Napabuntonghininga ako. “Oh? Grabe naman ang salubong mo sa akin, parang pagod ka kaagad na kausap ako, ano’ng problema? May nangyari ba riyan?” tanong pa nito. “Hindi naman, wala pa namang nangyayari rito,” tugon ko. “Wala pa? Ibig sabihin ay may mangyayari talaga?” Tumango ako na para bang nasa harap ko lang ang kausap ko. “May nabalitaan kasi kami ni Nanay Elena na may bibili ng lupa kung saan nakatayo ‘yong tinitirahan namin ngayon. Hindi naman ipinagbibili ‘yon pero may mayaman daw na negosyante na bibili non,” k’wento ko rito. Sa pagkakaalala ko ay ro’n na nakatira si Nanay Elena kahit na nagtatrabaho pa man siya kina Ume kaya alam na rin niya ang history ng buhay ng matanda. “Tha f*ck?” gulat na tanong nito sa akin. “Imposibleng ibenta ni Nanay Elena ang lupa na ‘yan dahil month

