Hyancinth Vertozuela’s POV
· (pseudoname used by Saphire Ravens)
“Markle! Come on now son! Hurry up, mom will be late,” nasa may kitchen ako. Nasa taas pa kasi iyong anak ko. Hindi ko alam kung ano ginagawa, tapos ko na naman iyong inayusan. Mag-aalas otso na, malilate na ako neto sa trabaho. Bukas pa kasi dadating iyong maid na hinire ko . I mean, maid siya ni Markle. Minsan kasi nahuhuli na ako ng uwi sa trabaho, at walang ibang magsusundo kay Markle sa school. Minsan nga, naaawa na ako sa kaniya, tuwing oras kasi ng uwian, nagsasara na rin ang school kaya sa labas nalang siya mag-aantay sa akin. May mga araw na mauulanan siya kakahintay sa akin. At kapag nagkakasakit siya, hindi ko alam ang gagawin ko, nawawala ako sa sarili. Sa pagnatataranta na ako, agad agad ko siyang sinusugod sa ospital. At leats doon alam kong alam nila ang tamang gawin sa kaniya.
Kahit minsan nabibigatan ako masyado sa bill, hindi ko nalang inintindi. Hindi naman na kasi ako nahingi ng tulong kay dad, ayokong sermonan niya na naman ako. Ayoko kahit kailan na humingi ng tulong sa kaniya, kasi ibig sabihin noon, siya na ang magkocontrol ng buhay ko.
The last time na lumapit ako sa kaniya, gusto niya akong ipakasal kay Clint. Kaya naman, lumayas ako kasama ang anak ko. Since then, hindi na ako humingi ng tulong sa kaniya. Besides, hindi naman gaanong kababaan ang sweldo ko sa trabaho. I’m a managing director sa isang company. Malaki laki naman ang sweldo ko kaya nasusustentuhan na nito ang mga pangangailangan namin ng anak ko.
Gusto kong mamuhay ng payapa kasama ang anak ko. Ayoko na ng gulo kaya nga lumayo ako sa mga taong maaring magdulot noon sa akin at higit sa lahat, sa anak ko. Mahal na mahal ko ang ank ko, hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawawala siya sa akin. Siya lang ang tanging alaala ko sa magandang kahapon na naranasan ko. Having him with me is enough. All I want now is to give him a good life, and a good future.
“Mom! Have you seen my black roll neck jacket? That one you bought for me in Australia?” Markle looks at loss. That jacket became his favorite noong sabihin ko sa kaniya na the like of it ay paborito din ng dad niya. Naaawa ako sa anak ko, parang naiiyak siya pero alam kong pinipigilan niya lang ang mga luha niya.
He sits on the end of the stairs, nakatingin lang siya sa kawalan. He places his hands on his knees and sighs simultaneously. As what mothers will do, kahit ako naluluha na din. Agad akong lumapit sa kaniya. Ingat akong umakyat sa hagdan at noong nasa harap niya na ako, agad kong pinat ang ulo niya kaya naman, dahan dahan siyang napatingin sa akin.
I manage to smile, kahit deep inside me, nalulungkot akong makita ang anak kong nalulungkot. “Go. Ready your things, I will find it, okay?” sabi ko sa kaniya with hope na sana hindi masira ang araw niya dahil sa hindi niya mahanap ang fave jacket niya.
Mahinahon siyang tumayo at nagnod sa akin. Ginulo ko ang buhok niya noong pababa na siya sa hagdan. Napabuntontg-hininga nalang ako at nagpunta sa kwarto ni Markle. Minsan, iniisip ko’t tinatanong sa sarili ko. Gusto kaya ni Markle na makilala ang dad niya? Tinatanong ko ‘to kahit sa kaloob-looban ko, alam ko na ang sagot. Of course, my subconsciousness snaps me, sino bang bata ang hindi gugustuhing makilala ang magulang niya? Wala naman diba? Kaya lang, natatakot ako. All these years, hindi pa ako handang makaharap si Pervince after everything he has done. Ayoko muna, maybe some time, when the right time comes, at malaki na si Markle, saka ko na siya ipapakilala sa dad niya. It’s better this way, makakabuo kami ng buhay malayo sa kaniya. It’s much better this way, that’s what I think.
