Sinabi na namin ang order namin at dahil kakaunti lang ang tao sa nasabing restaurant, saglit lang kaming naghintay ta dumating na ang in-order naming pagkain. “Thank you,” ani Mike sa waiter na nagdala ng mga pagkain namin. “‘Eto, kain ka na.” Inilagay ni Mike sa harap ko ang in-order kong pagkain. “Salamat,” sabi ko at nagsimula nang kumain. Masarap ang mga pagkain na sine-serve nila rito, sulit na sulit, pakiramdam ko ay nalulugi sila dahil ang mura ng mga pricing nila. O baka naman nasanay lang ako sa restaurant na kinakainan namin noon? Kaunting pagkain, libo na agad ang halaga. Isang basong inumin ang mahal-mahal na. Isang kainan lang ilang libo o minsan ay daang libo pa ang gagastusin. Napatulala na lang ako dahil sa pumasok sa isip ko. Kung dati ay sa mamahalin ako kumakain,

