Ang Hindi Inaasahang Pangyayari (spg)
Samantha pov
Hi, ako nga pala si Samantha Olivarez, 17 yrs old, mabait, masunurin, medyo maganda na din hehehe
Hindi ko na pahahabain pa ang pagpapakilala ko......
Kararating lang namin dito sa Manila kahapon kaya eto mukang bangag na bangag parin dahil sa biyahe mahina kasi ang katawan ko sa tuwing nagbibiyahe, hindi ko din alam kaya sa tuwing nagbibiyahe ako palagi akong may dalang plastik at vix dahil alam kong buhay ako pag dala ko sila hahaha
Kasama ko nga palang lumuwas ang lola ko, kasi hindi din ako papayag na maiiwan sya sa probinsya na kasama ang mga pinsan ko, mga lalaki pa naman sila at alam kong hindi nila maasikaso ang lola namin kaya pinili ko talaga na sumama sya kahit ayaw nya.
Nandito ako ngayon sa kwarto namin ng tatlong magkakapatid, tanghali na kaya mag isa nalang akong nakahiga dito, wala na din si lola siguro nasa baba na sya kasi maaga talagang magising yun.
" Samantha! Gumising kana dyan at kumain dito baka malipasan ka ng gutom! " tawag sakin ng mama ko.
" Opo ma pababa na po " sagot ko
Pagbaba ko nakita ko na lahat sila ay nasa hapag na kaya umupo na din ako.
" Anak kamusta ka naman? ok kana ba? nahihilo kapa ba?" tanong ni mama sakin.
" Ok na po ako ma, medyo nahihilo lang po ako " sagot ko.
" Magpahinga kana lang ngayong araw, dahil bukas pupunta tayo sa school na pinagtatrabahuhan ko para maitransfer na agad kita " sabi ulit nya
Natuwa naman ako sa narinig ko kaya tumango naman ako bilang pagtugon at may ngiti saking mga mata ...
Pag katapos naming kumain umakyat na ako sa kwarto at nagpahinga....
KINABUKASAN....
" Samantha apo gising na, diba ngayon kayo pupunta ng mama mo sa school para maitransfer kana nya agad " rinig kong gising sakin ni lola.
" opo lola pero maaga pa po, maya maya nalang po ako mag iintindi " sagot ko
" naku apo tumayo kana dyan, mas mabuti pang maaga ka mag asikaso para di ka nagmamadali " sabi nya ulit
" sige po lola tatayo na po " sagot ko ulit. Hay... ang aga naman masyado manggising ni lola pero wala na ako magagawa ganun talaga palagi nyang sinasabi mas mabuti nalang daw na maagang magising kesa naman sa saktong oras ang gising tapos nagmamadali naman.
Pagbaba ko nakita kong gising nadin pala si mama at nag iintindi na din.
" anak, magready kana kasi maya maya aalis na tayo kasi kailangan ko na pumasok ng maaga ngayon kasi kailangan maaga kami nagtatime in sa attendance namin " sabi ni mama sakin
" sige po ma, mabilis lang naman po ako mag intindi " sagot ko.
Nga pala di ko nasabi sa inyo, teacher si mama sa elementary sa school na paglilipatan ko. Sabi ni mama magkasama daw ang elem at highschool sa school na paglilipatan ko at palagi daw kami makakapagsabay paglunch.
ilang minuto lang tapos na kami mag intindi at umalis na, Nakamotor nga pala kami kahit walking distance lang yung school dito sa bahay....
SA SCHOOL....
" samantha, iiwan na kita dito sa room mo ha, wag kang masyadong kabahan mabait naman magiging adviser mo kasi kaibigan ko yun " sabi ni mama sabay ngiti
" opo ma " sagot ko sabay ngiti
Alam ko nagtataka kayo bakit pati hanggang room sinasamahan pa ako ng mama ko, sa totoo nyan mahiyain talaga ako at ngayon palang kinakabahan na ako kung paano magpapakilala sa harapan mamaya.
ilang minuto lang, may nakikita na ako na pumapasok sa room at napapatingin sakin, syempre sino ba naman di mapapatingin sa simple kong pananamit at itsura....
hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa dumating ang adviser namin. Pagtingin nya sakin ay nginitian nya ako at saka ngumiti din ako bilang pagbalik.
" Good Morning Class! " masayang bati ng aming guro
" Ngayon ay may bagong transfery tayo, anak sya ni Tr. Grace, at alam kong halos karamihan sa inyo ay kilala si Tr. Grace kaya naman papuntahin na natin ang kanyang anak sa unahan upang makapagpakilala " sabi nito habang nakangiti sakin
kahit sa sobrang mahiyain ako, wala parin akong nagawa kundi tumayo sa unahan at magpakilala. ayoko naman na mapahiya si mama dahil sakin.
" ahhmmm.... G---Good Morning sa inyo.. A---Ako nga pala si Samantha Olivarez. you can call me sam or sam-sam if you want. im 17yrs old. S--Sana maging magkaibigan tayo " nauutal na pagpapakilala ko sa unahan...
grabe sobrang kaba ko talaga. bumalik na ako sa upuan ko ng may maalala ako... lumingon akong muli sa kanan ko at napagtantong nakatingin parin sya sakin... Oo tama ang iniisip nyo, may isa akong classmate na kanina pa ako pinagtitingnan simula ng magpakilala ako sa unahan... at alam nyo ba... sobrang gwapo nya grabe piling ko crush ko na sya na love at first sight ata ako hahaha
pagtingin ko sa kanya, nakita kong ngumiti sya sakin..
(bakit naman nya ako ngingitian?) - pagtatakang tanong ko sa sarili ko at sabay tingin sa teacher kong nag sasalita na sa unahan.
hindi ko nalang sya pinansin at tinuun ko nalang ang sarili ko sa pakikinig... kahit napapansin ko na nakatingin parin sya sakin.
ano kayang iniisio ng lalaking yun? kung makatingin wagas.. hhhyyysssttt