KM43: NEW LIFE

1047 Words

After 5 years… Pagmulat palang ng mga mata ko ay awtomatiko nang ngumiti ang mga labi ko. Nag-inat ako at bumangon mula sa kinahihigaan ko. Lumapit ako sa bintana at binuksan ‘to, pagbukas ko palang ay sumalubong na sa akin ang sariwa at malamig na hangin. Napapikit na lang ako at napangiti. “Good morning, Sandra,” bulong ko sa sarili ko at nakangiting tinanaw ang berdeng tanawin, makapal pa ang hamog kaya namna hindi ko pa nakikita ang pagsikat ng araw. Panibagong araw na naman, kailangan ko ng maghanda dahil maghahanda pa kami ni Nanay Elena ng mga paninda niya na dadalhin namin sa palengke. Kumuha ako ng damit na susuotin ko bago pumasok sa banyo upang maligo. Ganito na ang pang-araw-araw na routine ko, gigising, maliligo, at saka pupunta sa bahay nina Nanay Elena para tulungan si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD