Defiance (POV: YANNA CRUZ)

1102 Words
Hindi ako handa. Kahit kailan, hindi ako magiging handa sa ganito. Habang binubuksan ng staff ang pinto ng studio kung saan gaganapin ang first live interview, ramdam ko ang bigat ng hangin—parang bawat oxygen molecule ay may kasamang tanong, panghuhusga, at galit ng mundo. Tumigil ako sa mismong threshold. Isang hakbang lang papasok. Isang hakbang lang… at tuluyan na akong mawawala sa dating ako. “Yanna.” Boses ni Kairo. Mababa. Kontrolado. Hindi siya nakatingin sa akin...nakatingin siya sa harap, sa mga ilaw, sa cameras, sa mundong handa na kaming lamunin. Pero ramdam ko ang kamay niya sa likod ko. Hindi mahigpit. Hindi rin malambot. Parang paalala. Andito ka na. Walang atrasan. “Magrelax ka,” bulong niya. “You freeze when you think too much.” Napatawa ako...isang maikling, pilit, halos masakit na tawa. “Madali para sa’yo sabihin,” sagot ko, mahina. “Hindi ikaw ang sinusunog ng mundo.” Ngumiti siya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ‘yon yung ngiting mayabang. Mas… malamig. Mas seryoso. “Wrong,” sagot niya. “Pareho tayong nasa gitna ng apoy. Ang kaibahan lang...sanay na ako.” At bago pa ako makasagot, hinila niya ako...banayad pero tiyak...papasok sa ilaw. Palakpakan. Camera flashes. Isang malaking LED screen sa likod namin na may nakasulat: EXCLUSIVE: KAIRO VALENCIA & YANNA CRUZ — CONFIRMED Para akong nasuka sa kaba. Umupo kami sa couch. Magkatabi. Sobrang lapit. Ramdam ko ang init ng braso niya sa akin, kahit may space pa rin. Parang sinasadya niyang huwag ako hawakan… para mas maramdaman ko siya. “Good evening, everyone,” masiglang bungad ng host. “Tonight, we have the most talked-about couple of the week...” Couple. Tumusok ang salita sa dibdib ko. “...Kairo Valencia and Yanna Cruz.” Ngumiti si Kairo, yung pang-cover niya. Pang-negosyo. Pang-media. Ako? Pilit. Nangangatal ang panga. “So let’s start with the biggest question,” sabi ng host, sabay tingin sa akin. “Yanna, a lot of people were shocked. Some are even… skeptical. How did this relationship start?” Ayan na. Ito na yung sandali na kinatatakutan ko buong araw. Tumahimik ang studio. Kahit ang hangin, parang naghintay. Bumukas ang bibig ko...pero walang lumabas. Sa peripheral vision ko, nakita kong gumalaw si Kairo. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin, pero naramdaman ko ang daliri niya na bahagyang dumampi sa likod ng kamay ko. Isang haplos lang. Parang switch. “Unexpected,” sabi ko sa wakas, nanginginig pero malinaw. “Hindi ko rin inasahan. Pero… sometimes, may mga bagay na dumarating sa buhay mo kahit hindi ka handa.” Nag-react ang audience. May bulungan. May konting palakpak. Ngumiti ang host. “So it wasn’t planned?” Tumingin ako kay Kairo. At doon ko unang nakita...sa gitna ng lahat ng ilaw at kamera...ang ibang Kairo. Hindi yung lalaking nananakot. Hindi yung lalaking may kontrata. Kundi yung lalaking kalmado, buo, at… dangerously convincing. “Nothing about Yanna was planned,” sagot niya. Boses niya steady. Walang bahid ng kaba. “But everything about her… made sense.” Parang may pumutok sa loob ng dibdib ko. Sinungaling. Pero bakit parang… totoo? Habang nagpapatuloy ang interview, may live feed sa gilid ng screen. Real-time comments. > She looks nervous. Fake. Kairo’s too good for her. Gold digger vibes. Wait… why does he look so protective? Parang binabasa ng mata ko kahit ayaw ko. “Yanna,” biglang tanong ng host, mas diretso. “Some netizens say you’re only with him because of his status. What do you say to that?” Bumagsak ang mundo. Hindi ko alam kung paano ako huminga. Parang lahat ng dugo ko, umakyat sa ulo ko. Lahat ng insecurity ko...scholarship, trabaho, pamilya, utang...nag-unahan sa isip ko. Bago pa ako makapagsalita... “Enough.” Isang salita lang. Pero nagbago ang hangin. Si Kairo. Tumitig siya sa host, sa audience, sa camera. “People are free to speculate,” sabi niya. “But I don’t tolerate disrespect...especially toward someone I care about.” Someone I care about. Tumigil ang paghinga ko. “Yanna doesn’t need my status,” dagdag niya. “If anything, I’m the one who had to convince her.” Narinig ko ang collective gasp. At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang bangungot na ito… may parte sa akin na gustong umiyak. Hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa kalituhan. Pagkatapos ng segment, may commercial break. Agad akong tumayo. Parang hindi ko na kaya. Pero humawak siya sa pulso ko. “Stay,” bulong niya. “Don’t run.” Napalingon ako sa kanya, galit at takot ang halo sa mata ko. “Hindi mo alam kung gaano kahirap ‘to para sa akin.” Tumingin siya sa akin nang diretso. Walang camera. Walang audience. Kami lang. “I know,” sagot niya. “And that's exactly why I won’t let you face it alone We have to face them together so that you won't be hiding from threats and fear anymore..” Parang may humigpit sa lalamunan ko. “Bakit?” tanong ko, halos pabulong. “Bakit mo ‘to ginagawa? Hindi mo naman ako kailangan.” Sandaling tumahimik si Kairo. At sa loob ng katahimikang iyon, ramdam ko...may pader siyang pinipigilan bumagsak. “Because,” sabi niya sa wakas, mababa, “once you’re mine… I protect what’s mine.” Hindi ko alam kung threat ‘yon o pangako. Pero ramdam ko ang init sa dibdib ko. Pagbalik namin sa live, iba na ang tingin ng mga tao. Mas intense. Mas curious. “Last question,” sabi ng host, nakangiti. “Kairo, what do you like most about Yanna?” Hindi siya nag-isip. “Her defiance,” sagot niya agad. “The way she looks like she’s about to break… but never does.” Napatingin ako sa kanya. At sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang camera. Nakalimutan ko ang mundo. Siya lang. Ako lang. At yung hindi ko maintindihang init sa pagitan namin. Pagkatapos ng show, sa likod ng studio, sumandal ako sa pader. Nanginginig. Pagod. Wasak. Lumapit si Kairo. Walang salita. Tinanggal niya ang jacket niya at inilagay sa balikat ko. “Tomorrow,” sabi niya, “the backlash will double.” Napatingin ako sa kanya. “At kung hindi ko kayanin?” Tinitigan niya ako. Matagal. Then, softly.. “Then I’ll hold you up,” sagot niya. “Whether you like it or not.” At sa labas ng studio, maririnig na ang sigawan ng fans at haters. At sa phone ko, isang bagong notification: BREAKING: Valencia confirms exclusive relationship .... first public appearance sparks controversy and obsession. Napapikit ako. Ito pa lang pala ang simula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD