May klase ng sakit na hindi sumisigaw.
Hindi siya dramatic.
Hindi siya biglaan.
Dahan-dahan lang siyang pumapasok....
parang lason na hinahalo sa tubig hanggang sa hindi mo na alam kung kailan ka nagsimulang malason.
Ganito ang pakiramdam ng umagang iyon.
Hindi ako ginising ng alarm.
Ginising ako ng mundo.
Pagmulat ko pa lang ng mata, umuugong na ang phone ko sa bedside table.
Sunod-sunod ang vibrations, parang may panic attack ang device ko.
Hindi ko agad kinuha.
May parte sa akin na umaasang...
baka panaginip lang lahat ng ito.
Pero alam ko na.
Kapag ganito kaingay ang mundo, ibig sabihin ako na naman ang laman nito.
Dahan-dahan kong inabot ang phone.
Hindi ko pa binubuksan, pero ramdam ko na ang bigat sa dibdib ko.
Trending.
Hindi ko kailangang basahin ang hashtag para malaman.
Ako.
Pagbukas ko ng screen...
Isang thread ang bumungad.
Hindi lang basta post.
Isang viral thread na may libo-libong retweets, comments, reactions.
Title pa lang, tumama na agad:
> “From Queens to Charity Case: Kairo Valencia’s Dating History.”
Napapikit ako.
Pero huli na.
Scroll.
Unang slide...
Siya at ang unang ex.
Elegant.
Glamorous.
Alta-sociedad ang aura.
Second slide....
Isa pang ex.
Model.
Global ambassador.
Third.
Fourth.
Fifth.
Parang parade ng mga babaeng hinulma para sa mundo niya.
Tapos...
Ako.
Isang candid shot.
No makeup.
Naka-hoodie.
Hawak ang bag ko, halatang pagod.
Caption:
> “And then there’s her.”
Hindi ko namalayan na napahawak ako sa dibdib ko.
Sumunod ang comments.
> “This is embarrassing.”
“Downgrade doesn’t even cover it.”
“From champagne to tap water.”
“Why is she crying when she already won?”
May mas masakit pa.
May leaks.
Screenshots.
Mga lumang larawan ko..
college days.
Part-time work.
Simpleng buhay.
> “She’s not built for this world.”
“Ungrateful. Attention-seeker.”
“Playing victim for sympathy points.”
Parang may humahawak sa lalamunan ko.
Hindi ako makalunok.
Hindi ako makapagsalita.
Isang bagong message ang pumasok.
Brian Chavez.
> Brian: Yanna… nakita ko yung thread.
Brian: Grabe na sila.
Brian: Please sabihin mo okay ka lang.
Mas lalo akong napaiyak.
Hindi dahil sa thread..
kundi dahil may isang taong hindi ako tinitingnan bilang “downgrade.”
Pero wala akong lakas para sumagot.
Parang kapag nag-type ako, tuluyan na akong babagsak.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Hindi ako nagulat.
Parang alam na ng katawan ko kung sino iyon.
“Yanna.”
Boses ni Kairo.
Hindi galit.
Hindi rin malamig.
Controlled.
Umupo siya sa gilid ng kama, hindi ako tinitingnan agad.
“Give me your phone,” sabi niya.
Hindi ko agad ibinigay.
“Have you seen it?” tanong ko, paos.
“Oo.”
Isang salita lang.
Pero ramdam ko ang bigat.
“Then you know,” bulong ko. “You know what they’re saying.”
Tumahimik siya sandali.
Tapos kinuha niya ang phone...hindi marahas, pero hindi rin humihingi ng permiso.
Tiningnan niya ang screen.
Tahimik.
Masyadong tahimik.
“Downgrade,” binasa niya nang mababa.
“Ungrateful.”
“Attention-seeker.”
Humigpit ang panga niya.
Hindi ko alam kung bakit...
pero mas kinabahan ako sa katahimikan niya kaysa kung sumigaw siya.
“Yanna,” sabi niya pagkatapos ng ilang segundo. “This thread didn’t just happen.”
Napatingin ako sa kanya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Someone fed them this,” sagot niya. “These leaks? These photos? May pinanggalingan ’to.”
Parang may malamig na dumaloy sa likod ko.
“Sino?”
Hindi siya agad sumagot.
Tumayo siya, naglakad papunta sa bintana.
“Someone who knows how this world works,” sabi niya. “And who wants you humiliated.”
Humigpit ang mga daliri ko sa bedsheet.
“Bakit?” tanong ko. “Ano bang ginawa ko?”
Lumingon siya sa akin.
Diretso.
“Nothing,” sagot niya. “And that’s the problem.”
Parang sinuntok ako ng hangin.
“So kasalanan ko pa rin,” sabi ko, mapait. “Kasi umiiral lang ako.”
May kumislap sa mata niya.
“Stop twisting this,” sabi niya. “Hindi kita sinisisi.”
“Pero hinayaan mo,” sagot ko agad. “Alam mong mangyayari ’to.”
Tahimik siya.
Isang hakbang palapit.
“Alam ko,” amin niya. “Pero hindi ko inaasahan na ganito ka-vicious.”
Tumawa ako...isang tawang basag.
“Welcome to being me,” sabi ko. “Ganito sila kapag wala kang pera, wala kang apelyido, wala kang armor.”
Tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin...
pero pinili niyang manahimik.
Mas masakit iyon.
“May interview tayo mamaya,” sabi niya pagkatapos ng ilang segundo. “You need to be ready.”
Napatingin ako sa kanya, gulat at galit.
“Interview?” ulit ko. “After this?”
“Yes.”
“Para saan?” sigaw ko. “Para ngumiti habang tinatawag akong downgrade?”
“Para ipakita na hindi ka nababasag,” sagot niya, malamig.
Doon ako tumayo.
“Hindi ako bakal, Kairo!” sigaw ko. “Tao ako!”
Nagtagpo ang tingin namin.
At doon ko nakita...
may crack ulit.
Sandali lang.
Pero nandoon.
“You don’t get to fall apart,” sabi niya, mababa. “Not right now.”
Napatawa ako nang mapait.
“Ayan na naman,” sabi ko. “Control. Image. Strategy.”
Lumapit siya.
Mas malapit kaysa kanina.
“Survival,” sagot niya. “This is how you survive.”
Napailing ako.
“Ayokong mabuhay sa ganitong paraan,” bulong ko.
Tahimik siya.
Tapos...
“Too late,” sabi niya.
Parang may pinto na tuluyang nagsara sa loob ko.
Sa labas, patuloy ang pag-ingay ng mundo.
Sa loob, unti-unting nauupos ang lakas ko.
At hindi ko alam kung alin ang mas masakit...
ang tawagin kang downgrade,
o ang maramdaman na unti-unti ka nang hinuhubog sa isang papel na hindi ikaw.