Sabagay, talent niya ‘ata ang bagay na ‘yon. Magaling siyang magpanggap. Magaling siyang manlinlang. Magaling siyang maglaro ng isipan ng mga tao. “Matagal mo na ba siyang kasama?” tanong pa nito na parang wala talaga siyang alam tungkol sa akin. “Oo, halos limang taon na kaming magkasama rito.” Hindi ako mapalagay sa isiping nand’yan lang siya sa labas ng kusina. Hindi ko magawang kumalma lalo na at hanggang dito ay ramdam ko ang presensya niya at ang puso ko, ayaw nitong kumalma sa pagtibok nang mabilis. Ang lakas pa rin talaga ng epekto niya sa akin, kahit na anong tanggi o tago ko, hindi ako makapagsinungaling na wala na talaga, na hindi na ako apektado sa kaniya. Ang sabi ko ay okay na ako, ang akala ko rin ay maayos na pala ako pera sa muling pagkikita namin, parang bumalik ang

