FAKE DATE (POV: YANNA)

1201 Words
Kung may tunog ang kaba, iyon ang t***k ng puso ko habang nakatayo ako sa harap ng salamin. Hindi siya malakas. Hindi rin mabilis. Pero pare-pareho. Mabigat. Parang countdown na walang sinasabi kung saan patungo. Tinitigan ko ang repleksyon ko...at hindi ko makilala ang babaeng nakatingin pabalik sa akin. Ako ba ‘to? Suot ko ang itim na dress. Simple sa harap, parang walang sinasabi. Pero bukas ang likod....hindi bastos, hindi rin inosente. Saktong-sakto sa pagitan ng she knows what she’s doing at she’s trying not to drown. Parang ako. Hinaplos ko ang collarbone ko, parang hinihila pabalik ang sarili ko sa realidad. “This is too much,” bulong ko sa sarili ko. Parang awtomatikong sagot ang dumating. “Too much is the point.” Napalingon ako. Nasa pintuan si Kairo. Hindi ko narinig ang pagdating niya. Hindi ko rin namalayan kung gaano na siya katagal nakatayo roon. Pero ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin sa loob ng kwarto....parang humigpit. Naka-itim din siya. Tailored. Malinis. Mapanganib. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya umiwas sa titig ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa...hindi bastos, hindi hayagan. Pero intimate. Parang binabasa niya ang bawat lihim na pilit kong itinatago sa likod ng posture at lipstick. “Hindi ba masyado?” tanong ko, pilit casual, kahit ramdam kong nanginginig ang boses ko. Lumapit siya ng isang hakbang. Hindi pa rin nagsasalita. Dalawa. Hanggang sa maramdaman ko ang init niya kahit hindi pa niya ako hinahawakan. “Tonight,” sabi niya sa wakas, mababa ang boses, kontrolado, “they’ll see us.” Huminga ako nang malalim. “They’ll believe us.” Nilunok ko ang kaba sa lalamunan ko. “At pagkatapos?” Tumigil siya sa harap ko. Isang dipa lang ang pagitan namin. Sapat para makita ko ang bawat detalye sa mukha niya...ang panga niyang mahigpit, ang mga mata niyang parang laging may tinatago. “After,” sagot niya, mabagal, “you’ll realize this is only the beginning.” Hindi ko alam kung babala ba iyon o pangako. Sa Valencia Prime Rooftop... Isa sa mga pinaka-eksklusibong lugar sa lungsod. Sa baba, paparazzi...parang mga gutom na hayop. Sa itaas, drones...mga matang walang pinipiling anggulo. At lahat ng ilaw… parang nakatutok sa amin. Pagbaba namin ng sasakyan, hindi na siya nagtanong. Inabot niya agad ang kamay ko. Automatic. Natural. Sanay. Parang ginawa na namin ‘to noon...kahit alam kong kasinungalingan iyon. Nanlamig ang mga daliri ko. “Relax,” bulong niya, bahagyang hinigpitan ang hawak. “You’re shaking.” “Hindi ako sanay,” sagot ko, halos pabulong din. “Sa kanila. Sa’yo.” Hindi siya tumigil sa paglakad. “Then learn,” sagot niya. “Tonight.” Nag-flash ang mga camera. Sigawan ang mga pangalan namin. “Kairo!” “Yanna!” “Look here!” “Are you in love?” Ngumiti siya...yung ngiting pang-publiko. Kontrolado. Eksakto. Parang pinagpraktisan sa salamin. Ako? Sumunod lang. Dahil wala akong choice. Pero habang naglalakad kami papasok, naramdaman ko ang hinlalaki niya na marahang gumuhit sa likod ng kamay ko. Isang maliit na galaw. Isang babala. Huwag kang bibitaw. Pagpasok sa loob,Tahimik. Elegante.Dangerously fancy... Crystal lights. Mahihinang tawa. Mga basong kumikislap sa ilaw. At mga mata. Maraming mata. Mga babaeng sumusukat sa akin...mula sapatos hanggang ngiti. Mga lalaking sumusukat sa kanya...kung gaano siya kalayo, gaano siya kauntouchable. “Smile,” bulong niya ulit, mas malapit ngayon. “You’re doing great.” Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap...ang ngumiti sa mundo o ang pigilan ang reaksyon ng katawan ko sa kanya. Umupo kami sa mesa na may pinakamagandang view ng city lights. Romantic. Too romantic. “This is ridiculous,” sabi ko sa ilalim ng hininga ko habang inaayos ang napkin. “People really believe this?” Tumingin siya sa akin, dahan-dahan, parang sinasadya niyang pahabain ang sandali. “Do you?” Natigilan ako. “Because if you don’t,” dagdag niya, kalmado pero may bigat, “they won’t either.” Napapikit ako sandali. At doon ko naintindihan ang tunay na laro. Hindi lang ito tungkol sa pag-arte. Kailangan maramdaman. Dumating ang pagkain kasama pati na ang Wine. Talagang oaromantic date ang trip ng mokong at may pa ilaw pa ng kandilang nalalaman.Napaismud ako ng bahagya at palihim. Parang eksena sa pelikula na hindi ko piniling salihan. “So,” sabi niya, kunwari kaswal habang binubuhusan ang baso ko, “how does it feel to be hated by half the internet?” Napatawa ako....mapait. “Hindi ko akalaing mas masakit pala,” sagot ko, “kapag hindi mo kilala ang mga naninira sa’yo.” Tumahimik siya sandali. Tinitigan niya ang baso niya. Parang may iniisip. Tapos… inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Hindi scripted. Hindi inaasahan. Napasinghap ako nang bahagya. “Look at me,” sabi niya. Sumunod ako. At sa mga mata niyang iyon....wala ang Kairo Valencia na alam ng mundo. Wala ang CEO. Wala ang predator sa headlines. Ang naroon? Isang lalaking sanay masaktan. Sanay magtayo ng pader. Sanay kontrolin ang sakit bago pa siya kontrolin nito. “They don’t matter,” dagdag niya. “Not tonight.” “Paano kung masanay ako?” tanong ko bago ko mapigilan ang sarili ko. “Sa’yo. Sa ganito.” Hindi niya agad sinagot. Sa halip, hinigpitan niya ang hawak niya—just enough to make my breath hitch. “Then I’ll remind you,” bulong niya, mas mababa na ngayon, “that nothing about this is safe.” May lumapit na staff. May humingi ng picture. Tumayo kami. At habang nagpo-position, bigla niyang inilapit ang noo niya sa noo ko. “So close,” bulong niya, para kami lang. “Smile like you’re mine.” Parang tumigil ang oras. Ang mga camera? Naroon. Pero ang mundo? Nawala. Ang init ng hininga niya. Ang t***k ng puso ko. Ang distansyang isang hininga na lang. Kung lalapit pa siya… Kung gagalaw pa ako… Pero umatras siya. Ngumiti sa camera. Click. Perfect couple. Ako? Nanghihina. Pagkatapos ng dinner, nasa terrace kami. Tahimik. Hangin. Ilaw. Lungsod. “Hindi mo sinabi sa akin na ganito kahirap,” sabi ko, nakasandal sa railing. Lumapit siya sa likod ko. Hindi niya ako hinawakan agad. “Because if I did,” sagot niya, “you would’ve backed out.” “Hindî rin,” bulong ko. “Wala naman akong choice.” Sa likod ko, ramdam ko ang presensya niya malapit, pero may pagitan pa rin. “You always have a choice,” sabi niya. “You just hate the options.” Tumawa ako ng mahina. “At ikaw?” tanong ko. “Ano ang choice mo?” Tahimik siya sandali. Then.... “You.” Isang salita lang. Pero sapat para guluhin ang lahat. Pagbaba namin para umalis, muling nag-flash ang mga camera. Sa phone ko, sunod-sunod ang notifications: #CoupleGoals #YannaChangedKairo #IsThisReal At sa huling flash, bigla niyang hinila ako palapit… mas malapit kaysa dati. Para sa camera. Para sa mundo. Pero sa tenga ko, bumulong siya: “Don’t fall for me, Yanna.” Napatingin ako sa kanya, naguguluhan. “Because,” dagdag niya, mas mababa, mas delikado, “once you do… I won’t let you go.” At doon ko na-realize… Ang fake date na ito? Hindi na ganun ka-fake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD