Kabanata 22

1645 Words
ELDRITCH immediately grabbed his stuff after receiving a chat from Kali. Lumabas siya ng kanyang apartment at nagmamadaling pumasok sa shotgun seat. Nang makaupo ay nginitian siya nito saka ito may inabot na bouquet ng red roses mula sa passenger seat. Sandaling tinitigan ni Eldritch ang mga bulaklak bago niya iyon tinanggap. "You didn't have to, baby." Kali smirked before he leaned to kiss him on his lips. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay saka ito sumagot sa malambing na tinig. "But I want to." Nagpasalamat na lamang si Eldritch. He waited for Kali to start driving before he sniffed the flowers. Masarap pala talaga sa pakiramdam kahit na lalake pa rin siya. Probably because he loves the person who gave him flowers. Hindi gaya noong si Barren ang nagbigay. Speaking of Barren, dinukot niya ang kanyang phone sa bulsa nang maramdaman ang pag-vibrate noon. Barren sent him a good morning chat with a heart emoji. Napakabilis naman ng mga mata ng boyfriend niya. Sumimangot kaagad ito na tila nagseselos. "Maybe we should tell him to stop, you know? Save him from a bigger heartbreak?" suhestyon nito. "Ako na lang ang makikipag-usap." He sighed. "Focus muna tayo sa project. Pupunta raw si Sir Kahel ngayon sa opisina dahil may ilan siyang request. Nag-chat si Isa kanina." "Yeah. My brother just finished watching Spongebob. Maybe he'd ask for a complete accuracy." He shook his head. "Good luck sa architects. Basta 'yong structure lang ang sa'min ng team ko doon." They talked about the projects and some other things while they were on their way to the office. Dahil madalas naman talaga silang magkasama ay hindi nagsuspetya ang mga kasamahan nila nang sabay silang pumasok ng conference room. Iniwan din ni Eldritch ang mga bulaklak sa sasakyan. Balak na lamang iyong kunin mamaya kapag naihatid siya ni Kali sa apartment niya. "Good morning, Sir," bati ng mga tauhan kay Kali. "Si kuya?" tanong niya. "On the way na po." Tumango si Kali saka ito nakipag-usap sa iba pang tauhan. Meanwhile, Eldritch was approached by one of the newest female engineers in their department. She greeted him while adjusting the frame of her glasses. Tila nais makipagkaibigan palibhasa ay bago lang. The girl was pretty with dimples showing whenever she smiles. Mahinhin din kung magsalita o kung tumawa ngunit magaling magdala ng usapan. Nadala nga nito si Eldritch sa kwentuhan kaya halos hindi niya na napansing kanina pa sila binabato ni Kali ng tingin. Lumapit sa kanya ang isa sa mga kasamahan nila. "Kanina pa masama ang tingin ni Sir Kali. Type niya yata 'yong bago nating chics sa department," sabi nito. Eldritch pursed his lips and then glanced at his boyfriend. Nakasimangot nga ito habang sinusundan ng tingin ang babaeng inhinyero na ngayon ay patungo sa kanilang coffee corner. Maya-maya ay ibinalik nito ang tingin sa kanya saka siya tinaasan ng kilay. Nagpigil naman ng ngisi si Eldritch. Pinanatili niya rin ang tingin kay Kali nang sagutin niya ang kasamahan nila. "Baka nga ho. Alam ko pa naman ang mga tipo ni Sir Kali," he said that made Kali's eyes squint a little. Gosh, he didn't know it would be fun teasing his boyfriend. Alam naman niyang hindi ito mapipikon pero nakaaaliw pa ring makita ang reaksyon nito. "Naku, matinik pa naman sa babae 'yang si Sir Kali kaya sandamakmak ang nagkakandarapa diyan sa department," anang kasamahan nila. "Talaga ho? Noong wala pa ako sa department, may mga naging chics ba si Sir na nagtatrabaho sa department natin?" usyoso niya. As if Kali didn't want him nosing about his flirting records, Kali immediately excused himself from the other employees then rushed towards him. Tumikhim pa ito bago tiningnan ang kausap niyang inhinyero. "Engr. Recto, pahiram muna si Engr. Leondez." "Sige ho, Sir." Inakbayan siya ni Kali saka siya idinala kunwari sa labas ng conference room. Luminga-linga pa ito bago ito nagpamulsa ng mga palad. "She likes you," ani Kali nang masigurong wala nang makaririnig sa kanila. Ngumisi si Eldritch. "At marami raw patay na patay sa'yo sa opisina, Sir kahit noong bago pa ako nakapasok," biro niya. Kali grunted. "Baby . . ." "I'm just teasing you." He smiled. "You don't have to look at Jianne that way. You know I'm not interested in women." "Can't help it." Kali ran his fingers onto his own locks. "I've got a hot engineer for a boyfriend." Pabiro niya itong inirapan. Maya-maya ay natanaw niya ang pagdating ng kapatid nito. Kali turned to look at his brother. Nagtanguan ang magkapatid bago siya nito niyaya nang pumasok sa loob ng conference room. Their meeting started. Kali leaned on the glass wall while his brother stood in the front, asking for his demands regarding the Krusty Krab project. Mukhang handa talaga nitong gastusan nang husto ang kaarawan ni Noa. Natutuwa naman siya dahil nararamdaman niyang mahal nito ang pamangkin niya. "I need it to look exactly like the Krusty Krab. Every detail has to be just like the one in the cartoon. Got it?" ani Kahel dahilan upang magkatinginan ang mga arkitekto. Napapailing naman si Eldritch. Sa itsura pa lamang ng mga arkitekto ay alam na niyang mahihirapan ang mga ito. Nagtaas ng pen ang isa sa mga arkitekto. "But, Sir we don't have that much time to build an entire restaurant." "Don't we?" Kahel asked. Nagtaas pa ito ng kilay na tila hindi ito papayag na hindi nito mabigay ang gusto ni Noa. Pasimpleng nilingon ni Eldritch si Kali habang nakasandal pa rin ito sa glass wall. Nakatiklop din ang mga braso nito sa tapat ng hulmadong dibdib. Ang mga labi ay nakakurba na tila alam nitong pareho sila ng naiisip tungkol kay Kahel. The whole room went silent until Kali finally broke it. He drew in a sharp breath and then rested his palms on the long table. Maya-maya ay tumingin ito sa kanya. "Eldritch? Any thoughts?" Mangani-ngani niya itong sapukin! Why him? Ang dami nila roon! Nagtitigan silang dalawa na tila nag-uusap sa kanilang mga mata. Maya-maya ay tinaasan siya ng kilay ni Kali. It was as if Kali knew he could really come up with an idea for the problem. Napakurap si Eldritch. Kali isn't putting him on a hot seat. He's just that confident about Eldritch's skills and ability . . . Eldritch sighed. Mamaya sa kanya ang Ducani na ito . . . "Actually, it really is p-possible, Sir," he said while keeping his gaze on Kali. His boyfriend grinned. "Now we're talking," Kali said as if he knew the meeting was about to be more interesting. Walang ibang choice si Eldritch kun'di ang tumayo at magpunta sa harap. He started explaining his idea to the team. The architects argued with him about his idea while Kali just kept his gaze on Eldritch the entire time. Tila ba ganoon kalaki ang tiwala nitong kaya niyang ipaglaban ang ideya niya sa mga arkitekto. Somehow, Kali's way of looking at him with so much faith fueled his confidence. Nagawa niyang makipagpalitan ng sagot sa mga arkitekto kahit walang tumutulong sa kanya. "It's not about making it look elegant. I've seen that show a hundred times while I'm babysitting Noa. Krusty Krab isn't built to portray class. It's the happiest place for tummies in Bikini Bottom, and my nephew wants nothing but to see people happy while he's happy," may paninindigan niyang sabi. Kali made a slow clap. "Point is finally made, people. That's our mic drop moment." Nilingon niya si Kali, ngunit ang magaling niyang nobyo, kumindat pa talaga sa kanya! Talaga naman, oo. Hindi na siya magugulat kung isang araw ay ito na mismo ang magkakalat ng katotohanan tungkol sa kanila. Eldritch ended up leading the entire project. Hindi na lamang ang pagtayo ng frame ang naging proyekto niya. Pati na rin ang lahat ng detalye kasama na ang interior. Masayang-masaya naman para sa kanya si Kali kaya nang natapos ang shift niya ay niyaya siya nitong mag-celebrate. "Sa bahay na lang. Let's just watch something and eat home-cooked meals," suhestyon niya. "I like that," Kali said before he started driving. Nagkakwentuhan pa sila habang nasa daan, ngunit nang makarating sa harap ng apartment niya ay nakatanggap ito ng tawag. Kali answered the call while they were still in the car. "Astra-" Kumunot ang noo nito. "What's going on? Where are you?" Nagsalubong ang mga kilay ni Eldritch. Sino ba iyon at parang concern na concern si Kali? Kali sighed. Maya-maya ay tumingin ito sa kanya na tila nahihirapan itong magdesisyon. Kali then sighed before he shut his eyes. "Okay. Wait for me then. Huwag kang aalis diyan." Pinatay nito ang tawag saka nito hinawakan ang kamay niya. Tila ba ngayon pa lang ay nanghihingi na ng tawad. "Mauna ka na sa loob. Pupuntahan ko lang si Astra sa club. She's kind of in trouble." "She?" tanong niya. Kali held his hand and then kissed the back of it. "You don't have to worry about her, I promise." Tumango na lamang si Eldritch. "Sige. Mag-iingat ka." Humalik sa kanya si Kali bago siya tuluyang bumaba. Nakalimutan niya ring kunin ang mga bulaklak sa passenger seat. Naalala lamang niya noong nakaalis na ito at nasa loob na siya ng apartment. Eldritch sat on the couch and sighed. Ayaw niyang mag-overthink ngunit tila may nagsasabi sa kanya na hindi lamang basta kaibigan kay Kali ang babaeng pinuntahan nito. Ewan ba niya kung anong pumasok sa kokote niya at ini-stalk niya ang account ni Kali. He ended up looking at his old profile pictures until he saw one with Kali getting kissed on the cheek by a woman. Naka-tag sa larawan ang babae, at nang makita ni Eldritch ang pangalan ay parang may sumuntok sa dibdib niya. Her name is Astra . . . at Astra rin ang pangalan ng babaeng pinuntahan ngayon ng boyfriend niya . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD