Kung may isang bagay na hindi ko inasahan, iyon ay ang paraan ng paghawak niya sa akin habang papasok kami sa elevator.
Hindi iyon mahigpit.
Hindi rin malamig.
Parang sinadya niyang ilagay ang kamay niya sa gitna ng public at private...eksaktong lugar kung saan hindi ako makakatakas, pero hindi rin niya ako sasaktan. Hindi ako masasaktan. Pero hindi rin ako makakalimot na naroon siya.
At doon nagsimulang kumabog nang kakaiba ang dibdib ko.
“Relax,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “They can see fear.”
“Hindi ako natatakot,” sagot ko agad.
Pero kasinungalingan iyon.
Hindi ako natatakot sa press. Hindi sa camera. Hindi sa mga tanong.
Natatakot ako sa kanya.
Sa epekto niya.
Sa paraan niyang kayang gawing ligtas ang isang mundong siya rin ang gumawa ng hawla.
Sa loob ng elevator, ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi kami magkadikit. Ang salamin sa harap namin ay parang nananadya—ipinapakita kung gaano kami kalapit, kung gaano ka-perpekto ang itsura namin sa mata ng iba.
Power couple.
Picture perfect.
Ako lang ang nakakaalam kung gaano ako nanginginig sa loob.
Pagbukas ng elevator, sinalubong kami ng ingay.
Flash ng camera.
Sigawan ng reporters.
Mga tanong na nag-uunahan, nagbabanggaan, naglalaban kung alin ang unang makakasugat.
“Mr. Valencia! Is this relationship real?”
“Yanna, how long have you been dating?”
“Was this planned?”
“Is she moving in with you?”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Huminga ako nang malalim...isa, dalawa...inahanap ang sarili ko sa gitna ng kaguluhan.
At bago pa man ako makagalaw, naramdaman ko ang kamay ni Kairo sa baywang ko.
Hindi para sa kamera.
Para sa akin.
“Stay close,” sabi niya, mababa ang boses, walang emosyon, pero may bigat.
At ginawa ko.
Hindi dahil utos iyon.
Kundi dahil sa sandaling iyon, gusto kong maramdaman na may isang taong hindi ako iiwan sa gitna ng apoy.
Umupo kami sa harap ng backdrop ng Valencia Group...logo, maliwanag ang ilaw, perpektong ayos.
Nakangiti siya. Kontrolado. Kampante. Parang eksena na kayang-kaya niyang ulitin kahit ilang beses.
Ako?
Maingat. Parang naglalakad sa manipis na yelo na anumang maling sagot ay puwedeng magpabagsak sa akin.
“So, Yanna,” tanong ng isang reporter, ngiting kunwari mabait, “what made you fall for Kairo Valencia?”
Parang huminto ang mundo ko.
Fall?
Napatingin ako kay Kairo.
Akala ko sasagipin niya ako. Akala ko sasabat siya, babalutin ang tanong ng PR-approved answer, ililigtas ako mula sa bigat ng salitang iyon.
Pero hindi.
Tinitigan niya lang ako....diretso, tahimik...parang sinasabi, your move.
Lunok.
Ramdam ko ang lahat ng mata sa akin. Ang bigat ng katahimikan bago ang sagot. Ang mga segundo na parang oras.
“Well,” sabi ko sa wakas, dahan-dahan, pinipili ang bawat salita, “he’s not… what people think.”
May bulungan agad.
“Behind the headlines,” dagdag ko, mas matatag ang boses ko ngayon, “there’s someone who listens. Someone who… shows up.”
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang na iyon. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
Pero iyon ang totoo.
Tumingin siya sa akin ngayon.
At sa mga mata niyang iyon, may kung anong pumutok...isang saglit na kawalan ng kontrol, isang emosyon na hindi niya inaasahang maririnig mula sa akin.
“Is that true, Mr. Valencia?” tanong ng isa pa.
Ngumiti siya.
Pero iba na ang ngiti.
Hindi ito ang pang-publiko. Hindi ito ang sanay ipakita.
“Yes,” sagot niya. “And she sees me when no one else bothers to.”
May kumirot sa dibdib ko.
Hindi iyon scripted.
Hindi iyon usapan.
At doon nagsimulang magulo ang linya sa pagitan ng fake at totoo.
