Comparison (POV: YANNA)

838 Words
Kung may isang bagay na mas masakit pa kaysa sa galit ng publiko, iyon ay ang pakiramdam na ikaw ang punchline ng sarili mong buhay. Tahimik ang loob ng limo. Hindi yung tahimik na payapa...kundi yung klase ng katahimikan na parang may sasabog anumang segundo. Nakaupo ako sa isang dulo. Si Kairo, sa kabila. May pagitan kaming espasyo, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya na parang dikit pa rin siya sa balat ko. Sa labas, patuloy ang flash ng cameras kahit umaandar na kami. Sa loob, ang phone ko ay paulit-ulit na nagvi-vibrate. Hindi ko na kailangang buksan para malaman kung ano iyon. Downgrade. Replacement. Charity case. Gold digger. At mas masakit... Comparison. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Binuksan ko ang phone. Isang viral thread. Side-by-side photos. Ako. At ang mga ex niya. Mga babaeng parang hinulma ng mundo para sa kanya—matangkad, elegant, may pangalan, may pedigree. At ako? “She looks… plain.” “From runway to sidewalk.” “Downgrade of the decade.” Parang may humigpit sa dibdib ko. “Enough.” Mababa ang boses ni Kairo, pero sapat para mag-freeze ang mga daliri ko sa screen. “Close it.” Hindi agad ako sumunod. “Yanna.” Mas matigas. Mas malamig. Isinara ko ang phone...hindi dahil sa utos niya, kundi dahil pakiramdam ko kung magbabasa pa ako ng isa, tuluyan na akong guguho. Tumawa siya. Isang maikling tawa. Walang saya. “Wow,” sabi niya, nakasandal sa upuan. “They’re creative tonight.” Doon ako napatingin sa kanya. “Natutuwa ka?” tanong ko, hindi ko na napigilan ang boses kong nanginginig. “Entertainment ba ’to para sa’yo?” Sumulyap siya sa akin, isang kilay ang bahagyang nakaangat. “Why would I care what bored strangers think?” Doon sumabog ang init sa dibdib ko. “Of course,” sabi ko, mapait ang ngiti. “You don’t care. You never do.” Tumawa ulit siya...mas malinaw, mas tuyo. “Don’t tell me you’re affected,” sabi niya. “You signed up for this.” Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. “I signed up for a contract,” sagot ko. “Not public execution.” Nagbago ang tingin niya...sandaling malamig, sandaling matalim. “This is the world you wanted back into,” sabi niya. “You wanted your name cleared. This is the price.” Napatawa ako....isang tawang halos masira ang boses ko. “Ang galing mo talagang magsalita kapag hindi ikaw ang binabasag,” sabi ko. “Kapag hindi ikaw ang tinatawag na downgrade.” Tumahimik siya. Sandali lang. Tapos ngumiti. Hindi mabait. Hindi apologetic. Nakakainsulto. “Downgrade?” ulit niya, parang tinatasa ang salita. “If they think that, then that’s their problem.” “Hindi,” mabilis kong sagot. “It’s mine.” Nagtagpo ang mga mata namin. At doon ko nakita ang isang bagay na lalong nagpagalit sa akin.... Aliw. Parang natutuwa siya sa galit ko. Parang gusto niyang makita kung hanggang saan ako puwedeng sumabog. “Why are you so angry?” tanong niya, halos amused. “You’re getting attention. Sympathy will come next.” Doon ko nawala ang pagpipigil. “Ang kapal ng mukha mo,” singhal ko. “Lahat para sa’yo ay strategy. Lahat ay laro.” Tumawa siya nang mas malakas. “Now you’re learning.” Tumayo siya nang bahagya sa upuan, lumapit ng kaunti....hindi hinahawakan, pero ramdam ko ang presensya niya na parang pader na sumisiksik. “You think rage makes you real?” tanong niya. “It just makes you predictable.” Parang may pumutok sa loob ko. “Alam mo kung ano ka, Kairo?” sabi ko, mababa pero malinaw. “Empty.” Natigil siya. Literal. Hindi gumalaw ang mukha niya....pero may nagbago sa hangin. “You wear money like armor,” dugtong ko, nanginginig na ang boses ko pero tuloy pa rin. “You wear control like personality. Pero sa ilalim non? ” Lumunok ako. “Wala.” Tahimik ang limo. Hindi siya tumawa. Hindi siya ngumiti. At sa unang pagkakataon— may crack. Sandali lang. Isang iglap. Pero nakita ko. Kumunot ang panga niya. Bahagyang humigpit ang mga daliri niya sa gilid ng upuan. Tapos... bumalik ang maskara. Isang malamig na ngiti. “Careful,” sabi niya. “You’re projecting.” “Hindi,” sagot ko agad. “I’m seeing you.” Sumandal siya pabalik. “Tapos ka na?” tanong niya, parang bored na ulit. Hindi ako sumagot. Ayokong bigyan siya ng satisfaction. Ngunit sa loob-loob ko, ramdam ko ang pagyanig....hindi lang ng galit, kundi ng takot. Dahil sa likod ng lahat ng yabang niya… may tinamaan ako. Huminto ang limo. Bumukas ang pinto. At bago pa ako makalabas ... “Yanna,” tawag niya, mababa. Napalingon ako. Hindi siya nakangiti. Hindi rin galit. “Next time,” sabi niya, “if you want to hurt me...make sure you’re ready for what happens after.” At doon ko naintindihan. Hindi ito simpleng away. Ito na ang battlefield. At wala na kaming atrasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD