15

2037 Words

Kinabukasan, humahangos na dumating si Farah.  Nagulat pa nga siya dahil alas otso ay naroroon na ito.  Buti na lang at maaga silang nagising ni Randolf. Ipinakilala niya ang mga ito sa isa't isa.  At dahil nandoon naman si Farah, pinagpasyahan ni Randolf na umuwi muna upang makapagpalit ng damit.  Iniwan nito ang mobile number sa kanya upang madali niyang ma-contact ito kapag may kailangan siya. "Siya ba ang boyfriend mo?"  ngiting-ngiting tanong sa kanya ni Farah.  Hinaltak nito ang isang silya upang maupo sa gilid ng kama niya.   "Sira.  Siya ang tumulong sa akin kahapon nang mahold-up ako.  Dinala niya ako dito sa hospital," sagot niya. "Wow!  Knight in shining armor!" Pumalakpak pa ang lukaret.  "Pero hindi siya ang daddy ng anak mo?' Umiling siya at hinaplos ang tiyan.  Nang map

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD