Nagising ako sa liwanag ng umaga na parang may sumaksak sa sentido ko.
Hindi dahil sa araw....
kundi dahil sa katahimikan.
Yung klase ng katahimikan na alam mong may paparating na bagyo.
Pag-abot ko sa phone ko, hindi ko pa man ito nabubuksan ay alam ko na.
Ramdam ko na sa dibdib ko.
Parang may malamig na kamay na humihigpit sa puso ko, dahan-dahan, walang awa.
Isang notification.
Sampu.
Dalawampu.
Trending.
Hindi ko pa rin binubuksan, pero alam ko na ang laman.
Ako.
Huminga ako nang malalim at binuksan ang unang link.
At doon bumagsak ang mundo ko.
Isang litrato.
Ako—nakaupo sa likod ng limo, bahagyang nakatagilid ang ulo, ang kamay ko nasa mukha ko, halatang umiiyak.
Kita ang pamumula ng mata ko.
Kita ang pagkabasag ko.
“Spotted: Yanna Cruz crying after gala night.”
“Ungrateful much?”
“Attention-seeker vibes.”
“You’re dating a Valencia. What more do you want?”
Parang may humila sa sikmura ko pababa.
Hindi lang isa.
Sunod-sunod.
Iba’t ibang anggulo.
Iba’t ibang caption.
Pare-parehong mensahe.
Ako ang may kasalanan.
Ako ang hindi marunong makuntento.
Ako ang reklamador.
Ako ang babae na binigyan na ng mundo pero umiiyak pa rin.
Napaupo ako sa gilid ng kama, nanginginig ang kamay.
Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang luha ko.
“Stop,” bulong ko sa sarili ko, pero parang hindi ako naririnig ng katawan ko.
Isang message ang pumasok.
Brian Chavez.
Brian: Yanna… nakita ko.
Brian: Are you okay?
Mas lalo akong napaiyak.
Hindi dahil kay Brian...
kundi dahil may isang taong nakakakita sa akin bilang tao, hindi headline.
Hindi ako sumagot.
Hindi ko kaya.
Isa pang notification ang pumasok.
Hindi text.
Hindi call.
Isang screenshot.
Group chat ng mga dating katrabaho ko.
“Grabe siya, no? Pa-victim.”
“Akala ko ba saved na siya?”
“Kaya nga downgrade. Walang class.”
Napahigpit ang hawak ko sa phone.
Parang gusto kong itapon.
Parang gusto kong basagin ang salamin.
Parang gusto kong mawala.
Biglang bumukas ang pinto ng suite.
Hindi ako tumingin.
Kilala ko ang yabag ng paa na iyon.
“Get dressed,” sabi ni Kairo, malamig. “We’re going out.”
Tumawa ako...isang tawang basag.
“Para saan?” tanong ko, paos. “Para may bago na naman silang kuha?”
Tahimik siya sandali.
Lumapit.
Hindi niya ako hinawakan.
Hindi rin siya umatras.
“You should not have been alone last night,” sabi niya.
Napatingin ako sa kanya, namumula ang mata.
“Kasalanan ko na naman?” tanong ko. “Dapat ba ngumiti pa rin ako kahit nadudurog na?”
May kumislap sa mata niya.
Hindi galit.
Hindi rin aliw.
Isang bagay na mas delikado.
“They’re calling you ungrateful,” sabi niya. “They think you’re acting.”
“So?” singhal ko. “Let them. Hindi ba ’yan ang gusto mo? Strong image. Perfect girlfriend.”
May nagbago sa mukha niya.
Isang iglap lang.
Pero sapat.
“Enough,” sabi niya, mas mababa ang boses. “This stops now.”
Napangiti ako nang mapait.
“Wala kang control sa kanila,” sabi ko. “Kahit ikaw.”
Hindi siya sumagot.
Sa halip, inabot niya ang phone ko.
Kinuha.
“Hey...”
“Watch,” sabi niya.
Binuksan niya ang social media account niya.
Nag-post.
Isang litrato.
Ako...nakaupo sa terrace kagabi, nakatingin sa malayo.
Hindi umiiyak.
Hindi rin nakangiti.
Tahimik.
Caption:
“She doesn’t owe the world a smile.”
Parang huminto ang paghinga ko.
Makalipas ang ilang segundo...
Boom.
Comments.
Reposts.
Screenshots.
Nagbabago ang tono.
“Wait… Kairo defended her?”
“That’s… unexpected.”
“Okay but why is that hot?”
Napatingin ako sa kanya.
“Bakit mo ginawa ’yan?” tanong ko.
Tumitig siya sa akin, diretso.
“Because they crossed a line,” sagot niya. “And because you’re not their punching bag.”
Nanikip ang dibdib ko.
“Hindi mo kailangang...”
“Kailangan,” putol niya. “Because if they think hurting you is acceptable, they’ll do it again.”
Lumapit siya ng isang hakbang.
Mas malapit.
Hindi niya ako hinawakan....pero ramon ko ang init niya.
“And I don’t allow that,” dagdag niya.
Napalunok ako.
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot...
ang galit ng mundo,
o ang paraan ng pagprotekta niya.
Isang bagong notification ang pumasok.
Breaking news.
“Kairo Valencia publicly defends Yanna Cruz.”
Tumawa ako nang mahina.
“Congrats,” sabi ko. “Hero ka na.”
Umangat ang isang kilay niya.
“Don’t twist this,” sabi niya. “I’m not doing this to look good.”
“Then why?” tanong ko.
Saglit siyang tumahimik.
At sa katahimikang iyon, ramdam ko ang bigat ng isang sagot na hindi niya kayang sabihin.
“We’re going out,” ulit niya. “Now.”
“Para saan?”
“Para makita nilang hindi ka nagtatago,” sagot niya. “At para makita mo..”
Huminto siya.
“...na hindi ka nag-iisa.”
May kumurot sa puso ko.
Ayokong maniwala.
Ayokong umasa.
Pero sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa mundong ito...
may isang taong tumatayo sa harap ng bala para sa akin.
Habang naglalakad kami palabas, ramdam ko ang mga mata ng staff.
Ang bulungan.
Ang tensyon.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi mahigpit.
Hindi rin malambot.
Sakto lang.
“Look forward,” sabi niya.
At sa labas, sinalubong kami ng mga camera.
Sigawan.
“Yanna!”
“Are you okay?”
“Are you crying for attention?”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Keep walking,” sabi niya, mababa. “I’ve got you.”
At sa unang pagkakataon...
sumunod ako.
Hindi dahil sa kontrata.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa isang bagay na mas delikado.
Trust.