Kairo's Defense (POV: YANNA)

829 Words
May klase ng paghihirap na hindi mo naririnig, pero ramdam mo sa bawat galaw ng katawan mo. Ganito ang pakiramdam habang inaayos nila ang buhok ko sa dressing room... habang hinihila pataas ang ngiti ko, pilit, parang tape na idinidikit sa bitak na mukha. Sa harap ko, salamin. At sa salamin, isang babae na halos hindi ko na makilala. Hindi ako ’yon. Pero kailangan ko siyang gampanan. “Two minutes, Ms. Cruz,” sabi ng staff, may halong kaba ang boses. Ms. Cruz. Hindi girlfriend. Hindi downgrade. Hindi charity case. Ms. Cruz. Huminga ako nang malalim. Sa likod ko, narinig ko ang yabag ng paa. Si Kairo. Hindi ko kailangang lumingon. Ramdam ko siya—parang anino na hindi mo matakbuhan. “Smile,” sabi niya, diretso. “Soft. Not defensive.” Napapikit ako. “Parang script,” bulong ko. “Because it is,” sagot niya. “And this is the part where you win them back.” Napangiti ako...pero walang saya. “Hindi ako nakikipaglaro,” sabi ko. “Totoong buhay ko ’to.” Tahimik siya sandali. “Totoong buhay?” ulit niya, mababa. “Yanna, this is your life now.” Bumukas ang pinto ng studio. Liwanag. Cameras. Mga matang gutom sa reaksyon. At pumasok ako sa gitna ng lahat ng iyon. “Yanna, how are you holding up?” Unang tanong pa lang, ramdam ko na ang bitag. Ngumiti ako. Hindi masyadong malapad. Hindi rin masyadong pilit...ayon sa bilin niya. “I’m okay,” sagot ko. “It’s been… overwhelming.” May mga murmur. May mga tango. “Some people are saying you’re ungrateful,” dagdag ng host, kunwaring neutral. “What can you say about that?” Humigpit ang hawak ko sa armrest ng upuan. Isang segundo. Dalawa. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Kairo....nakaupo sa audience, tuwid ang likod, malamig ang tingin. “This isn’t about gratitude,” sagot ko, maingat. “It’s about being human. Feeling things doesn’t mean I’m ungrateful.” May bahagyang palakpakan. Pero may mga matang nagdududa pa rin. “Do you feel pressured dating someone as powerful as Kairo Valencia?” tanong ng isa pang host. Parang may sumakal sa dibdib ko. “Pressure?” ulit ko. Napatingin ako kay Kairo. Hindi siya gumalaw. Hindi rin niya inalis ang tingin sa akin. “Yes,” sagot ko sa huli. “There’s pressure. But that doesn’t mean I don’t deserve space to feel.” Tahimik ang studio. Parang hinihintay nila kung babagsak ba ako o lalaban. At sa gitna ng katahimikan... tumayo si Kairo. “Enough,” sabi niya, malinaw, malamig. Nagulat ang lahat. Lumapit siya sa stage, kinuha ang mic. “She doesn’t owe anyone a performance of strength,” dagdag niya. “If you’re looking for drama, you won’t get it from her.” Nagkagulo ang bulungan. Napatingin ako sa kanya...halo ang gulat at galit. Hindi ito ang napag-usapan. “She’s not ungrateful,” dugtong niya. “She’s surviving something none of you understand.” Tahimik. Parang huminto ang oras. At sa unang pagkakataon, naramdaman kong may tumatayo sa harap ko...hindi bilang strategist, kundi bilang tao. Pagkatapos ng interview, parang bumuhos ang mundo. Articles. Clips. Comments. May mga bumaliktad ang tono. > “Unexpectedly… sincere.” “Kairo defending her again?” “Okay but why does this feel real?” Pero kasabay nito... may mas madilim. Isang bagong leak. Private message screenshots. Mga lumang chat ko kay Brian... hindi romantiko, pero personal. May mga linya ng panghihina. Mga gabing umiiyak ako. At syempre, may narrative na agad. > “Playing two men.” “Victim act exposed.” Naupo ako sa gilid ng kama sa dressing room, nanginginig. “Hindi na titigil,” bulong ko. Pumasok si Kairo, isinara ang pinto. “Alam ko,” sagot niya. “Sinong gumawa nito?” tanong ko. “Sinong gustong durugin ako nang ganito?” Tahimik siya. Matagal. “May mga taong ayaw na may puwesto ka dito,” sagot niya sa huli. “At may mga taong may galit sa pangalan mo.” “Brian?” tanong ko, mahina. Sumulyap siya sa akin...mabilis, matalim. “Hindi ko alam,” sagot niya. “Pero hindi ako magbubulag-bulagan.” Tumayo siya sa harap ko. Mas malapit. “You should lay low,” sabi niya. “I’ll handle this.” “Hindi,” mabilis kong sagot. “Ayokong ikaw na naman ang sasalo.” “Too bad,” sagot niya. “Because you’re already in this.” Nagtagpo ang tingin namin. At sa gitna ng lahat ng galit, takot, at pagod— may kakaibang init. Hindi lambing. Hindi pa. Pero may bigat. “Bakit mo ginagawa ’to?” tanong ko. “Hindi mo naman kailangan.” Saglit siyang tumahimik. Isang segundo na parang dekada. “Because if I don’t,” sabi niya, mababa, “they’ll break you.” At sa unang pagkakataon... hindi ko alam kung mas natatakot ako sa mundo, o sa katotohanang nagsisimula akong maniwala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD