Indispensable POV: YANNA CRUZ

1164 Words
May mga umagang gigising ka na parang walang nangyari...parang normal ang mundo, parang hindi ka tinangay ng isang lalaking kayang baguhin ang takbo ng buhay mo sa isang pirma, isang bulong, isang hawak. At may mga umaga ring magigising ka na parang may nakadagan sa dibdib mo. Ito ang ikalawa. Nagising ako sa tunog ng notification...sunod-sunod, parang ulan na walang pakialam kung malulunod ka. Hindi ko agad binuksan ang phone ko. Alam ko na kung ano ang makikita ko roon. Alam ko na ang mga salita. Ang mga mata. Ang mga opinyon ng mga taong hindi naman ako kilala, pero parang may karapatan silang hatulan ang bawat galaw ko. Huminga ako nang malalim. You asked for this, sabi ng isang boses sa ulo ko. No. I was pushed into this, sagot ng isa pa. Binuksan ko ang phone. Trending. Still. Mga larawan namin ni Kairo...kung paanong hinila niya ako palapit sa kanya sa harap ni Elina. Kung paanong hindi ako umatras. Kung paanong hindi rin ako umiwas. “She’s not just a cover. Look at how he holds her.” “Valencia doesn’t fake that kind of possessiveness.” “The girl looks terrified...but also… addicted?” Isinara ko ang phone. Hindi ko kayang basahin lahat. Bumangon ako, tahimik ang apartment. Too quiet. Parang hinihintay lang akong lamunin ng sarili kong mga iniisip. At doon ko naramdaman...ang bigat. Hindi lang ng publiko. Hindi lang ng kontrata. Kundi ng isang bagay na mas delikado. Expectation. Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang dumating ang mensahe. Kairo: Be ready in thirty minutes. We’re meeting the board. Napatigil ako. Board? Me: You didn’t say anything about a board meeting. Tatlong segundo lang ang lumipas bago siya nag-reply. Kairo: I didn’t ask if you were informed. I said be ready. Napapikit ako. Ganito siya palagi...kontrolado, diretso, walang puwang para sa pagtanggi. At siguro, kahapon, hinayaan kong masyado akong maging komportable sa ideyang kaya ko siyang i-challenge. Ngayon, pinapaalala niya kung sino talaga ang may hawak ng mundo namin. Nagbihis ako...simple, elegant. Hindi masyadong flashy. Hindi rin invisible. Isang puting blouse, itim na slacks, buhok na maayos pero hindi masyadong perpekto. Hindi ako pupunta roon bilang palamuti. Pupunta ako roon bilang statement. Tahimik ang loob ng sasakyan nang sumakay ako. Nasa kabilang upuan si Kairo...naka-itim na suit, crisp, parang hindi natulog pero parang hindi rin napagod. May tablet siya sa kamay, nakatuon sa screen, parang wala akong presensya. “Good morning,” sabi ko, sinusubukang panatilihing steady ang boses ko. “Morning,” sagot niya, hindi tumitingin. Tahimik ulit. Pinanood ko ang profile niya—ang matalim na panga, ang bahagyang gusot na buhok. Ang lalaking kayang maging headline at armas sa iisang hinga. “Are you going to explain,” tanong ko sa wakas, “or is this another test?” Ngayon siya tumingin sa akin. “Depends,” sagot niya. “Do you still think you’re being tested?” Napangiti ako...hindi dahil masaya, kundi dahil galit. “Of course I am. You don’t bring someone like me into a boardroom without dahilan.” “Someone like you?” ulit niya. “Someone you don’t fully control,” sagot ko. May bahagyang pagkurap sa mata niya. Isang puntos para sa akin. Pagpasok namin sa Valencia Towers, ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin. Lahat ng mata....subtle, pero matalim. Mga taong sanay sa kapangyarihan. Sa pag-amoy ng kahinaan. Pagbukas ng pinto ng boardroom, tumigil ang mga bulungan. Labing-dalawang katao. Mga mukha na nakikita ko sa business magazines. Mga taong kayang sirain ang reputasyon mo sa isang boto. At sa gitna nila....isang bakanteng upuan sa tabi ni Kairo. “Sit,” sabi niya, mahina pero malinaw. Umupo ako. At doon nagsimula ang pag-ulan. “So this is her,” sabi ng isang matandang lalaki, nakangiting parang ahas. “The girl.” Hindi ako tumingin kay Kairo. Hindi ko siya hahayaan maging tagapagsalita ko. “Yes,” sagot ko. “I’m Yanna.” Walang ‘Miss Cruz.’ Walang title. May ilang kilay ang umangat. “Interesting,” sabi ng isa pang babae. “You look… ordinary.” Ngumiti ako. Totoo. “At yet,” sagot ko, “here I am.” Tumahimik ang silid. Si Kairo, nakamasid lang. Parang nanonood ng chess game na alam niyang may papatumba sa hari. “Let’s be clear,” sabi ng isa. “This relationship...if that’s what you call it...puts us under scrutiny.” Kairo finally spoke. “That’s the point.” Napalingon silang lahat sa kanya. “Scrutiny breeds curiosity,” dagdag niya. “Curiosity breeds loyalty. Loyalty breeds profit.” Tumango ang ilan. Pero may ilan ding hindi kumbinsido. “Unless,” dagdag niya, biglang tumingin sa akin, “the actress fails.” Actress. Parang may sumaksak sa akin.....hindi dahil mali siya, kundi dahil sinadya niyang ipaalala sa lahat kung ano ako sa mata niya. “Are you sure she can play the part?” tanong ng babae. Hindi ako nakatiis. “May I?” tanong ko, tumitingin kay Kairo. Tumango siya. Mabagal. Parang hinahamon ako. Tumayo ako. “Hindi ako artista,” sabi ko, malinaw ang bawat salita. “Wala akong script. Wala akong coach. Pero kung ang kailangan niyo ay isang taong kayang tumayo sa harap ng mundo at hindi gumuho....nandito ako.” May katahimikan. “At kung ang kinatatakutan niyo,” dagdag ko, “ay emosyon....then maybe you should be more afraid of the men who pretend they don’t have any.” Napatingin sila kay Kairo. At sa unang pagkakataon, nakita kong hindi niya ako inaasahan. Pagkatapos ng meeting, halos kaladkarin niya ako palabas ng silid. Pagdating namin sa isang bakanteng conference room, isinara niya ang pinto. Malakas. “What was that?” tanong niya, mababa ang boses pero puno ng tensyon. “Truth,” sagot ko. “Or does that scare you more than bad press?” Lumapit siya. Mabilis. “You embarrassed them.” “Good,” sagot ko. “They were underestimating me.” “You stepped out of line.” “You drew the line,” balik ko. “I just refused to stay behind it.” Tahimik siya. Masyadong tahimik. Tapos, bigla siyang tumawa...mahina, walang saya. “You think you won something,” sabi niya. “You didn’t.” Lumapit pa siya...hanggang sa ramdam ko ang init niya. “You just made yourself indispensable.” Nanlaki ang mata ko. “And that,” dagdag niya, “is far more dangerous.” May kumatok sa pinto. “Sir,” sabi ng assistant. “Press is waiting downstairs. They want a joint appearance.” Tumingin si Kairo sa akin. Isang tingin lang...pero may desisyon na. “Smile,” sabi niya. “This is where the real performance begins.” At habang naglalakad kami papunta sa elevator, naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko—hindi mahigpit, pero hindi rin maluwag. Parang paalala. You’re mine to protect. And mine to break....if needed. Huminga ako nang malalim. Kung ito ang digmaan, hindi ako lalaban bilang bihag. Lalaban ako bilang kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD