Love Under Pressure (POV: YANNA)

1245 Words
May ngiting nababasag kahit hindi pa nahuhulog. Ito ang ngiti ko habang binubuksan ang pinto ng ikatlong studio para sa araw na iyon... parehong ilaw, parehong tanong, ibang paraan lang ng paghiwa. “Ready?” tanong ng assistant, masyadong masigla para sa pakiramdam ko. Tumango ako. Sa likod ng kamera, nandoon si Kairo. Nakapamulsa ang kamay, tuwid ang tindig, ang mukha’y parang salamin...walang ibinibigay, walang kinukuha. Alam kong nandoon siya para sa akin. Alam ko rin na nandoon siya para kontrolin ang pinsala. At sa pagitan ng dalawang alam na iyon, ako ang napipisa. “Welcome back,” bungad ng host, may ngiting pang-TV. “Yanna, let’s talk about pressure.” Ngumiti ako. Natural. Warm. Practice. “Pressure is part of life,” sagot ko. “Lahat naman tayo may pinagdadaanan.” “Pero iba kapag buong mundo ang nanonood,” singit ng co-host. “How do you cope?” Huminga ako. Isang segundo. Dalawa. “I lean on routine,” sabi ko. “And on people who keep me grounded.” Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Kairo na bahagyang umangat ang baba...isang kumpirmasyon, isang good. At doon ako napagod. Grounded? Sa mundo niyang lumulutang sa yaman at kapangyarihan? “Do you feel protected by Kairo?” tanong ng host, diretso. Tahimik ang studio. Ito ang tanong na may dalawang patalim... kapag oo, mahina ako. kapag hindi, bastos ako. “Protected?” ulit ko, ngumiti pa rin. “I feel… supported.” May palakpakan. May mga tango. Pero sa loob ko, may tumunog...parang baso na may bitak. Pagkatapos ng segment, sumunod ang backstage hallway...mahaba, malamig, at punô ng mga matang mabilis humusga. Dumaan ako sa tabi ng mga staff na nagbubulungan; alam kong hindi ako ang paksa, pero ramdam ko ang bigat ng presensya ko. “Yanna,” tawag ni Kairo, mababa. Huminto ako. “Don’t answer the next set if they push,” sabi niya. “I’ll cut it.” Napangiti ako nang pilit. “Lagi na lang ganyan.” “Because they’re circling,” sagot niya. “Smell blood.” “Or maybe they smell fear,” balik ko. Nagtagpo ang tingin namin. Isang iglap na parang may kidlat sa pagitan. “Then don’t give them any,” sabi niya. “Easy for you,” bulong ko. “You don’t bleed on camera.” Tahimik siya. Isang segundo. Dalawa. “Not the same,” sabi niya. “But I bleed.” Hindi ko alam kung alin ang mas nakagulat...ang sinabi niya, o ang paraan ng pagkakasabi. Walang yabang. Walang depensa. Isang pirasong katotohanan na biglang nalaglag sa pagitan namin. Hindi ako nakasagot. Tinawag na kami ulit. Fourth interview. Mas maliit ang studio. Mas lapit ang mga kamera. Mas matalas ang tanong. “Yanna,” sabi ng interviewer, seryoso, “do you ever feel like you don’t belong?” Parang may humila sa dibdib ko pababa. Ngumiti ako. “I think belonging is something we build,” sagot ko. “Hindi ito ibinibigay.” “Even when you’re constantly compared?” usisa niya. Sa peripheral vision ko, gumalaw si Kairo...isang hakbang palapit. Hindi pa. Hindi pa raw. “Yes,” sagot ko. “Especially then.” May sandaling katahimikan. At sa katahimikang iyon, naramdaman ko ang kamay ko na bahagyang nanginginig sa ibabaw ng armrest. Isang camera ang masyadong lumapit. At doon... nabasag ang ngiti ko. Hindi luha. Hindi hagulgol. Isang segundo lang na bumitaw ang maskara. Narinig ko ang maliit na click ng camera. Narinig ko rin ang boses ni Kairo. “Cut.” Tumayo siya. Mabilis. Matatag. “That’s enough,” sabi niya, malamig. “Interview’s over.” Nagkagulo ang studio. May bulungan. May nagprotesta. “Mr. Valencia...” “I said enough.” Hinila niya ang kurtina ng espasyo, inilayo ako sa kamera. Ramdam ko ang kamay niya sa likod ko...hindi mahigpit, hindi rin malambot. Gabay. Kontrol. “Breathe,” sabi niya, halos pabulong. Huminga ako. Isang beses. Dalawa. Sa dressing room, isinara niya ang pinto. Tahimik. Parang nabingi ang mundo. “Bakit mo ginawa ’yon?” tanong ko, nanginginig ang boses. “Kaya ko pa.” “Tapos na,” sagot niya. “You were shaking.” “Hindi ibig sabihin no’n na mahina ako,” singhal ko. “Hindi ko sinabi ’yon,” balik niya. “Sinabi kong sapat na.” Naglakad siya palapit. Tumigil sa harap ko. Mas malapit kaysa kanina. “Look at me,” sabi niya. Ayokong gawin. Pero ginawa ko. At doon ko nakita... hindi galit. Hindi inis. Pag-aalala. Isang emosyon na hindi ko inaasahan sa kanya. “You don’t get points for breaking quietly,” sabi niya. “And you don’t need to prove anything to me.” “Then to whom?” tanong ko. “Sa kanila? Sa mundo mo?” Tahimik siya sandali. “Sa sarili mo,” sagot niya. Parang may kumurot sa puso ko. “Madali para sa’yo,” bulong ko. “Ikaw ang may kapangyarihan.” “Power?” umangat ang kilay niya. “You think this is power?” Umiling siya, isang maikling tawa na walang saya. “Power is not flinching,” dagdag niya. “And you...” Huminto siya. “...you flinch, but you keep standing.” Hindi ko alam kung papaano tatanggapin ang papuring iyon. Sa labas, may kumatok. “Five minutes. One more hit.” Napapikit ako. “Hindi ko na kaya,” bulong ko. Sumagot si Kairo agad. “Then you won’t.” Tinignan ko siya, gulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “I’ll do it,” sabi niya. “I’ll take the next set. Alone.” “Hindi pwede...” “Watch me,” putol niya. At umalis siya bago pa ako makapigil. Sa monitor, nakita ko siya sa harap ng camera...malinis, kontrolado, parang pader na hinaharap ng alon. “Is Yanna okay?” tanong ng host. “She’s fine,” sagot niya. “And she’s done for today.” “Are you worried the pressure is too much?” “Pressure reveals character,” sagot niya. “And hers is stronger than you think.” May bulungan. May sorpresa. “Do you love her?” biglang tanong ng co-host. Tumigil ang oras. Sa dressing room, napahawak ako sa bibig ko. Isang segundo. Dalawa. “Love is not a headline,” sagot ni Kairo, malamig pero malinaw. “And neither is her pain...Love is not implied ,it is evident in action and in sincerity.” Tumigil ang interview. Pagbalik niya sa dressing room, tahimik kami. Walang pasasalamat. Walang sermon. Tumayo lang siya sa tabi ng pinto. “Uuwi na tayo,” sabi niya. Sa sasakyan, tahimik ang biyahe. Ang lungsod sa labas ay naglalaho sa mga ilaw at anino. Sa pagitan namin, may puwang na hindi ko alam kung lalapitan ko o iiwasan. “Salamat,” bulong ko sa huli. Hindi siya tumingin. “Don’t.” “Bakit?” “Because if you thank me,” sagot niya, “you’ll think you owe me.” At doon... napagtanto ko ang mas nakakatakot sa lahat. Hindi ang backlash. Hindi ang camera. Kundi ang katotohanang sa gitna ng lahat ng ito, unti-unti akong nasasanay na may sumasalo sa akin. At ang mundong ito... hindi marunong magpatawad sa mga umaasa. Isang segundo ng pagbitaw ang nahuli ng kamera...at sa likod ng katahimikan ng biyahe pauwi, may nagbabantay. Habang sinasalag ni Kairo ang unos, may bagong kuha ang paparazzi na magpapaliyab sa susunod na araw… at si Brian Chavez ay nasa frame.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD