TRUST HIM (POV: YANNA)

1220 Words
“Gosh! Ano baaaa!?” Nabitawan ko ang unan at napaupo sa kama, hinihingal na parang kakagaling ko lang sa mahabang takbuhan...kahit magdamag akong nakahiga. Hindi ako natulog. Hindi dahil sa ingay ng lungsod sa labas ng bintana ng penthouse...sanay na akong matulog sa mas malalang ingay kaysa doon. Mga busina, sigawan, sirena...lahat iyon, kaya kong i-shut out. Hindi rin dahil sa kaba ng paparazzi o sa mga camera na naghihintay sa maling hakbang ko. Kahit kailan, hindi iyon ang unang kinatatakutan ko. Hindi ako natulog dahil sa katahimikan. Yung klase ng katahimikan na punô ng mga tanong na ayaw mong sagutin dahil alam mong sasaktan ka ng sagot. Yung katahimikang may kasamang bigat sa dibdib, parang may nakapatong na kamay na hindi mo matanggal. Nakatitig ako sa kisame, hawak ang phone ko, paulit-ulit na nagre-refresh ng screen kahit alam kong mas lalo lang akong masasaktan. Trending pa rin. Mas mataas kaysa kahapon. Mas mabilis. Mas marahas. Hindi na lang simpleng curiosity ang tono ng mundo ngayon. May galit na. May paghuhusga. May pag-aangkin—parang may karapatan silang magdesisyon kung sino ako. At doon ko unang nakita ang hashtag na tuluyang nagpatigil ng paghinga ko. #GoldDiggerYanna Parang may humila pababa sa dibdib ko. Hindi ito simpleng salita. Hindi lang insulto. Isa itong label...isang kahon kung saan nila gustong ikulong ang buong pagkatao ko. Isa-isa kong binasa ang mga posts, kahit alam kong hindi ko dapat. “She knows exactly what she’s doing.” “From nobody to Valencia’s girl? Classic.” “Look at her eyes. She’s calculating.” “Poor Kairo. Another woman using him.” May kumirot sa sikmura ko. Hindi dahil sa mga salita. Kundi dahil sa isang katotohanang ayaw kong aminin.... May mga taong mas gustong paniwalaan ang kasinungalingan kaysa sa isang babaeng lumalaban. Pinatay ko ang phone at napaupo sa kama, hinila ang kumot palapit sa dibdib ko, parang kaya nitong protektahan ang puso ko. Huminga ako ng malalim. Isa. Dalawa. Tatlo. Pero hindi bumababa ang bigat sa dibdib ko. Parang bawat hinga ay may kasamang tanong: Hanggang kailan mo kakayanin ‘to, Yanna? Eksaktong alas-sais ng umaga nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Mahina. Maingat. Parang ayaw mang-istorbo, pero kailangan. Napapikit ako sandali bago tumayo, pakiramdam ko ay hindi pa ako handa humarap sa kahit sino. Binuksan ko ang pinto. “Good morning, Miss Cruz,” sabi ng staff, may ngiting propesyonal pero may halong pag-aalala. “Mr. Valencia asked if you’d like breakfast.” Asked. Hindi ordered. Isang maliit na detalye...pero sapat para guluhin ako. Sanay akong masabihan kung ano ang gagawin. Sanay akong utusan ng mundo. Pero si Kairo? Humihingi siya. “O-okay,” sagot ko. “In a bit.” Nang isara ko ang pinto, sumandal ako rito at ipinikit ang mga mata. Bakit parang mas nakakatakot kapag mabait siya? Tahimik ang dining area nang pumasok ako. Mahina ang ilaw. Malinis ang mesa. May amoy ng kape at bagong lutong tinapay...mga amoy na dapat nakaka-comfort, pero hindi ko maramdaman. Nandoon na siya. Naka-white shirt si Kairo, ang manggas nakataas hanggang siko, buhok bahagyang gusot. Parang hindi CEO ng isa sa pinakamalalaking conglomerate sa bansa. Parang lalaking hindi rin natulog. Tumingin siya agad nang maramdaman ang presensya ko. “Good morning,” sabi niya. “Morning,” sagot ko, umupo sa tapat niya. May kape sa harap ko. Itim. Walang asukal. Tumigil ako sandali. Tandaan niya. Of course he did. Tahimik kami ng ilang segundo. Yung katahimikang hindi awkward....pero mabigat. Parang pareho kaming may dalang bagaheng hindi pa binubuksan. Hanggang sa.... “Don’t read it,” sabi niya, diretso, walang paligoy. Napatingin ako sa kanya. “What?” “Social media,” dagdag niya. “Don’t read it.” Napangiti ako...hindi masaya, hindi rin galit. Isang ngiting pagod. “Medyo late na.” Sumandal siya sa upuan, pinagmasdan ako nang matagal. Hindi CEO-look. Hindi calculating. Concerned. “How bad?” tanong niya. Inangat ko ang tingin ko. “Bad enough that I’m a hashtag now.” May kumurap sa mata niya...galit. Mabilis. Kontrolado. “#GoldDiggerYanna,” dagdag ko bago pa niya itanong. “That’s the main one.” Tumahimik siya. Masyadong tahimik. At doon ko naramdaman ang pagbabago ng hangin sa silid. Parang may humigpit. “Cancel everything today,” sabi niya bigla. “Ano?” napatanong ako. “Public appearances. Interviews. All of it.” Umiling ako agad. “Hindi puwede. That’ll look like...” “..like I’m protecting you?” putol niya, malamig ang boses. “Good.” Tumayo siya, nilapitan ang bintana, nakatalikod sa akin, parang pinipigilan ang sarili. “Hindi mo kasalanan ‘to,” dagdag niya. “And I won’t let them tear you apart.” Tumayo rin ako, kahit nanginginig ang tuhod ko. “Hindi mo puwedeng kontrolin ang lahat,” sabi ko, mas matatag kaysa sa nararamdaman ko. “At hindi rin ako bagay na puwedeng itago kapag may problema.” Lumingon siya. At sa tingin niya....may apoy. “Then what do you want?” tanong niya. “To stand there and let them call you names?” “Gusto kong harapin,” sagot ko. “Hindi tumakbo.” Naglakad siya palapit sa akin. Mabilis. Diretso. Hanggang sa isang hakbang na lang ang pagitan namin. “And if I say no?” tanong niya. Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang t***k ng puso ko sa tenga ko. “Then you’ll prove them right.” Parang may sumabog sa pagitan namin. “Careful,” sabi niya, mababa ang boses. “You’re crossing into territory you don’t understand.” “Hindi mo rin ako naiintindihan,” balik ko, nanginginig pero hindi umatras. “Akala mo dahil hawak mo ang mundo, hawak mo rin ako.” “You signed the contract.” “I signed because I had no choice,” sigaw ko, tuluyang bumigay ang boses. “But I didn’t sign away my dignity.” Tahimik siya. Matagal. Then.... “Do you know what they’ll do if you speak today?” tanong niya, mas mahinahon pero mas mapanganib. “They’ll rip you apart. Every word. Every pause. Every breath.” “Then let them,” sagot ko, halos pabulong. “Mas masakit ang matahimik.” Tinitigan niya ako. Matagal. Mabigat. Parang unang beses niya akong tinitingnan hindi bilang problema....kundi bilang tao. “Fine,” sabi niya sa wakas. “One appearance.” Nanlaki ang mata ko. “Live,” dagdag niya. “With me.” “Of course,” sabi ko, may halong pait. “You don’t trust me alone.” “Hindi,” sagot niya agad. “I don’t trust them.” May kakaibang init ang pumasok sa dibdib ko. Hindi ko alam kung comfort ba iyon o panganib. Habang naghahanda kami para sa live interview...isang espesyal na segment na siguradong papanoorin ng buong bansa....nararamdaman ko ang bigat ng oras. Bawat segundo, parang may humihila sa akin pabalik. Habang inaayos ng stylist ang buhok ko, habang may nagsasalita tungkol sa lighting at angles... Nag-vibrate ang phone ko. Isang mensahe. Mula sa isang pangalan na hindi ko inaasahang makita. Unknown: You don’t belong there, Yanna. Nanlamig ang kamay ko. Unknown: And he knows it. Napatingin ako kay Kairo. Abala siya sa pakikipag-usap sa PR team. Nakapokus. Kontrolado. Walang kaalam-alam. Ang mundo ay naghihintay sa labas. At ang nakaraan ko? Mukhang papasok na ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD