CHAPTER 20

1197 Words
BRIELLA'S POV Habang pauwi kami sa bahay ay giliw na giliw si Nanay kay Senyorito. Halos silang dalawa lang ang nag-uusap at tila nakalimutan na yatang kasama nila ako. Hindi ko akalain na may ganito rin palang side ang amo ko. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat isipin ngayon. "Sinigang na ang lulutuin ko dahil paborito mo iyon, Brandon, hindi ba?" narinig ko pang tanong ni Nanay. "Nanay, hindi naman po ako mahilig sa sinigang," singit ko sa kanilang dalawa. Hindi kasi ako mahilig sa maasim kaya hindi ko gaanong gusto ang sinigang. Kapag iyon ang niluluto ni Nanay ay hindi ako masyadong nakakakain. "Ano ka ba, Ella? Hindi ka naman bisita. Pagbigyan na muna natin si Brandon," bulong niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Masaya si Nanay at ayokong sirain ang magandang mood niya. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa habang sila ay masayang namimili sa palengke. Malayo dito ang tindahan nina ate at hindi na rin kami dumaan pa doon. At katulad ng sinabi ni Nanay, sinigang nga talaga ang lulutuin niya. Hindi ko rin maiwasan ang pagmasdan si Senyorito Nyx. Mukhang sanay na sanay siya sa mga galawan dito sa palengke na ipinagtaka ko. Napakayaman niya at buong akala ko ay katulad siya ng ibang anak mayaman na hindi alam ang pamumuhay naming mga mahihirap. At isa pa, komportable sa kaniya si Nanay, indikasyon na matagal na nga talaga silang magkakilala. At sa loob ng mahabang panahon na iyon ay naitago niya kay Nanay ang totoo niyang pagkatao. Habang tumatagal na nakikilala ko siya, mas nakikita kong napakakumplikado pala talaga ng trabahong pinasok ko. Natatakot akong baka pati si Nanay ay madamay sa mga ginagawa ko. "Ako na po ang magbibitbit, Nanay Tere," nakangiting sambit ni Senyorito kay Nanay. Muli akong napatitig sa kaniya. Kakaiba ang ngiti niya ngayon, tunay iyon at walang halong pagkukunwari, bagay na ngayon ko lang nakita sa kaniya. Ni minsan ay hindi ko nakitang ngumiti siya ng ganito sa mga magulang niya. Parang ibang tao ang nakikita ko ngayon. "Naku, salamat, Hijo. Napakabait mo talagang bata. E may girlfriend ka na ba?" "Wala po, Nay. Alam niyo naman pong hindi ko priority 'yan." Lihim akong napairap. Hindi daw priority pero heto ako, ginagamit ng ex niya para maghiganti sa kaniya. "Alam mo ba si Ella, wala ring nobyo 'yan." Napatingin ako kay Nanay. "Bakit naman nasali po ako?" Napatawa naman si Nanay. "Wala lang. Nabanggit ko lang, Ella. Malay mo, si Brandon na pala ang nakatadhana sa 'yo? Naku, Brandon, kung liligawan mo ang anak ko, hindi ako tututol." "Nanay!" pagsaway ko kay Nanay dahil pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko. Ibugaw ba naman ako ng harap harapan? "Maganda naman po ang anak niyo, Nanay Tere. Gusto ko nga po siyang mas makilala pa," nakangiting sabi naman ni Senyorito. Napairap na lang ako sa amo ko dahil halata namang pinagti-trip-an niya lang ako. Sa inis ko ay mas binilisan ko ang paglalakad at hinayaan na sumunod silang dalawa sa akin. May pinag-uusapan pa sila ngunit hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin. Nang makarating kami sa bahay ay agad na nagsimulang magluto si Nanay. Si Senyorito naman ay prenteng nakaupo lang sa upuan namin at hindi ko alam kung kumportable ba siya. Pero dahil ayoko muna siyang harapin, nagpunta na lamang ako sa likod bahay upang simulan na ang maglaba. Napakaraming labahin ang nakatambak at kailangan ko itong matapos bago maggabi. Bukas kasi ng umaga ay kailangan ko nang bumalik sa mansion ng mga Mallari dahil tapos na ang day-off ko. Kaya kailangang maaga akong makatulog mamaya upang maaga rin akong magising bukas. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo ka!" Dahil sa pagiging abala ko sa paglalaba ay hindi ko na namalayan na nakasunod na pala si Senyorito dito sa likod bahay namin. "Ikaw pa ang naglalaba niyan?" kunot noong tanong niya sa akin habang nakatingin sa gabundok kong labahin. "Hindi pwedeng mapagod si Nanay dahil baka bumuka ang opera niya. Ayoko na rin siyang napapagod kaya ako na ang gumagawa nito," seryosong sabi ko naman. "Imposibleng mga damit mo 'yan. So, that means sa mga kapatid mo ang mga 'yan?" Marahan akong tumango. "Pagod na sina Ate sa pagtitinda nila sa palengke kaya hindi na nila magawa pa ang maglaba," katwiran ko naman. "E ikaw, hindi ka ba pagod?" Bahagya akong natigilan. Sa tagal ko na kasing tumutulong sa mga gastusin sa bahay, ngayon lang yata may nagtanong sa akin kung pagod ako. At hindi ko napigilan ang hindi maging emosyonal. Hindi ko na lamang pinahalata iyon kay Senyorito at ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. "Ibig sabihin pala ay si Nanay Tere ang dahilan kung bakit nasa ospital ka noong pangalawang pagkikita natin. Kung alam ko lang ay pinuntahan ko sana siya," dugtong na sabi pa ni Senyorito Nyx. Tumayo ako at sinilip ang likod ni Senyorito upang masiguro kung nandoon ba si Nanay na nakikinig. Nang masiguro kong wala si Nanay ay tumingin ako ng deretso sa mga mata ng amo ko. "Hindi ko alam kung anong dahilan mo sa pakikipaglapit kay Nanay. Sa nakikita ko ay magaan ang loob niya sa 'yo. Pero sa oras na malaman niya kung sino ka, masasaktan siya ng sobra dahil nagsinungaling ka sa kaniya. Huwag sana ang nanay ko, Senyorito," seryosong sabi ko sa kaniya. "Ella, wala akong masamang intensyon sa kaniya. Totoo ang mga ipinapakita ko sa kaniya." "Hindi ko lang po kasi maintindihan. Napakayaman niyo pero nakikipag-usap kayo sa mga katulad namin na isang kahig isang tuka." Humakbang palapit sa akin si Senyorito. "Bakit? Hindi na ba pwedeng mag-usap ang mga katulad natin?" "Hindi niyo po kasi naiintindihan. Paano kung malaman ito ng mga magulang niyo? Sa tingin niyo ba ay hahayaan ka nilang mapadpad sa ganitong klaseng lugar? Napakaimposible po no'n. Baka pag-isipan pa nila ng masama si Nanay kapag nagkataon." Huminga ng malalim si Senyorito. "Alam ko kung saan ka nanggagaling, Ella. Pero ako na mismo ang nagsasabi sa 'yo, poprotektahan ko kayo ni Nanay Tere. Napamahal na ako sa kaniya at hindi ko hahayaang mapahamak o masaktan siya." Kumunot naman ang noo ko. "Aminin mo nga, may gusto ka ba kay Nanay? Utang na loob, Senyorito, kahit mayaman ka ay hindi ko gugustuhin na maging stepfather kita," pataray na sambit ko pa. "What?" "Masyado nang maedad si Nanay para sa 'yo at isa pa, paniguradong hindi papayag ang mga magulang mo. Bukod sa maedad na si Nanay para sa 'yo, mahirap pa kami." Napangisi naman si Senyorito. "You're quite amazing, Ella. Hindi ko akalain na napakalawak ng imahinasyon mo. But just to make it clear, motherly love lang ang mayroon ako kay Nanay Tere." Napatango naman ako. "Mas mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo." Ginulo niya ang buhok ko kaya naman mabilis akong napaatras para makaiwas sa kaniya. "Hindi ko akalain na pag-iisipan mo pa ako ng ganyan," ang tanging nasabi niya. Napailing na lamang ako. Hindi naman kasi totoo na pinaghihinalaan ko siya tungkol kay Nanay. Nabanggit ko lamang iyon dahil wala na akong ibang masabi pa. "Ella, seryoso ako sa sinabi ko kay Nanay Tere na gusto kitang mas makilala pa. I mean it, Briella Jane."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD