“How about this one? We should buy this, dapat dalawa kasi dalawa ang baby natin.” Naglagay ng dalawang baby bottle si David sa cart na tinutulak namin. “Dapat dalawa rin nito, ito pa, at saka ito, at ito, at pati it—” “David,” tawag ko sa lalaki. “‘Wag muna masyadong madami ang bilhin natin na mga gamit, hindi pa naman natin alam ang gender nila,” sabi ko. “Isa pa, matagal pa naman akong manganganak kaya baka maluma ‘yan sa taguan. “No, okay lang ‘yan, puro white na lang ang bibilhin natin para kahit anong gender ng babies mo ay magagamit nila pareho ‘to,” sabik na sagot niya sa akin at muling naglagay nang naglagay ng gamit sa cart. Mukhang hindi ko talaga siya mapipigilan. Napabuntonghininga na lang ako bago sumabay sa kaniya sa paglalakad. Matapos namin malaman na kambal ang anak k

