MARIO’s POV Isang malakas na hampas ang ginawa ko sa manibela ko nang maalala ko na naman ang scenario na nakita ko sa loob ng baby store. Nag-iinit ang ulo ko at kumukulo ang dugo ko sa tuwing naaalala ko ang nakita ko. Nag-iikot lang naman ako sa loob ng mall dahil naghahanap ako ng jewelry store nang mapadaan ako sa store na ‘yon, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at naisipan kong pumasok doon. Wala naman akong kailangan bilhin doon pero mga paa ko na mismo ang nagdala sa akin papasok doon. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko ro’n, naglilibot-libot ako at nagtitingin-tingin sa paligid nang mapadpad ako sa isang bahagi ng baby store. Natigilan ako nang makita ko sina David at Sandra, masayang nag-uusap, nakaluhod si David sa harap niya habang nakangiting hinahalikan

