"Mark Lester!"
"Mark Lester!"
"Mark Lester!"
Bumalik siya sa kasalukuyang pangyayari nung narinig na niyang sumisigaw ang mga kababaihan ng pangalan ng kinaiinisan niyang tao.
Kasalukuyang dinidribble nito ang bola at humahanap ng mapapasahan.
May sinignal ito sa kakampi. Sumugod ito sa loob ng court pero fake move lang pala yun.
Sumabay dito ang bumabantay pero nag-step back si Mark hanggang three point area at mabilis na binitiwan ang bola.
Pumasok ang bola sa ring.
Nag-signal ang referee ng three points.
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga taga-STU lalo na ng mga kababaihan.
Si Mark naman ay tumakbo sa kabilang court na nakataas ang isang kamay.
"O, di ba? Famous siya?" sabi ni Gabby.
"Hindi pa rin siya guwapo para sa'kin."
"Ayaw mong maniwala, ah. Tara girl sa harapan." hinila siya ni Gabby papunta sa harapan ng court para malapitang makita ang crush.
Nagitla siya sa suggestion nito. As much as possible ay ayaw niyang pumunta sa harapan dahil mas lalo siyang makikita ni Mark.
Pag nangyari yun ay mauulit na naman ang kamalasan sa buhay niya.
"Dito na lang Gabby. Kahit tignan ko pa yan sa malapitan di pa rin ako magkakagusto diyan." Hinila din niya ang kamay nito para pumirmi na lang sa pwesto nila.
Nasa pintuan palang sila ng gym. Ang daming tao sa loob at parang basketball conference or college competition na mismo ang pinapanood nila. Pero practice game lang ito between STU and Maze College.
Isa sa nagpadagdag ng mga tao ay ang galing ng line-up ng mga players ngayon. Marami ang may gustong masaksihan kung paano nila tatalunin ang ibang kuponan. Napapabalita kasi na malaki ang chance ng STU ngayon na makuha ang championship dahil magagaling ang mga players nila at isa na rito si Mark na three pointer ng kupunan.
"O sige na, Sam talo na ako. Hindi na siya pogi para sa iyo pero pagbigyan mo ako please? Gusto ko siyang makita sa malapitan."
"Dito na lang, Gabby.."
"Ang daya mo ikaw lang nakakakita kasi matangkad ka! Paano naman ako girl?" Parang bata itong nakanguso at nagdadabog.
Five feet and two inches lang kasi si Gabby at may katabaan. Kahit mataba ay maganda naman ito. Chinita ang beauty ni Gabby. Maputi ang kutis nito at makinis ang mukha.
"Kahit magdabog ka pa diyan. Hindi talaga pwede." Mariin naman niyang sinabi.
"Pag pumunta kami sa harap ng court, mas lalaki ang chance na makita niya 'ko."
Merong maliit na bahagi ng isip niya ang curious kung ano ang magiging reaction nito pag nakita siya. Aasarin ba siya nito katulad ng ginagawa nito dati?
Alam niyang marami ang nagbago sa kanya.
Shy-type siya noon pero ngayon makikita sa tindig niya ang confidence na wala noong kabataan niya.
May certain glow sa kutis niya na madalas na katangian ng mga celebrities. Kaya naman marami ang napapasecond look pag dumaan siya.
Simple lang siya manamit sa katunayan nakat-shirt lang siya ngayon at nakajeans pero di maikakailang mas lalong gumanda ang hubog ng katawan niya.
Pero kahit curious siya kung ano ang magiging reaction nito ay mas malaki pa rin ang porsyento na ayaw niyang magtagpo ulit ang landas nila.
Kaya naman kahit anong kulit ng kaibigan ay todo tanggi siya.
"Mamili ka bubuhatin mo ako para makita ko siya o pupunta tayo sa harap?" Seryoso nitong pahayag.
Pigil na gusto niyang matawa sa options nito lalo na dun sa parte na bubuhatin niya ito.
"Gabby, 'di talaga pwede! Ang dami ng tao. Baka magalit pa sa'tin ang mga yan pag sumingit tayo." Nakahanap din siya ng idadahilan dito.
"Ay basta!" Sapilitan siya nitong hinawakan papunta sa harapan. Wala na siyang nagawa kungdi ang sumunod dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Malakas din ito kaya madali siya nitong natangay papunta sa harap.
"Paano 'to? Anong gagawin ko?"
Nung malapit na sila sa harapan ay bigla namang may nagreklamo sa tabi niya.
"Ay ang galing maningit noh? Kainis lang?"
Halatang nabubuwisit ito sa kanila. Binangga pa siya nito kaya naman napaaray siya.
Tinignan niya ito at halos kasing-height lang niya. Hindi rin ito nakasuot ng uniform kaya di niya tuloy matukoy kung saan ito nag-aaral at kung ano ang team ang sinusuportahan nito.
Pinatulan naman ito ni Gabby. "E bakit sa'yo ba 'tong pwesto? May pangalan mo ba? Nasaan?"
"Gabby, tama na.. Wag mo ng patulan.." Pakiusap niya sa kaibigan niya. War freak kasi ito at walang inaatrasan.
Hindi ito takot kahit mas malaki ang makakabangga nito.
Ang palagi nitong sinasabi sa kanya ay "Pag may katwiran. Ipaglaban mo." Matabil ang mga dila nito kaya naman madalas silang napapaaway.
"E ito kasing katabi natin akala mo naman nabili na niya itong pwesto natin. Ano siya aso? Pag naihian na sa kanya na?" nakapamewang na si Gabby at naiinis na rin sa katabi.
Hinawi siya ni Gabby para tumabi sa babaeng nagrereklamo. Gumagana na naman ang dugo nito na makipag-away.
Pero maagap siya. Alam niyang pag di siya pumagitna ay di malayong sabunutan ito ni Gabby.
"Sinong aso?!" Narinig pala ng katabi nila ang sinabi nito. Ang taas ng boses nito na halatang di nagustuhan ang sinabi ni Gabby.
"Pag nagbeast mode na si Gabby mahihirapan na akong pigilan itong babaeng ito. Panigurado makakaagaw sila ng pansin sa mga tao lalo na kay Mark."
Magsasalita pa ulit sana ang kaibigan pero kinurot niya ito sa bilbil at pinanlakihan ng mata senyales para di na ito pumatol sa katabi.
"Tara na Gabby." Sabi niya dito at niyaya na ang kaibigan palabas ng gym.
Aktong pagtalikod niya nang marinig ang reklamo ng babae.
"At saan kayo pupunta? Sagutin niyo muna ako! Sino yung sinasabi niyong aso?!"
"Wag mo ng pansinin, Gabby," pinagpatuloy niya ang paglakad habang hawak-hawak sa braso ni Gabby.
"Papatulan ko talaga ito pag nagsalita pa," sabi ni Gabby.
"Wag na... Tara na!"
"Ay di pwedeng basta-basta lang kayong aalis," sabi ulit ng babae.
Hinablot nito ang damit niya sa likod at malakas na hinila.
Sa lakas ng pagkakahila nito ay nawalan siya ng balanse at napatapak paloob ng court. Paghulog niya sa sahig ay naunang bumagsak ang kanyang tuhod.
Di niya napigilan na mapahiyaw sa sobrang sakit.
Pinilit niyang tumayo ngunit sa sobrang tindi ng pagpalo ng tuhod niya sa sahig ay di niya maigalaw ang mga ito sa sakit.
Narinig pa niya ang pagpito ng referee senyales na ihinto muna ang laro ng dalawang kupunan.
Kahit di niya iangat ang mukha para tignan ang mga tao sa paligid ay ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya.
Narinig din niya ang mga yabag ng sapatos ng mga taong papunta sa direction niya.
Nung una ay marami ang tumatakbo pero huminto ito. Isang pares na lang ng mga sapatos ang narinig niyang papunta sa kanya.
Mayamaya pa ay may lumapit ito at lumuhod sa harap niya.
"Ok ka lang?" Tanong nito habang nakatungo siya. Maririnig ang concern nito sa malalim na boses.
"Pasensya.." Hihingi sana siya ng tawad dahil nahinto ang laro dahil sa kanya ngunit pag-angat niya ng mukha ay tumambad ang mukha ng lalakeng iniiwasan niya.
"Oh No! Bakit sa lahat ng lalapit sa akin ito pa?"
Napahinto ang paghinga niya dahil masyadong malapit ang mukha nito sa mukha niya.
Ewan ba niya pero biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
Napasinghap siya sa kagwapuhan nito.
Tama nga ang kaibigan. Guwapo ito lalo na sa malapitan.
Malamlam ang mata nito na halatang nag-aalala sa kanya. Ngayon niya lang napansin na mahaba pala ang pilik-mata nito. May hati na ngayon ang isa sa makapal na kilay nito na lalong nagpaastig sa itsura nito.
Para siyang nakakita ng Greek God sa tangos ng ilong nito at well defined na jawline. Mas lalong tumingkad ang pagkalalake nito kumpara noong bata pa sila.
Halatang maalaga ito sa katawan dahil kahit pawisan ay mabango pa rin ito.
Napasunod ang mga mata niya sa tumulong pawis sa mukha nito papunta sa leeg hanggang dibdib kaya naman di niya naiwasang makita ang naglalakihan nitong mga muscles na bumakat sa pawisang jersey nito.
"Sam..." Bulong nito sa kanya. "Ok ka lang? May masakit ba?"
"Oh no!"
Bigla siyang natauhan nang tawagin siya nito sa pangalan niya. Kaya naman bigla siyang napatayo.
Balak niya sanang tumakbo papalayo dito ngunit bumigay ang kanyang tuhod at nawalan ulit siya ng balanse.
Buti na lang ay maagap ang binata. Bago pa kasi siya mahulog ulit sa sahig ay agad na siyang nasalo nito.
Napakapit tuloy siya sa matigas na braso nito habang ito naman ay nakahawak sa likuran niya.
"Ang landi may payakap-yakap pa." Narinig niyang sambit ng babae na humatak sa damit niya.
Kakalas na sana siya sa pagkakakapit nang bigla siyang buhatin nito. Sa sobrang gulat niya napakapit siya ng mahigpit sa leeg nito na halatang ikinatuwa naman ng binata dahil sa paglabas ng dimples nito sa kaliwang pisngi.
Hindi niya inaasahan ang susunod na gagawin nito na mas lalong magpapatigil sa mundo niya.
Sa malakas na boses at sa harap ng maraming tao ay sinabi nito ang mga katagang. "Ako na bahala sa girlfriend ko. Dadalhin ko siya sa clinic ngayon."