PARANG hindi pa rin makapaniwala si Eldritch sa lahat ng nangyari kagabi. Everything just felt like a dream. From Kali's confession to the kisses they shared, every single thing about last night just felt surreal.
Bumangon siya sa kama't ihinilamos ang mga palad sa kanyang mukha. He and Kali stayed at the beach for another hour after their first kiss. They talked about stuff like how it all started, what are they going to do now, and how are they going to keep their relationship to themselves.
Not that they are ashamed of what they have. Siya mismo ang nakiusap kay Kali na itago na muna ang kung anong mayroon sila dahil ayaw niya namang biglain ang pamilya nito. Kali was known for being straight. Baka mabigla ang pamilya nito.
Isa pa ay may parte ng puso niyang natatakot na malaman ng daddy niya ang tungkol sa tunay niyang kasarian. Yes, he's disappointed with his dad because of what happened yesterday, but the inner child in him is still terrified of that man.
Napaangat siya ng ulo nang bumukas ang pinto. Kali stood by the door with his tousled hair and still sleepy eyes. Nang magkatitigan sila ay sumandal ito sa door frame saka ito ngumisi.
"Anything you wanna share about last night? Wala akong gaanong maalala," ani Kali.
Parang tumigil ang t***k ng puso ni Eldritch. Anong sabi nito? Hindi nito natatandaan ang mga nangyari kagabi?
There was a complete silence between them for a good ten seconds before Kali burst into laughter. Lumakad ito palapit sa kama, gumapang patungo sa kanya, at walang ano-anong hinalikan ang mga labi niya.
"I was just teasing you, baby." Kali's lips curved for a smirk when their lips parted. His expressive obsidian eyes seemed to mirror the joy he has in his heart. "Good morning."
Nalunok ni Eldritch ang sarili niyang laway. "G-Good morning." Bahagya niya itong itinulak palayo. "I haven't brushed yet. Get out of the room, Kali."
Tinaasan siya nito ng kilay. "Mukha bang bad breath ka? Halikan pa kita diyan maghapon."
Good heavens, this side of Kali is something he didn't anticipate. Wala siyang masagot kaya siya na itong lumayas sa kama at nagtungo sa banyo para mag-toothbrush. Bumuntot naman ito sa kanya. Sumandal pa sa pinto at itiniklop ang mga braso habang pinagmamasdan siya mula sa repleksyon ng salamin.
Eldritch tried to focus on what he was doing. Tahimik lang naman itong nanonood sa kanya. Nang matapos siyang maghilamos ay saka lang din nito binasag ang katahimikanng bumabalot sa kanila.
"I realized it now."
Eldritch glanced at Kali's reflection in the mirror. "Realized what?"
"Why I find you attractive, and why I bragged about you to Barren when I first met him." Kali sighed. "You made me gay . . . and I don't regret losing interest on pretty faces if it means I get to look at you everyday."
Namula ang pisngi ni Eldritch. God, he knows one of Kali's love languages is words of affirmation, but this is on another level. Parang may mga insekto sa tiyan niyang gustong lumabas sa kanyang bibig upang mahalikan ito sa pisngi.
Humugot siya ng hininga saka nag-isip ng maibibiro rito. "Malay mo this is just a phase."
"A phase, huh?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Kapag 'tong phase na 'to hindi nawala pagkalipas ng ilang buwan, ibabahay na kita."
Eldritch shook his head. "Ibang klase ka pala tamaan."
Umismid ito. "I came from a Ducani lineage, Eldritch. We only know the all-in kind of love."
Iniligpit ni Eldritch ang mga ginamit niya saka niya ito nilapitan. He then tapped Kali's chest then smiled. "Tara na sa baba. Let's make breakfast. Tingnan natin kung pareho pa rin feelings mo kapag busog ka na."
Kali groaned. "Baby . . ."
Diyos ko, ginamitan na nga siya ng endearment. Nauna na tuloy siyang naglakad palabas ng kwarto sa takot na makita nito ang naging pamumula ng pisngi niya.
As if Kali could sense that he's still not used to everything Kali was doing and saying, Kali sat on a stool and didn't bother him while he was making them breakfast. Nag-oobserba lamang ito habang tila may malalim na iniisip. Nang makaupo siya para sabayan itong kumain ay saka lang nito binasag ang katahimikan nila.
"I'm sorry, E."
Napalingon siya rito. "Sorry saan?"
Kali grabbed the plate of garlic rice to put some on Eldritch's plate. "I forgot that you're still adjusting. I forgot that this kind of sweetness wasn't a normal thing for you while growing up." Tinitigan siya nito sa mga mata. "I'll take it slowly so you wouldn't get overwhelmed."
Tila may mainit na palad na humaplos sa puso ni Eldritch. Bigla niyang naintindihan kung ano ang nangyayari. Tama ito. Hindi siya nasanay sa klase ng lambing na ipinakikita nito dahil hindi niya naman iyon nakita habang lumalaki siya. Hindi gaya ni Kali na mukhang araw-araw nakikita ang ganoon.
Expressing love and being sweet were normal to Kali's system that's why Kali is acting that way towards him without hesitation. Habang siya ay nakararamdam ng pagkailang hindi dahil bago lang sila kun'di dahil hindi pamilyar ang sistema niya sa mga bagay na ipinakikita at ipinararamdam nito.
A part of him felt sad with the fact that Kali might need to have a lot of patience for him. Nakalulungkot isiping hindi sila pareho ng kinagisnan kaya hindi sila kaagad nagtutugma, ngunit ayaw niyang ang differences ng childhood nila ang sumira sa kung ano mang namamagitan sa kanila ngayon. Yes, there is fear lingering in his heart because of their relationship, but he'd rather feel that fear than lose what they have.
Ngumiti si Eldritch. He inhaled a sharp breath and then placed his hand on Kali's thigh. "Please be a little patient with me. I'd like to get used to all of it."
Umaliwalas ang mukha ni Kali. "Don't be scared to tell me if something is overwhelming you. Kung tingin mo ay kailangan kong magdahan-dahan, I'll adjust so you wouldn't run away." Inilapag nito ang plato ng sinangag saka nito hinagod ang likod niya. "We got this, E."
He sighed. "Buti na lang psychology graduate boyfriend ko."
Kali's eyes glistened with joy. Ang mga labi ay hindi rin nito napigilan sa pagkurba. "Say that again, Engr. Leondez."
Eldritch smirked. "Sabi ko buti na lang psychology graduate boyfriend ko."
Kali scoffed. Maya-maya ay hinawakan siya nito sa batok at bahagyang hinatak para mahalikan sa mga labi. Eldritch answered the kiss with all his heart. Sumara pa ang kanilang mga mata habang hinahalikan ang isa't isa. It was like they're getting addicted to each other's lips. Tipong hindi sana sila titigil sa pagpapapak sa mga labi ng isa't isa kung hindi nila narinig ang mga yapak na patungo sa kusina.
"Anya ngay, Ser? Nalasing ba kayo kagabi?" tanong ni Mang Jo habang inilalagay sa sink ang malaking isda na mukhang bagong huli.
Kali prevented his grin. "Oho, Mang Jo. Lasing na lasing." He leaned towards Eldritch and whispered while the caretaker was facing his back on them. "Lasing sa halik . . ."
"Gano'n ba, Ser? Naku, mabuti nakaakyat pa kayo kagabi. Ay tumaas pa naman ang tubig. Baka kung sa tabing-dagat kayo natulog ay awanen. Naanod siguro kayo."
"Kinaya pa namang umakyat kagabi, Mang Jo kahit na may nalunod." Kali ran his palm on Eldritch's thigh before he whispered. "Nalunod sa pagmamahal . . ."
Napailing na lamang si Eldritch. Mukhang mas may ilalandi pa pala si Kali kumpara sa lebel ng kalandian nitong nasaksihan niya . . .