Paalam
3rd Person POV
Pagkarating sa maynila ay hindi siya nagpahatid sa tinutuluyan niyang apartment, kundi sa dati niyang tinitirhan, ang bahay ng lola niya.
“Thank you po, lolo. Dito na lang po ako,” ang sabi niya.
“Sige hija pero hihintayin ka namin,” sabi ng matanda habang nakangiti.
“Naku, hindi na po—”
“Ikaw ay parte na ng pamilya kaya huwag kang mahihiya lalo na sa mga pangangailangan mo,” ang sabi nito.
Napakagat siya ng labi at nahihiyang tumango. “Salamat po,” wika niya.
Lumabas naman ang driver ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan.
“Salamat.”
Huminga siya nang malalim bago lumapit sa lumang gate. Parang bumalik lahat ng alaala — mga sigawan, iyakan, at pagod. Pero ngayon, wala na siyang luha.
Kumatok siya ng ilang beses. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto, at doon ay tumambad si Jessica.
“A–ate?” gulat na sabi ng kapatid niya.
Ngumiti siya, pilit man. “Good morning. Ang aga mong nagising ah. Si Mama?”
“P–pasok ka muna, Ate. Tatawagin ko lang sila—”
Ngunit bago pa makatalikod si Jessica ay agad niya itong pinigilan. “Hindi na. Pakibigay na lang ‘to.” Inabot niya ang isang makapal na sobre.
Tila nagtataka ng tinanggap ni Jessica iyon. “Ano ‘to?” tanong nito.
“Buksan mo.”
Pagkabukas ng sobre ay napasinghap si Jessica. Halos manginig ang kamay nito nang makita ang makapal na salapi sa loob.
“Pang–piyansa ‘yan ni tatay. Yung sobra, gamitin ninyo sa maliit na negosyo o kung anuman para sa ikakabuti niyo. Kasi, Jessica…” Napahinga siya nang malalim. “Hindi niyo na ako makikita ng madas.”
Nanlaki ang mga mata ng kapatid niya. “A–ate, huwag kang ganyan…”
Pero umiling siya. “Tama na, Jessica. Kailangan kong magpatuloy sa sarili kong buhay. Hindi ako pwedeng laging bumabalik dito.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya. Ngunit bago siya tuluyang makalayo, biglang naramdaman niya ang yakap mula sa likuran.
“Salamat, Ate,” mahina at nanginginig na sabi ni Jessica. “Pasensya ka na sa lahat.”
Hindi siya lumingon, ngunit dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ng kapatid.
“Magpakatatag ka, Jessica. Kapag nakapanganak ka, ipagpatuloy mo ‘yung pag-aaral mo. ‘Wag mong sayangin.”
Bitbit ang mabigat na damdamin, lumakad siya papunta sa sasakyan, pinagbakahan siya ng muli ng pintuan at pumasok siya sa loob at muli siyang lumingon sa bahay.
Doon niya nasilayan si Jessica na umiiyak habang nakatayo sa harapan ng pinto.
Parang may humapdi sa dibdib niya, pero pinilit niyang ngumiti at kumaway.
Pagkaandar ng sasakyan, dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata.
Pagbalik niya sa apartment ay agad siyang napaupo sa sofa. Tahimik. Wala ang ingay ng pamilya niya, wala ring kumakastigo sa kanya. Ngunit sa loob ng katahimikan, ramdam pa rin niya ang bigat ng lahat.
Kinuha niya ang telepono at binasa ang mga mensahe ng matandang lalaki
“Huwag mong kalimutan ang sinabi ko, hija. Kailangan mong mag-impake sa at mag-resign sa pinag-tratrabahuhan mo.”
.
Nag-reply siya at pinatay na rin ang cellphone.
Pagkatapos niyang magpadala ng mensahe, napahiga siya sa kama. Ang pagod at emosyon ay sabay na bumigat sa katawan niya.
Agad siyang nakatulog sa pagod at puyat..
Nagising siya ng hapon. Ang sarap ng masarap at mahaba na tulog. May panibagong simula na naghihintay.
Habang nag-aalmusal, muli siyang nakatanggap ng mensahe mula sa matandang lalaki.
“May pinapahatid akong pagkain diyan sa apartment mo. Huwag ka nang magluto.”
Napaawang labi nya, hindi inaasahan.
Makalipas ang ilang oras ay dumating nga ang isang kotse at ibinaba ang ilang supot ng pagkain. Nang bumukas ang pinto ng sasakyan, nagulat siya nang makita kung sino ang nagdala — si Greyson.
“Good morning,” bati nito.
“G–Greyson?” halos pautal niyang sabi.
“Bakit ikaw pa ang nagdala, ang akala ko—”
“Pinakausap ni Vicente,” sagot nito, diretso ang tingin sa kanya.”
Napangiti siya. “Maraming salamat, nag-abala pa talaga kayo.”
“Walang ano man, simula ngayon at parte ka na ng pamilya,” tugon ni Greyson
Tahimik siyang napatingin dito. Laging seryoso, laging maayos. Parang imposibleng may problema sa buhay. Samantalang siya — wasak pero pilit na nakatayo.
“Salamat,” mahina niyang sabi. “Naabala ka pa.”
Umiling si Greyson. “Walang amo man. Isa pa, gusto kong itanong, are you okay Katherine?” Natigilan siya sa tanong ni Greyson.
“Ayos lang ako,” wika niya habang pilit na ngumingiti.
Sandali itong tumitig sa kanya, saka marahang tumango. “Mukha namang totoo ‘yan,” sabi nito bago bahagyang ngumiti.
Pagkaalis ni Greyson ay napahawak siya sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong saya at kaba sa loob niya.
Muling bumalik sa isip niya ang sinabi ni Lolo Vicente kahapon:
“Parte ka na ng pamilya,” wala sa sariling sabi niya.
Napaisip siya. Hindi pa siya handang lumipat pero alam niyang hindi niya na rin kayang tumanggi.
“Siguro... unti-unti,” bulong niya. “Kapag kaya ko na.”
Kinagabihan, tumawag muli si Lolo Vicente.
“Kath, kumusta ka na hija?” tanong nito sa kabilang linya.
“Maayos naman po, Lolo. Salamat po sa pagkain.”
Napangiti ang matanda. “Ay oo, gusto kong masiguro na kakain ka. At isa pa, kailangan ni Greyson ng break. Seryoso masyado sa trabaho ‘yon.”
Napangiti siya. “Parang hindi po halata,”
“Subukan mong palapitin. Mabait ‘yang batang ‘yan,” sabi ng matanda. “At Kath…”
“Opo?”
“Kung kailangan mo nang maghanda ng gamit mo.”
Napahinga siya nang malalim at ngumiti kahit walang nakakita. “Opo.”
Pagkababa ng tawag ay tumingin siya sa labas ng bintana. Sa kabila ng mga nangyari, may liwanag pa rin — hindi man agad, pero alam niyang dahan-dahan na siyang gumagaling.
Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong katahimikan. At sa unang pagkakataon, naniniwala siya na kahit hindi pa siya handa, darating ang araw na makaka-adjust na siya — hindi lang ng tirahan, kundi ng buong direksyon ng buhay niya.
Nawa ay maka-sundo niya si Greyson, lalo na at magiging asawa niya ito. Sa isiping iyon ay namula bigla ang pisngi niya.