May isang tanong na biglang sumabog, mas malakas kaysa sa iba.
“Yanna, are you just with him because you need protection?”
Parang may sumaksak sa akin.
Ang tanong ay diretso, marahas, walang pakundangan...parang hinubaran ako sa harap ng lahat.
Bago pa ako makasagot...
Hinila ako ni Kairo palapit sa kanya.
Hindi padalos-dalos.
Hindi agresibo.
Protektado.
Isang kamay sa likod ko. Isang presensyang nagsasabing hindi ka nag-iisa.
“Careful,” sabi niya, malamig ang boses pero malinaw ang babala. “You don’t get to reduce her to that.”
Tumahimik ang press.
“At for the record,” dagdag niya, walang pag-aalinlangan, “she doesn’t need me.”
Huminga ang buong silid.
“I’m the one who doesn’t want to lose her.”
Nanlaki ang mata ko.
Hindi ko alam kung parte ba iyon ng laro.
Hindi ko alam kung PR ba iyon o impulse.
Pero ang kamay niya sa likod ko..mahigpit ngayon...totoo.
Sa loob ng sasakyan pauwi, tahimik kami.
Hindi yung awkward na katahimikan.
Yung mabigat.
Yung puno ng mga salitang hindi pa handang lumabas.
“You didn’t have to say that,” sabi ko sa wakas, halos pabulong.
“Which part?” tanong niya, nakatingin pa rin sa harap.
“All of it.”
Huminga siya nang malalim, parang ngayon lang niya naramdaman ang bigat ng ginawa niya.
“I know,” sagot niya. “But I wanted to.”
Napalingon ako sa kanya. “Why?”
Saglit siyang tumingin sa labas ng bintana....sa ilaw ng lungsod, sa mga taong hindi namin kilala.
“Because,” sabi niya, mas mababa ang boses, “they were crossing a line.”
“At ikaw?” tanong ko, mas matapang kaysa sa pakiramdam ko. “Am I not also in that line?”
Bumalik ang tingin niya sa akin.
At doon ko nakita...hindi ang CEO. Hindi ang strategist. Hindi ang lalaking kayang kontrolin ang lahat.
Isang lalaking pagod na maging malamig.
“You are,” sagot niya. “That’s the problem.”
Pagdating namin sa penthouse niya, hindi kami agad pumasok.
Nakatayo lang kami sa harap ng salamin...ang lungsod sa likod namin, parang testigo sa katahimikan namin.
“Hindi ito bahagi ng kontrata,” sabi ko, halos pabulong. “Yung mga sinabi mo.”
“I know.”
“Then why did you?”
Lumapit siya.
Isang hakbang.
Dalawa.
Hanggang sa nasa harap ko na siya.
Hindi niya ako hinawakan.
Mas masahol iyon.
“Because,” sabi niya, mababa, totoo, “I don’t know how to pretend with you anymore.”
Parang may bumigay sa loob ko.
“Kairo…”
“Don’t,” putol niya agad. “Not yet.”
Bumuntot ang tingin niya sa labi ko...sandali lang, pero sapat para maramdaman ko ang apoy na dumaan sa pagitan namin.
“This is dangerous,” dagdag niya. “And I don’t lose control.”
Pero ang kamay niya…
Nanginginig nang bahagya.
May kumatok sa pinto.
Pareho kaming napalingon.
Parang sabay kaming huminga ulit.
Reality crashing back.
“Next time,” bulong niya, umatras nang kaunti, “we won’t be interrupted.”
At sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa mundo niya....
Naniwala ako.
Pagpasok ko sa guest room na inihanda niya para sa akin, isinara ko ang pinto at sumandal dito, humihinga nang mabigat.
Binuksan ko ang phone ko.
Trending ulit.
Pero iba na ang tono.
#KairoProtectsYanna
#TheWayHeLooksAtHer
#ThisIsNotFake
At isang mensahe ang pumasok.
Kairo:
Sleep. Tomorrow, they’ll want more of us.
Humiga ako, nakatitig sa kisame, nanginginig pa rin ang puso ko.
Dahil alam ko....
Kung ito ang simula ng pagiging nakakakilig…
Hindi ko alam kung paano ako lalabas na buo.