ang direksiyon.” “Sa kapalit na ano?” tanong ko. Tumingin siya sa akin...diretso. “Na magtiwala ka.” “Trust is expensive,” sagot ko. “Mas mahal ang pag-iisa,” balik niya. Tahimik kami sandali. Sa labas, busina. Sa loob, may bagyong nag-aabang. “May DM si Brian,” sabi ko, tinitingnan ang screen ng relo ko. “Nag-aalala siya.” “Hindi ngayon,” sagot ni Kairo. “Hindi mo puwedeng i-freeze ang buhay ko,” sabi ko. “Hindi ko pino-freeze,” sagot niya. “Inaayos ko.” “Para kanino?” tanong ko. “Para sa akin, o para sa imahe mo?” Napasinghap siya. “Akala mo ba laro ’to?” “Hindi ko alam,” sagot ko. “Dahil parang ako lang ang nasasaktan.” Isang beat. Dalawang hakbang ang inilapit niya, tapos huminto. “Hindi ka nag-iisa.” “Hindi mo nararamdaman ’to,” sabi ko, tinuturo ang dibdib ko. “Hindi ganito kapag ikaw ang target.” “Alam ko ang pakiramdam,” sagot niya, mas mababa ang boses. “Mas matagal kaysa iniisip mo.” “Then bakit parang wala kang takot?” tanong ko. Ngumiti siya—hindi pilyo, hindi mapang-asar. Tahimik. “Dahil may mawawala na ako.” Nabigla ako. “Ano?” “Hindi ano,” sagot niya. “Sino.” Bago ako makapagsalita, nag-ring ang telepono sa mesa. Unknown number. Tiningnan niya. Saglit na katahimikan. Sinagot niya. “Valencia,” sabi niya. Isang boses sa kabilang linya...mahina pero malinaw. Hindi ko marinig ang mga salita, pero nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Kairo. “I see,” sabi niya. “Send it.” Binaba niya ang tawag. “Ano ’yon?” tanong ko. “May paparazzi na nag-aalok ng full set,” sagot niya. “Mas masama.” Nanlamig ang kamay ko. “Mas...” “...mas malinaw,” tinapos niya. “Mas malapit.” “Gusto kong mawala,” bulong ko. Lumapit siya. Hindi niya ako hinawakan agad. “Hindi ka mawawala.” “Parang gano’n na,” sabi ko. “Makinig ka,” sabi niya, mababa. “May gagawin tayo.” “‘Tayo’?” tanong ko. “Lalabas tayo,” sagot niya. “Hindi ngayon. Mamaya.” “Are you serious?” tanong ko. “Pagkatapos ng lahat ng ’to?” “Exactly,” sagot niya. “Kailangan nilang makita.” “Ano?” tanong ko. “Na hindi ka nagtatago,” sabi niya. “At na hindi ka nag-iisa.” “Mas lalala,” sabi ko. “Or liliko,” sagot niya. Huminga ako, nanginginig. “Paano kung mali ka?” Tinitigan niya ako, matagal. “Then sasalo ako.” Sa phone ko, isang bagong alert. Trending na ang hashtag. Mas mataas. Mas maingay. “Hindi ko kaya,” sabi ko. Lumapit siya, sa wakas hinawakan ang kamay ko....hindi mahigpit, hindi malambot. Sakto lang. “Kaya mo.” “Hindi ako kasing tapang mo,” sagot ko. “Hindi mo kailangang maging ako,” sabi niya. “Kailangan mo lang maging totoo.” “Sa mundong ayaw ng totoo,” bulong ko. Tumango siya. “Exactly.” Isang sandali pa, may kumatok ulit sa pinto. Parehong staff, mas tensyonado. “Sir, may live segment po sa baba. Binabanggit na ang pangalan ni Miss Cruz. At… hinihingi po ang statement ninyo.” Tumingin si Kairo sa akin. “Handa ka ba?” Hindi ko alam ang sagot. Sa labas, ang mundo ay humihiyaw. Sa loob, ang dibdib ko ay parang dudurog. Tumingin ako sa phone ko sa huling pagkakataon. Isang comment ang kumislap sa screen—pinaka-naka-like sa thread: ‘If she were grateful, she wouldn’t cry.’ Inangat ko ang tingin ko kay Kairo. “Kung lalabas tayo..” Tumigil ako. “...ano ang sasabihin mo?” tanong ko. Ngumiti siya...isang ngiting hindi ko pa nakikita sa kanya. Tahimik. Desidido. “Na huwag silang magdesisyon para sa’yo,” sabi niya. “Dahil ako ang pipili sa’yo.” “Handa ka na?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD