maliit na butas ng lambat

1367 Words
Malayo man sa pinapangarap ni Roberta ang kanyang natapos ay nagpapasalamat narin siya.Paano ba naman.Ang pangarap niyang maging isang nurse ay hindi niya natupad.Paano'y ang pilit ipinatapos sa kanya ng kanyang financer na si Carl ay ang pagiging business consultantEwan!Kung tutuusi'y kaya naman niyang papagtapusin ang sarili ngunit laging sinasabi nito na babawiin nitong lahat ang pibelehiyong natatanggap niya at kundiman ay titigil na ito sa pagsuporta.Hindi lang kasi iyon ang inaalala niya.Kundi sa mga binitiwan niyang pangako rito.Kung gugustuhin niya'y kaya naman niyang tumayo na sa sariling mga paa.Ngunit ang malasing sa sarap ng buhay na ipinaranas nito sa kanya iyon yata ang hindi niya matatalikuran.Sabihin nalang na nahirati na siya!Ewan ba niya,mula ng sumarap ang kanyang buhay ay tila kahit ano pang iutos sa kanya ng lalaki'y magaan niyang sinusunod,isa pa'y lubog siya sa utang na loob sa boyfriend na nevwr niyang naging boyfriend.Ah ewan!Well,enjoy naman siya sa kanyang kursong tinapos.Narito ngayon siya!Siguro nama'y panahon na upang makapag pahi-pahinga naman siya ng kaunti. Biglang pumasok sa isip niya ang firstlove.Kamusta na kayo iyon?Kapag naaalala niya'y nanunumbalik ang pag kaaawa niya sa sarili at naipagdasal nalang niya na sana ay hindi na sila magkita pang muli.Hindi na kasi niya alam kung ano pa ang kanyang mararamdaman kapag nakita niya ang badboy ng school nila noon.Mula noon ay hindi na siya nangarap na magkarelasyon.Sapat na sa kanya ang makapagtapos ngunit sabi niya nga,hindi niya isinasara ang kaisipang kapag may dumating at magustuhan naman niya ay bakit hindi?Ngayon pa!Na tapos na ang kontrata niya kay Carl!Ang pangako lang naman at ang bilin nito sa kaniya ay hanggang sa makapagtapos siya.Ngayong tapos na siya noong nakaraang buwan pa.Malaya na siya!At doon narin natatapos ang kanyang mga prebilehiyo.Medyo maninibagi siya ngunit marami na siyang ipon at pundar.Pu-pwede na siyang mag asawa! Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni ng tumunog ang cellphone niya at gaya ng kanyang inaasahan ay si Carl ang nasa kabilang linya.Ang ikinagulat niya lang ay sa loob ng ilang taon na hindi niya na narinig ang boses nito kundi mga mensahe lamang sa text at sa email.Ngunit ngayon ay nakapagtatakang tumawag ito.Medyo na courious siya kaya nagmamadali niya itong sinagot. "Hello Carl kamusta kan-" Natigilan siya dahil hindi si Carl ang nasa kabilang linya.Pinapaalalahanan siya ng babae na magbasa ng email dahil naroon daw ang huli niyang misyon.Diyata't nag asawa na yata nag bwiset!!!Kapal ng mukha ni hindi man lang siya sinabihan???Ang tigas ng muka nito na magsabi na huwag siyang makikipagrelasyon dahil iyon ang number one rule.Tapos ngayon?Umaasa pa naman siya kahit papaano sa lalaki na tutuparin nito ang iniwang salita.Ngunit ano ito!?Nahihiya naman siyang mag usisa sa babae.Dahil kung hindi nito karelasyon ang lalaki'y bakit narito ang personal phone ng binata?Kung binata pa ngang matatawag?Inabot niya sa side table ang kanyang laptop at ipinatong iyon sa kanyang hita upang basahin ang sinasabi ng mga ito na basahin daw niya. ... "Ano ito?Matapos. niyang manahimik ng mahabang taon mula ng namatay sa sakit ang kanyang ina ay ngayon pa talaga siya guguluhin ng ama?Hindi paba ito masiyahan na wala na itong pananagutan aa kanya?Nabalitaan ba nito ang nangyari sa kanya?Hindi na siya nagtataka.Nakakahiya mang aminin ay hindi siya nagtagumpay sa larangang pinili niya.Hindi niya maubos maisip kung bakit ibinuhos naman niya ang kakayahan lakas at determinasyon niya ngunit sa bandang huli ay nag fail din lahat.Hindi naman siya totaly nasimot,may mga naipon naman siya at sa ikatlong pagkakataon ay iyon ang isusugal niya.Kumbaga,iyon ang kanyang huling baraha.Matagal na niyang itinigil ang kanyang pambababae ng makilala niya si Denise.Hindi niya alam kung talagang nagsawa narin siya kasi'y hindi na siya bumabata o talagang ito na ang huli niya.Nasa babae na kasi ang lahat niyang hinahanap.Mabait ito,malalahanin at alagang alaga siya.At sa tuwing ipaparamdam niya rito ang panga-ngailangan ay tinatanggihan siya nito.Hinihintay daw kasi muna ng babae ang kanilang kasal.Para namang naging challenge ito sa kanyang pagkalalako kaya lalo niyang nagustuhan ang kasintahan.Isa pa'y kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ngayon ay balak niyang pasuking negosyo. "Sweet here is your coffee."Muntik ng matapos sa kanyang laptop ang kapeng kadudulog lang ng kasintahan ng mabasa ni Drako ang mensahe galing sa kanyang ama.Bagong dating ang email na iyon.Wala pa sana siyang balak na siputin ang paanyaya nito o mas tamang sabihing sapilitan.Naisuntok niya sa table ang kanyang kamao dahil sa nabasa. "Gusto man kitang samahan ay hindi ko magagawa.Alam mo naman na sa susunod na araw na ang launched ng aming bagong design.Sana'y maintindihan mo." Tumango-tango naman si Drako sa pakiusap ng kasintahan.Habang malalim ang itinatakbo ng kanyang isip kung ano ang gustong mangyari ng kanyang ama at bakit nito iyon ginawa.At ang isa pang palaisipan sa kanya ay ang taong involve doon.Hindi niya inaasahang magagawa sa kanya ng taong iyon ang mga ganoong bagay.Malayo sa hinagap niya at hindi niya iyon inaasahan. ... Dala ang kanyang sasakyan ay sumakit ang katawan ni Berta sa haba ng biyahe.Wala rin siyang gaanong tulog dahil sa malaking puzzle na iniwan sa kanya ng sulat ni Carl.Wala man lang siyang kahit isang maintindihan.At upang masagot ang kanyang mga katanungan ay nagdrive na siya papunta sa sinasabi nitong lugar.Iyong tagal ng biyahe at pagod niya ay naibsan naman ng lugar na 'yon sa kanyang harapan ngayon.Para siyang nasa paraiso ng mga sandaling iyon.Paano'y sa nakatagong lugar na iyon buhat sa pinag iwanan niya ng kanyang sasakyan ay isang paraiso sa pusod yata ng kagubatan.bago ka makarating sa malaking manor ay daraan ka muna sa batis na nasa kalagitnaan at naroon din ang mahabang tulay."Ano ang naghihintay sa kanya?At sino ang haharapin niya rito?Makalabas pa kaya siya ng buhay?Para kasing nabasa na niya ito sa mga babasahing kababalaghan.Hindi kaya siya naeengkanto!?" Pagkatapos nilang makatawid ay iginiya siya ng lalaking tila katiwala upang pumasok na sa loob. Kung namangha siya sa labas ay lalo na sa loob.Ngayon lang siya nakakita ng Manor sa tanang buhay niya at wala siyang kaide-ideya kung ano ang hitsura nito sa loob."Sino ang nakatira rito?" "Dumating kana pala iha?" Nanlaki ang mga mata ni Berta sa natuklasan.Ang ama ni Drako!Naka tungkod ito at medyo tumanda na ngunit ang awtoridad ay hindi nawawala.Ang huli niyang balita rito ay nagresign naraw ito dahil sa sakit bukod doon ay wala na siyang iba pang balita. "Magandang umaga po!H-Hindi ko nga rin po alam kung bakit ako narito at kung ano po ang dahilan ng ating muling pagkakaharap?"Alanganin ang ngiti ni Roberta. "Bukas o mamaya rin ay malalaman mo iha ang dahilan ng lahat.Habang hinihintay natin ang lahat ay hayaan mong samahan ka sa iyong tutuluyan upang makapagpahinga narin.Kung gusto mo namang mag lakad lakad ay sabihin mo lang sa isa sa mga katiwala ko.Mang Kulas,maari mo bang samahan ang dalaga sa kanyang silid." Nagsasalimbayan ang mga tanong ni Berta sa isip ngunit hindi niya talaga mahulaan kung bakit siya naririto at kung bakit siya ipinatawag ng tatay ni Drako.Inihatid siya ng katiwala sa isang silid na naroroon.At nakita niya ang malaking silid.Tila pang isang buong pamilya ang silid.Ngayon lang siya nakakita ng ganito at ang malala pa'y makaranas ng ganito.Mukhang sunod sunod naman yata ang swerte niya? Nakatulog si Berta sa pagod at sa sarap narin ng simoy sa paligid.Nag inat siya at tumayo upang hawiin ang malaking puting kurtina na tumatabon sa malaking bintana.Kay sarap magising sa ganitong kagandang tanawin.Nang... "Sabi ko na nga ba't narito kana." Napatigil sa pag hahawi ng isa pang panel ng kurtina si Berta at kahit na nakatalikod parin sa nagsalita ay kilalang kilala niya kung sino ang nagmamay ari ng baritonong boses na iyon.Dahan dahan siyang humarap. "Anong klaseng panloloko ang ginamit mo sa papa." Si Drako na galit na galit na nakatunghay sa gulat na gulat at gulong-gulong dalaga. "Paanong?Hindi ko nga ala-"Hindi pa man siya nakakatapos magsalita ng sigawan siya ni Drako. "Napakahusay mo talaga.I underestimated you back then.Hindi ko alam na masyado ng maliliit ang butas ng gamit mong lambat" Nakanganga parin si Roberta Mangalandakan sa mga pinagsasabi ng lalaki. from the author:akung like nyo po akong suportahan here's my gcash number 09998134482 under the name os Sarah U.Nny ammount will do. thank's! NOTE:To unlocked the next chap I need atleast 10"❤️" from this chapter.You can also leave a message. here.Thank's in advance!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD