KM52: MAN IN THE PAST

1137 Words

Hindi ako makapaniwala kung sino ang nakikita ng mga ko ngayon sa mismong harap ko. Nagtama ang aming mga mata at para bang nanlamig ang buong katawan ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nakatitig lang ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Walang gustong bumitaw sa pagtitigan naming dalawa, alam kong nabasa niya ang gulat sa aking mga mata habang nakatingin siya sa akin. Napalunok na lang ako. ‘Yong mga mata niya… napakalalim makatingin ng mga mata niya na para bang binabasa niya ang laman ng isip ko. Mas lalo pang nag-matured ang mukha niya at ang ilong niya ay nagmamalaking nakatingin sa akin, ang panga niya na mas lalo pang nahubog sa loob ng limang taon at ang mga labi niyang mapula nakatikom. Hindi ko alam na may i-improve pa pala ang mukha ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD