“Hindi man ngayon pero sana ay mapatawad mo ako, hindi ako mapapanatag hangga’t alam kong may tao na galit sa akin, ayaw kong magsama kami ni Sandra na hindi buo ang loob niyo.” Tumingin ako kay Ume. Sa mga mata niya. Alam ko na binaba ko na ang pride ko pero para sa babaeng mahal ko, para makuha ko siyaa ulit, gagawin ko ang lahat. “Kaya sana Ume ay hayaan mo akong bumawi kay Sandra, hindi ko maitatama ang mga pagkakamali na nagawa ko pero sana ay hayaan mo akong gawin ang mga dapat kong ginawa kay Sandra noon—” “Nurse Ume! Nurse Ume!” Napahinto ako sa pagsasalita nang isang Nurse ang nagmamadaling lumapit sa amin. “Nurse, may pasyente pong dalawa si Nurse David. Babae po, siya po ‘yong kasama niya kaninang nagpunta rito sa hospital—” Hindi na natapos pa ng Nurse ang sinasabi nito nang

