Chapter 11

1087 Words
Ang pagsuko at pangako 3rd Person POV “Miss Katherine.” Ilang ulit na tinawag ng matandang lalaki si Katherine habang mahinang tinatapik ang balikat nito. Hanggang sa naramdaman iyon ni Katherine, unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. “Nakatulog po pala ako,” mahina niyang sabi habang marahang inabot ang bag sa kandungan. Tumingin siya sa paligid at napansin na nasa tapat na pala sila ng mansyon. “Nandito na tayo, hija,” mahinahong sabi ng matandang lalaki. Noong bumaba na ang matandang lalaki ay dahan-dahan siyang bumaba sa sasakyan. Paglapag ng kanyang paa sa lupa ay tila biglang bumigat ang dibdib niya. Muli niyang naramdaman ang lamig ng paligid, ang katahimikan na may halong awtoridad—parang bawat hinga ay may kapalit. “Let’s go?” alok ng matanda. Tumango lang siya at sumunod dito, bitbit ang mabigat na damdamin. Habang naglalakad sila papasok sa loob ng mansyon, naroon bango ng mamahaling bulaklak sa bawat paso, ang mga kurtinang gawa sa makintab na seda, at ang liwanag ng mga chandelier na nakasisilaw sa ganda. Tahimik lang si Katherine. Pinipigilan niyang huminga ng malalim dahil sa kaba. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung tama bang bumalik siya rito—pero wala na rin naman siyang ibang pagpipilian. Pagdating nila sa malawak na sala, naroon si Doña Mercedes—nakaupo sa mahabang upuan, suot ang kulay pilak na damit, at hawak ang isang tasa ng tsaa. “Good evening po,” mahinang bati ni Katherine, halos hindi makatingin sa matanda. “Umupo ka,” wika ni Doña Mercedes, hindi man lang tumingin sa kanya. Sumunod naman si Katherine. Umupo siya sa gilid ng malapad na sofa, mahigpit na hawak ang strap ng kanyang bag na parang iyon lang ang makakapigil sa kanya sa pagtakbo. Sandaling katahimikan ang namayani. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding at ang mahinang tunog ng tsaa sa tasa ang maririnig. “Hindi mo na kailangang sabihin kung bakit ka narito,” biglang sabi ni Doña Mercedes. “Alam ko na.” Napakurap si Katherine. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magulat o matakot. “Tulungan mo ang pamilya mo, hindi ba? Gusto mong makabayad sa pang-piyansa ng iyong ama, at para sa iyong kapatid na sa batang edad ay buntis na?” Namilog ang mga mata ni Katherine. Paano nito nalaman ang lahat? Hindi pa nga siya nakapagsalita, pero tila lahat ng iniisip niya ay alam na ng matanda. “Wala ka nang kailangang sabihin,” dugtong pa ni Doña Mercedes. Sabay inabot ang isang sobre sa mesa. “Nandiyan ang halagang kakailanganin mo. Sapat na para makabayad sa mga utang, at makapagsimula muli.” Nakatingin lang si Katherine sa sobre. Hindi niya iyon inabot. “Ang kapalit?” mahina niyang tanong. Sa unang pagkakataon, tumingin sa kanya si Doña Mercedes. Diretso, at walang alinlangan. “Alam mo na ang gusto kong kapalit. Kasal,” tugon nito. “Kasal kay Greyson.” Napayuko si Katherine. Hindi siya agad nakasagot. “Hindi ko kailangan ng paliwanag. Hindi ko kailangan ng drama,” patuloy ni Doña Mercedes. “Kailangan ko lang ng kasiguraduhan. Greyson… he’s reckless, stubborn, and impulsive. Pero ikaw—ikaw ay matatag, marangal, at may prinsipyo. I need someone who can take care of him.” Tumingin si Katherine sa matanda. “Hindi ko po alam kung kaya ko iyon.” “Walang sinumang nakakaalam kung kaya nila, hija. Pero ginagawa nila dahil kailangan.” Muling bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Ang mga salita ni Doña Mercedes ay tumama sa kanya gaya ng malamig na hangin sa disyerto—tuyo, totoo, at walang lunas. Alam ni Katherine na mali ito, alam niyang hindi dapat siya pumayag. Ngunit sa isip niya, paulit-ulit na bumabalik ang imahe ng kanyang ina na may mukha ng puno ng galit at pagkadismaya, at si Jessica—ang kapatid niyang tila walang pakialam, ngunit siya pa rin ang kailangang tumulong. Lahat ng sakit, lahat ng pasakit na ininda niya sa pamilya—ngayon, narito siya, haharap sa isa pang sakripisyo. Tahimik siyang tumayo at lumapit sa mesa. Tiningnan niya ang sobre at dahan-dahan niya itong hinawakan. “Kung ito po ang kailangan para mapayapa sila.” Huminga siya nang malalim. “Pumapayag po ako.” Muling ngumiti si Doña Mercedes—isang ngiting hindi malaman kung may galak o pagmamataas. “Good choice,” wika nito. “I like women who know when to surrender for a greater cause.” Ngumiti si Katherine, ngunit sa loob niya ay tila may nabasag. Hindi ito ngiti ng kasiyahan, kundi ng pagsuko. “Bukas, magsisimula na ang mga kailangan para sa kasunduan,” sabi pa ni Doña Mercedes. “You’ll meet with our lawyer, and then Greyson. Hindi mo kailangang mag-alala, everything will be taken care of.” Tumango lang si Katherine. Habang nagsasalita pa ang matanda, unti-unti nang lumalabo sa pandinig ni Katherine ang mga salita. Tanging t***k ng kanyang puso ang naririnig niya, mabagal, mabigat, at tila humihingi ng tawad sa sarili dahil sa ginawa niyang desisyon. Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo siya at yumuko bilang paggalang. “Maraming salamat po,” mahinang sabi niya. Lumabas siya ng sala na parang nawalan ng lakas. Paglabas niya sa pinto, sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at ng dilim ng gabi. Paglapit ng matandang lalaki, agad nitong binuksan ang pinto ng sasakyan. “Tapos na kayo?” tanong nito. Tumango lang siya. “Tapos na po.” Pag-upo niya sa loob, dahan-dahan niyang hinawakan ang sobre. Muling bumalik sa isip niya ang lahat—ang sigaw ng kanyang ama, ang sampal ng kanyang ina, ang iyak ng kanyang sarili sa gabi. Ngayon, tahimik lang siya. Wala nang luha. Wala nang pagtutol. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang tunay siyang pagod—hindi lang sa katawan, kundi sa kaluluwa. Ngunit sa ilalim ng lahat ng iyon, isang pangako ang dahan-dahan niyang binuo sa isip niya. Ito na ang huli. Huli na itong sakripisyo ng gagawin ko para sa kanila. Pagkatapos nito, sariling problema niya naman ang aayusin niya. Tahimik siyang tumingin sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng mansyon na unti-unting naglalaho habang papalayo ang sasakyan. Sa likod ng katahimikan ng gabi, may isang pangungusap na paulit-ulit niyang binubulong sa sarili. “Hindi ko sila pababayaan. Pero hindi ko na rin hahayaan na tuluyan kong mawala ang sarili ko.” At sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon—naramdaman ni Katherine ang kakaibang kapayapaan. Mapait man, pero totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD