Diane’s Point of View
“I see you made your bingwit na. How sad naman you bingwit Tristan,” I said sarcastically. Ginaya ko ang conyo tone ni Lara.
“Tsk, tsk, and here I thought you are already patay na,” Lara said sweetly. “Honey,” baling nito kay Tristan. “She’s the wicked step-sister that I was telling you.”
Nataas ang isang kilay ko. Ako pa ang wicked sa lagay na iyon.
“Ladies, forgive Diane. She grew up with our Trabajador. So sometimes she is maingay,” Lara said to my friends.
Hindi nakaligtas sa akin ang our trabahador. Kailan pa nasali sa circle of hacienda itong babae na ‘to?
Tumaas ang mga kilay ng mga kaibigan ko sa narinig. I saw Trisha typed on her phone and our phone beeped.
Trisha:
The nerve
Sam:
Sabunutan ko na ba?
Marie:
Paalisin niyo na.
“You are not invited here, so please, Tristan. Take your flavor of the month and leave,” I said. I saw Tristan's face hardened.
“Inggit ka pa rin sa akin, Diane. See you around, ladies. I have a feeling we will be good friends,” Lara replied.
Tristan left without saying a word even to Trisha. Hindi niya nga pinakilalang kapatid niya ‘to.
“That is your step-sister? She’s like a Disney step-sister that came to life,” Kaye commented. “I smell a gold digger,” Cheska said.
“You have to look at Tristan, Trish,” Sam warned. “Do I need to make tumba iyong step-sister?”
I snorted. “Hindi bagay sayo ang pabebe, Sam.”
“You need to go to Negros, D. If that is your step-sister, how worse your step-mother can be? Your Hacienda might be in great debt,” Marie said seriously. She has a point. I need to move.
“Do you want us to accompany you?” Kaye asked.
“Yeah, D. Pwede akong sumama sayo,” Lise suggested. I am so grateful with my friends. I really am.
“Ako na lang muna. Tingnan ko ang sitwasyon. Kung ano ang maisasalba.”
“D… If you need anything, just anything. huwag kang magdalawang isip na sabihin sa amin,” Trisha sincerely replied.
“Thanks, girls,” I replied. “Huwag niyo akong papalitan habang wala ako.”
“Juice colored. Kung iyong babaeng tikbalang lang naman na pinaparada ni Tristan, thank you very much na lang,” Marie replied that made us laugh.
Lumabas na naman ang pagiging kadugo ni Kyle dito kay Marie.
I called Tata Esteban before the plane took off. Naiyak pa sa tuwa si tata nang madinig ang boses ko. Sinundo nila ako sa airport ni Nana Rosing. Sila ang katiwala ko sa Hacienda Soledad. Si nana ang yaya ni mamá.
“Diana,” yakap sa akin ni Nana Rosing. Hindi na nasanay si nana na tawagin ako ng Diane, palaging Diana. Lagi ang buo kong pangalan.
“Bakit ngayon ka lang umuwi, hija?” tanong nito. Nagmano ako sa dalawang matanda at sumunod sa naka-park na kotse.
“Nana, may balita ba kayo sa kabila?” ang tinutukoy ko ang Hacienda Vicente. Tumango ang matandang babae.
“Kanino nakasanla?” tanong ko.
“Kay Mayor Salcedo,” wika nito.
Si Mayor ang batas sa bayan namin. Matagal na niyang gustong bilhin ang lupa ni lolo. Hindi lang pumayag si lolo. At ngayon, baka huli na ang lahat para sa akin.
“Magkano?” tanong ko.
“Hija, magpahinga ka muna,” sagot ni nana. Tahimik na nagmamaneho si tata.
“Magkano?” ulit ko. “Natalo sa sugal ang papá mo. Nasa 50 milyon anak. Lumalaki ang tubo. Ang balita, nasa 75 milyon na kasama ang tubo,” sagot ni nana.
Nasapo ko ang ulo ko. Bigla itong sumakit. Seventy-five million. Saan ako kukuha no’n? Magkano lang ang nasa account ko? Five million? Ang pamana ni lolo kahit isama, hindi pa rin aabot sa 75M.
“Samahan niyo ako bukas ng umaga sa munisipyo,” matatag na sagot ko.
Hindi na kumibo ang mga matanda.