“Ngumiti ka lang...at kapag lumapit ako, huwag kang aatras.”
Narinig ko ang boses ni Kairo sa likod ng kurtina ng ballroom...mababa, kontrolado, parang inuukit ang bilin sa hangin. Hindi pa kami lumalabas, pero ramdam ko na ang init ng ilaw, ang usok ng mga kamera, ang mga matang handang pumutol ng hininga ko.
“Kung lalapit ka,” sagot ko, mahina pero matalim, “siguraduhin mong alam mo ang ginagawa mo.”
“Alam ko,” sabi niya. “Ikaw ang hindi sigurado.”
Huminga ako. Isa. Dalawa. Tatlo. Ang gown ko, mabigat...hindi sa tela, kundi sa kahulugang isinasabit nito sa akin. Sa gabing ito, may papel kaming gagampanan. Staged. Calculated. Safe.
“Oo,” sabi ko, pilit. “Sigurado ako.”
“Good,” sagot niya. “Because they’re waiting.”
Lumabas kami.
Sumabog ang ilaw. Parang ulan ng bituin ang flash ng kamera. Isang hakbang pa lang namin, may bulungan na...They look perfect. He’s glowing. She doesn’t deserve him.
Pinilit kong huwag pakinggan. Pinili kong tumingin sa kanya. Sa gilid ng mata ko, kita ko ang pag-angat ng balikat niya....ang pamilyar na kumpiyansa, ang katahimikang parang kalasag. Inalok niya ang braso. Tinanggap ko.
“Relax,” bulong niya habang naglalakad kami sa pulang karpet. “Sumabay ka sa hakbang ko.”
“Hindi ako naliligaw,” sagot ko.
“Hindi ka lang sanay,” balik niya, may ngiting alam niyang magpapainit ng dugo ko.
Sa gitna ng hall, may entablado, may host, may musika na humahaplos sa dibdib. Isang event para sa charity....o para sa imaheng kailangang linisin. Tumigil kami sa harap ng backdrop. Ang ngiti namin, sakto. Ang pagitan namin, sinukat.
“Lapitan mo ako,” sabi niya, halos hindi gumagalaw ang labi.
“Para saan?” tanong ko.
“Para maniwala sila,” sagot niya.
Lumapit ako ng kalahating pulgada. Hindi sapat.
“Mas malapit,” bulong niya.
“Hindi,” sagot ko.
“Yanna,” sabi niya, may babala. “lumapit ka oa ng konti lang.”
Humakbang ako...isang pulgada nga. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ang amoy niya, pamilyar na...hindi pabango, kundi init. Ang mga mata niya, nakapako sa akin.
“Smile,” sabi niya.
Ngumiti ako.
“Good,” sagot niya. “Now...”
“...Now what?” tanong ko.
Hindi siya sumagot agad. Tumunog ang palakpakan. May sumigaw ng pangalan niya. May sumigaw ng kiss.
Nagkibit-balikat ang host sa entablado, may tawa. “Mukhang may gusto ang crowd, Kairo!”
Narinig ko ang tawa ng mga tao. Ang sigaw. Ang pag-asa sa eksenang hindi dapat mangyari.
“Hindi kasama ’yan sa usapan,” bulong ko, hindi gumagalaw ang labi.
“Hindi ko rin hiningi,” sagot niya. “Pero kapag umatras tayo...”
“....lalabas na peke,” tapos ko.
“Exactly,” sabi niya. “Choice mo.”
Tumahimik ang mundo sa isang iglap...parang nakapako ang oras sa pagitan ng dibdib naming dalawa. Sa loob ko, may dalawang boses: Huwag. Ngayon.
“Isang segundo,” sabi ko.
“Dalawa,” sagot niya.
“Hindi lalampas,” sabi ko.
“Hindi ako bibilang,” sagot niya.
Huminga ako....at tumingala.
Dumampi ang noo namin. Isang bulungan ang dumaan sa hall. Ang mga kamera, mas naging maingay.
“Look at me,” sabi niya, halos pakiusap.
Tumingin ako.
At doon...doon nagsimula ang pagkakamali.
Hindi dahil sa lapit. Hindi dahil sa mata niyang parang alam ang lahat ng tinatago ko. Kundi dahil sa paraan ng paghawak niya sa bewang ko...hindi mahigpit, hindi palusot....sakto lang para ipaalala na naroon siya.
“Ready,” bulong niya.
“Hindi,” sagot ko.
Ngumiti siya sa crowd...at hinalikan ako.
Hindi mabilis. Hindi madiin. Isang dampi lang...sa una. Parang palatandaan. Parang paanyaya. Parang tanong na hindi ko sinagot.
Tumigil sana doon.
Pero hindi.
Hindi ko alam kung sino ang hindi umatras. Ako ba...na nanatili? O siya...na nagtagal?
Ang musika, parang humina. Ang palakpakan, parang lumayo. Ang mundo, parang lumiit hanggang sa pagitan ng labi naming dalawa.
“Yanna,” bulong niya, halos wala nang tunog.
Hindi ako sumagot.
Naramdaman ko ang pagbabago...ang bahagyang paghigpit ng kamay niya sa bewang ko, ang pag-angat ng baba ko...hindi pilit, hindi marahas. Isang hiling na hindi ko tinanggihan.
Isang segundo, paalala ko sa sarili. Dalawa.
Lumampas.
At doon ako nayanig...hindi sa haba, kundi sa init. Sa paraan ng paghinga niyang sumabay sa akin. Sa panginginig na dumaan sa daliri ko nang kusa kong hinawakan ang lapel ng suit niya...para lang hindi ako matumba.
May umuungol sa crowd. May sumigaw ng pangalan namin. May palakpakan na parang alon.
At sa gitna ng lahat...ang katahimikan naming dalawa.
Nang humiwalay siya, dahan-dahan...parang ayaw niyang mag-iwan ng bakas...nakapako pa rin ang tingin niya sa akin.
“Okay ka lang?” tanong niya, pabulong, tunay.
Hindi ako makasagot agad. Ang dibdib ko, parang hindi makahabol sa hininga.
“Yanna,” ulit niya, mas mababa. “Sabihin mo.”
“Okay,” sagot ko....kasinungalingan na hindi ko tinakpan.
Ngumiti siya sa crowd. Tinakpan niya ang sandaling pagkabigla ko...isang braso sa likod ko, proteksiyon, presentasyon. Perfect couple.
Pero sa ilalim ng ilaw, sa pagitan ng ngiti...may lindol.
“Lumabas tayo,” sabi niya sa tenga ko. “Ngayon.”
Tumango ako.
Sa hallway sa likod ng entablado, biglang humina ang ingay. Ang pader, malamig. Ang sahig, matigas. Ako....nakasandal, humihinga.
“Hindi ’yon ang plano,” sabi ko, nanginginig ang boses.
“Hindi,” sagot niya. “Pero hindi rin aksidente.”
“Lumampas ka,” sabi ko.
“Hindi ka umatras,” balik niya.
“Hindi ako...”
“...pinilit,” putol niya, seryoso. “Hindi kita pipilitin.”
“Then why,” tanong ko, galit at takot na magkahalo, “bakit ganun?”
Lumapit siya....hindi agad. Isang hakbang lang. “Dahil totoo.”
“Hindi,” sagot ko. “Act ’to.”
“Sa simula,” sabi niya. “Pero hindi mo kayang lokohin ang katawan mo.”
“Tumigil ka,” sabi ko.
“Hindi,” sagot niya, mababa. “Hindi ngayon.”
May yabag sa dulo ng hallway....staff, paparazzi, boses. Umurong siya ng kaunti, ibinalik ang maskara.
“Kailangan nating bumalik,” sabi niya. “Ngumiti.”
“Huwag mo ’kong hawakan,” sabi ko.
“Hindi ko kailangan,” sagot niya. “Lalapit ka.”
Bumalik kami sa hall. Muli ang ilaw. Muli ang kamera. Muli ang ngiti.
Pero ang puso ko...wala na sa ayos.
Sa harap ng entablado, may tanong ang host...nakangiti, pilyo. “Mukhang napasaya n’yo ang gabi. Totoo bang...”
Tumunog ang phone ko sa bulsa...isang pangalan na hindi ko inaasahan. Brian.
Napatingin si Kairo sa akin. isang iglap lang...pero sapat para malaman niyang may pumasok na bitak.
“Later,” bulong niya.
Tumango ako...hindi sa kanya, kundi sa sarili ko.
Sa gilid ng entablado, hinawakan niya ang kamay ko...mas mahigpit kaysa kanina. Para sa camera.
“Isang hinga,” sabi niya. “Kasama mo ’ko.”
Tumingin ako sa kanya....at doon ko nakita ang pagkayanig sa mata niya. Hindi yabang. Hindi kontrol. Takot.
“Bakit ka nanginginig?” tanong ko, pabulong.
“Dahil,” sagot niya, diretso, “hindi ko alam kung alin ang mas delikado...ang mundo, o ikaw.”
Tinawag ang pangalan namin. Ang ilaw, tumama ulit. Ang ngiti, bumalik.
At sa pagitan ng palakpakan at bulungan....isang tanong ang nanatili sa hangin, walang sagot.
“Handa ka pa bang ipagpatuloy ’to...o umatras na tayo ngayon?”