BRIELLA'S POV "Let's go." Mabilis akong tumayo nang daanan ako ni Senyorito sa pwesto ko. Agad akong sumunod sa kaniya palabas ng opisina hanggang sa makasakay kami sa elevator. Bahagya na akong nasasanay sa paggamit nito kahit patatlong beses ko pa lang ito. Hindi naman pala siya nakakahilo. Wala pang isang minuto ay bumukas ang pinto ng elevator. Napangiti ako nang makita si Sir Alejandro sa labas. Sumakay din siya ng elevator. "Hi, Boss. Hello, Ella. Nagkita ulit tayo," masaya niyang sambit nang muling sumara ang pinto. Kaming tatlo lang ang nakasakay sa elevator. "Hello, Sir Alejandro. Salamat nga pa ulit sa kanina ha," sagot ko naman sa kaniya. "At your service, always," sabi naman niya na sumaludo pa sa akin. "Why are you just roaming around the building. Don't you have a work

