THE DEBT THAT EATS YOU ALIVE (POV: Yanna)
Hindi ko alam kung ilang minuto, oras, o buong araw na ba akong nakahandusay sa sahig pagkatapos umalis ni Kairo. Parang tumigil ang mundo. Parang lahat ng tunog nag-iba—mas malakas, mas marahas, mas mapait.
Huminga ako nang malalim, pero parang puro salitre ang pumapasok. Punong-puno ng kasinungalingan, takot, at panggigipit ang hangin sa kwarto.
Kairo Valencia.
Ang taong halos sirain ako sa isang pirma.
Ang taong gustong ibenta ko ang sarili ko kapalit ng dignity na unti-unti niyang nilalamas hanggang hindi ko na kilala kung sino pa ako.
At ang pinaka-masakit?
Parte ko ay halos sumuko kanina.
Kung hindi ko lang naalala kung sino ako… baka pumirma na ako.
Baka tapos na ako.
Pagtayo ko sa sahig, halos mag-collapse ulit yung tuhod ko. Hindi ko na binuksan ang ilaw—ayokong makita yung sarili kong ganitong kahabag-habag.
Tapos, biglang nag-vibrate ang phone ko.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Sunod-sunod.
Hindi ko na kailangan tingnan kung sino ang sender. I knew it was the universe reminding me: Hindi totoo ang pahinga, Yanna. Hindi pa tapos ang gulo mo.
Paglingon ko sa screen… hindi si Kairo.
But honestly? Mas masama.
Mama.
At sa ilalim ng pangalan niya, puro missed calls at voicemails.
Nakagat ko ang labi ko hanggang halos malasahan ko ang dugo. “Please… not now. Hindi ko ‘to kaya ngayon.”
Pero kailangan ko.
Kailangan ko siyang harapin kahit nanginginig pa rin ang buong pagkatao ko.
Pinindot ko yung pinakaunang voicemail.
“Anak… tawagan mo si Mama. Please. Kahit sandali lang.”
Mas piniga yung puso ko.
Second voicemail.
“Yanna… may dumating na letter. Hindi ko maintindihan. Para sa—para sa bahay natin. Anak, kinakabahan ako.”
My stomach twisted.
Third voicemail.
“Anak, bumalik ka na lang dito. Kahit bukas. Kahit ngayong gabi. Nakikiusap ako—kailangan ka namin.”
And finally…
The fourth.
“Yanna… papalayasin daw tayo.”
Parang binuhusan ako ng yelo.
Dumagundong ang kaba, bumilis yung heartbeat ko nang sobrang bilis na parang tumutulak palabas mula sa dibdib ko. Napaupo ako sa kama, pinipigilan ang sumisigaw na ulo. “Hindi… hindi pwedeng ngayon. Hindi pwedeng sabay-sabay.”
Pero nang buksan ko yung messenger app, mas lumala.
Kuya Miguel:
’Nak… tawagan mo si Mama. Umiiyak na naman. ‘Wag mo siyang hayaan mag-isa.
Bunso:
Ate Yanna… bakit hindi mo kami sinasagot?
Bunso (ulit):
Ate… natatakot ako. Bakit may mga lalaking nakausap si Mama?
Halos mahulog yung phone ko.
Mga lalaki?
Mga lalaki, visiting our house?
Landlord?
Collectors?
Or worse…
Debt sharks.
Huminga ako nang mabilis, parang mawawalan ng hangin. Mabilis akong tumayo, hinanap ang bag ko (yung binagsak ko kanina sa takot) at halos kinakalkal ko yung zipper.
Kahit gutay-gutay yung loob ko, kailangan kong umuwi.
Hindi pwedeng sila ang masakripisyo dahil sa gulo ko.
Pagbukas ko ng pinto para lumabas sa dorm wing, akala ko makakalusot ako nang tahimik.
Pero hindi.
Dahil nakasandal sa hallway wall si Lauren—my roommate dati, now my ex-friend. Nakayakap siya sa sarili niyang jacket, hawak ang phone na parang naghihintay lang ng timing para sumabog.
“Oh wow,” she said, smirking. “Fresh from your private meeting with the president.”
Napapikit ako. “Lauren… please. Not today.”
“Alam mo, kung gusto mong maging ‘It Girl’ ng blackmail, sabihin mo lang,” she mocked. “Free naman ang mga audience dito sa hallway.”
“Hindi mo naiintindihan—”
“Hindi ko naiintindihan?” she snapped. “Sino ba sa ating dalawa yung nagpa-picture with Brian while he was still with me? Sino ba yung nilalapitan ng higher-ups for special favors? Sino ba yung nagpa-ganda para sa—”
“Enough.” Napalakas yung boses ko, pero hindi ko na napigilan. “Hindi ko kaya ngayon.”
Natahimik siya.
At doon niya siguro nakita: hindi ako galit ngayon.
Wasak ako.
Pero tumawa lang siya, pero mas mahina na. “Whatever mess you put yourself into, Yanna… ikaw yun. Hindi ko problema.”
“Hindi ko rin hinihingi na gawing problema mo,” I whispered.
“Nakakatawa ka,” she scoffed. “Akala mo ba kawawa ka lang? Sa totoo lang, people are waiting for your downfall. Masaya sila. Because you made this campus hell for others.”
At naglakad na siya paalis, sumipol pa.
Hindi ko na siya kinausap.
Hindi ko na kaya.
Paglabas ko ng campus gate, napansin ko agad ang tatlong photographers na parang mga asong nag-aantay na mahulog ang pagkain mula sa mesa.
“Ms. Cruz!”
“Yanna!”
“Is it true you were offered a deal with Valencia Group?”
“Is it true you slept with Brian for grades?”
“Are you planning to leave campus because you got terminated?”
I froze.
Hindi ko alam kung kanino ako titingin. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo.
Lahat ng ilaw nila nakatutok sa mukha ko, at ramdam ko bawat flash parang pag-igkas ng latigo.
“Please,” I whispered. “Please… tama na.”
Pero mas lalo silang lumapit. Parang naamoy nila ang dugo. Parang gusto nila akong ubusin.
“Yanna! Did you seduce the president?!”
“Are you being blackmailed?!”
A photographer shoved the camera too close to my face. “Give us a statement!”
At doon ako napaatras nang todo—halos tinamaan ako ng motor sa likod.
“Sorry!” sigaw ng rider, pero hindi na niya ako tinulungan.
The world was spinning.
My chest was squeezing.
“Hindi ko ‘to kaya… hindi ko ‘to kaya…”
Biglang may lumapit.
Hindi press.
Hindi student.
Isang lalaki na naka-itim, may earpiece, at mukhang bodyguard.
Sheer black polo. Sharp jaw. Cold eyes.
“Miss Cruz,” he said flatly. “We’ve been ordered to escort you.”
Napaatras ako. “Ha? Ordered? Sinong may—”
He tilted his head slightly. “The president.”
Para akong tinamaan ng martilyo sa dibdib.
Kairo.
Si Kairo talaga.
Pinadala niya ang bodyguards niya?
After he wrecked me emotionally, ngayon gusto niya akong i-escort like I’m his property?
“No,” I said, shaking my head. “Hindi ako sasama.”
“Miss Cruz,” the man said politely, pero firm. “Mr. Valencia said you might be harassed today. We’re here for your protection.”
Protection?
Or surveillance?
Or control?
Sinusubaybayan na niya ako kahit hindi pa ako pumipirma?