May ngiti na hindi mo pinipili.
Isinusukat siya.
Inaayos.
Ipinapasuot sa’yo na parang gown na masikip sa dibdib...
kahit alam mong sasakal ka.
Ito ang ngiti ko ngayong araw.
Nakatayo ako sa harap ng salamin ng dressing room ng network building. Maliwanag ang ilaw, sobra...walang tinatagong anino, walang tinatakbuhang bahid ng pagod. Sa salamin, malinaw kong nakikita ang sarili ko: maayos ang buhok, flawless ang makeup, suot ang isang cream-colored dress na pinili nila dahil “soft, approachable, girlfriend material.”
Girlfriend material.
Kung alam lang nila kung gaano kabigat ang salitang ’yon sa dila ko.
“Smile, Yanna,” sabi ng stylist, inayos ang balikat ko. “Relaxed lang. Warm.”
Warm.
Parang hindi ako binabayo ng mundo gabi-gabi.
Huminga ako nang malalim at ngumiti.
Sa labas ng pintuan, naririnig ko na ang ingay....mga crew na naglalakad, mga host na nagbibiruan, mga cameraman na nagse-set up. Normal na araw para sa kanila.
Hindi para sa akin.
Isang assistant ang sumilip. “Five minutes. Ready na si Mr. Valencia.”
Parang may humigpit sa sikmura ko.
Si Kairo.
Hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga...pero ramdam ko na agad ang presensya niya. Parang gravity. Kahit hindi mo gustuhin, hinihila ka.
Lumabas ako ng dressing room.
At naroon siya, nakasandal sa pader sa tapat ng studio. Naka-itim na suit, walang kurbata, bukas ang unang butones ng polo niya. Relaxed ang postura, pero matalim ang mga mata...nakamasid sa paligid, parang hinuhusgahan ang bawat taong dumadaan.
Pagkakita niya sa akin, tumigil ang paggalaw ng tingin niya.
Hindi ngumiti.
Hindi rin umiwas.
Tumitig lang.
At sa loob ng isang segundo, nakalimutan ko ang lahat ng ngiti na kailangan kong isuot.
“You look…” huminto siya, parang naghahanap ng tamang salita.
“Appropriate?” tanong ko agad, pilit na kalmado. “On brand?”
Bahagyang umangat ang isang kilay niya.
“Exhausted,” sagot niya sa huli.
Natawa ako nang mahina. “Good eye.”
Lumapit siya ng isang hakbang. Hindi masyadong malapit....pero sapat para maramdaman ko ang init niya.
“Remember,” sabi niya, mababa ang boses. “Short answers. Don’t overexplain. Let me step in if they push.”
Parang may tumusok sa dibdib ko.
“Ayoko nang iligtas mo ako palagi,” sagot ko. “Lalong nagmumukha akong kawawa.”
Hindi siya umatras. Hindi rin siya nagtaas ng boses.
“This isn’t about pride,” sabi niya. “This is about damage control.”
“Exactly,” singhal ko. “Image. Lagi na lang image.”
Tumahimik siya sandali. Sa likod namin, may staff na dumaan, pero parang kami lang ang tao sa hallway.
“After this,” sabi niya, mas mababa pa ang boses, “we talk.”
Hindi ko alam kung babala ba ’yon o pangako.
Unang interview.
Bright studio. Cheerful hosts. Mga tanong na nakabalot sa ngiti pero may matatalim na ngipin.
“So, Yanna,” bungad ng host, “how does it feel being at the center of all this attention?”
Ngumiti ako.
Ito na.
“It’s… overwhelming,” sagot ko. “But I’m learning to take things one day at a time.”
“Some people say you’re struggling to fit into Kairo’s world,” dagdag ng co-host. “What can you say about that?”
May kumislot sa loob ko.
Ngumiti pa rin ako.
“I think everyone struggles when they’re new to something,” sagot ko. “That doesn’t mean they don’t belong.”
Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Kairo....nakatayo sa likod ng camera, nakapamulsa ang kamay, walang emosyon ang mukha. Pero ramdam ko ang atensyon niya, diretso sa akin.
“Do you feel compared to his exes?” tanong ng host, kunwaring casual.
Ayun na.
May saglit na katahimikan.
Isang segundo lang...pero sa loob ko, parang bumagsak ang mundo.
Ngumiti ako. Mas malapad ngayon.
“I don’t think comparisons help anyone,” sagot ko. “We’re all different.”
Palakpakan. Maikling tawa ng audience.
Pero sa loob ko, may bitak.
Second interview.
Mas intimate. Mas personal.
“So Yanna,” tanong ng interviewer, “have you cried because of the backlash?”
Parang may sumabog sa dibdib ko.
Nakita ko ang camera. Ang ilaw. Ang mikropono.
At sa likod ng mga iyon...ang mga comments.
ang mga leaks.
ang mga salitang ungrateful at attention-seeker.
Ngumiti ako.
“Yes,” sagot ko. “I’ve cried.”
May collective intake of breath.
“But that doesn’t make me weak,” dugtong ko agad. “It makes me human.”
Sa gilid, gumalaw si Kairo.
Isang hakbang pasulong.
Parang handang sumingit.
Pero hindi niya ginawa.
At doon ako mas kinabahan.
Third interview.
Ito na ang pinakamasakit.
“Is it true,” tanong ng host, diretsahan, “that you feel inferior next to Kairo?”
Parang may humampas sa mukha ko.
Inferior.
Napahigpit ang hawak ko sa armrest.
Huminga ako.
Ngumiti.
“No,” sagot ko. “I feel challenged.”
May bulungan.
“Challenged how?” usisa niya.
Sa puntong iyon, ramdam ko na ang pagod sa katawan ko. Ang panginginig sa mga daliri. Ang ngiting parang bitak-bitak na salamin.
“Challenged to stay myself,” sagot ko. “In a world that wants to label me.”
Tumigil ang host, parang nagulat.
At sa wakas...
tumayo si Kairo.
“That’s enough,” sabi niya, malinaw, kontrolado. “Next question.”
May tension sa studio. Ramdam ko.
Pagkatapos ng taping, halos tumakbo ako palabas ng studio. Hindi ako umiyak....hindi pa. Pero ramdam ko na ang pag-uga ng mundo sa ilalim ng paa ko.
Sa hallway, hinabol niya ako.
“Yanna.”
Huminto ako. Hindi ako humarap agad.
“You didn’t have to step in,” sabi ko, mahina pero matalim.
“Kailangan,” sagot niya.
“Hindi mo ba nakikita?” bigla kong sabi, humarap sa kanya. “Habang pinoprotektahan mo ako sa harap ng camera, mas lalo nilang iniisip na hindi ako kayang tumayo mag-isa.”
Nagtagpo ang tingin namin.
May init.
May galit.
May isang bagay na hindi ko maipaliwanag.
“You think I enjoy this?” tanong niya, mababa ang boses. “You think I like watching you break?”
“Then stop controlling everything!” singhal ko.
“Then stop pretending you’re okay!” balik niya.
Natigilan kami pareho.
Parang may nahulog na pader sa pagitan namin.
Sa ilang segundo, wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Hanggang sa...
“Next interview in ten minutes,” sigaw ng assistant sa dulo ng hallway.
Bumalik ang realidad.
Tumalikod si Kairo, pero bago siya tuluyang lumayo, nagsalita siya...hindi lumilingon.
“You’re not as strong as you pretend,” sabi niya. “And I’m not as heartless as you think.”
At iniwan niya akong nakatayo roon...
ngumiti pa rin sa mga taong dumaraan,
habang sa loob ko, unti-unti na akong nababasag.