Binuksan ko na ang pinto sa kwarto ni Markle. Kaya lang, kahit gaano ko gustuhing kalimutan si Pervince, si Markle ang nagpapaalala sa akin sa kaniya. Like Pervince, Markle likes the combination of black and white as well. We painted his room in white because he chooses that. His furniture, frames and the like are black. Parang iyong mga nakastack na libro niya lang ang hindi itim at puti dito sa kwarto niya.
Markle Thyro Jayden is an orderly person. Malinis ang anak ko. Lahat ng mga bagay at gamit niya sa kwarto ay may kaniya kanyang pwesto. Lahat ng mga damit niya, maayos na nakatupi sa drawers niya. Ang bed niya, maayos ang bed mattress niya at nakalugay ito sa bawat gilid ng bedstead. He likes sleeping in white mattress and blanket. I think namana niya sa tatay niya ang pagiging maayos niya sa gamit.
Agad ko ng sinimulan ang paghahanap noong favorite jacket niya. Sa pagkakaalam ko, sa may drawer sa ilalim ng cabinet niya ko iyong nilagay . Kasama ko iyong tinupi with his Vernon long sleeve shirt. Hindi ko binibilhan ng mga mumurahing damit ang anak ko, as much as possible, mga designer’s shirt na pambata ang binibili ko sa kaniya. Ayokong one day, tutuksuhin siya ng mga kaklase niya dahil sa mumurahin lang ang mga damit niya. After all, paaralan ng mga maykaya sa buhay ko siya pinaaaral. Iyong bang mga anak ng may ari ng kompanya doon nag-aaral, pati iyong mga anak din ng mga may-ari ng malalaking businesses.
Kahit hindi kami mayaman, doon ko pa din pinaaral ang anak ko, kasi sa mga eskwelahan ng kagaya noon, mas standard and high-quality education ang napoprovide nila sa anak ko.
Pinagpatuloy ko lang ang paghahanap sa jacket ni Markle hanggang sa mahanap ko ito. Nakatupi lang pala ito’t nakasiksik sa isa niya pang jacket. Agad ko itong hinablot at sinara ko na ang drawer niya. agad akong lumabas sa kwarto niya at bumaba sa hagdan.
Nakaupo lang si Markle na nakatungo sa may hagdan. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi. Nilapag ko sa may hita niya ang jacket na paborito niya. Dahil dito, inangat niya ang ulo niya’t tinignan ako na nakangiti. Isang ngiti na halos gusto ko ng tumakbo para hanapin ang dad niya.
From his expression, it looks to me like he really wishes for his dad. Sinabi ko lang sa kaniya na ang mga klaseng damit na gusto at palaging sinusuot ng dad niya ay kagaya ng jacket na binili ko sa kaniya, kulang nalang, araw araw niya itong isuot.
Markle for his age, medyo nagtataka ako. He doesn’t act like a five-year-old kid. He acts like he’s a six- or seven-years old kid. He’s acting beyond his years. Responsible siyang bata and never ko siyang napagalitan o npagbuhatan ng kamay, and believe me, I won’t intend to do it.
He’s always calm, hindi ko siya minsan napansin na jolly or happy. I wonder if what is wrong. Minsan nababahala na din ako, baka may problema o baka may dinaramdam siya kaso hindi niya lang sinasabi sa akin. Tuwing tinatanong ko naman, nginingitian lang ako tas sasabihin niya he’s fine.
Isa din iyong sa mga rason kung bakit kumuha ako ng yaya niya. Para kahit wala ako, may makakabantay sa kaniya. May makakapansin sa kaniya at may mag-aalaga sa kaniya.
“Thanks mom,” masaya niyang sabi sabay suot sa jacket. Noong maisuot niya na ang jacket niya. Agad siyang tumayo at nagpunta sa kusina, nakita ko siyang naakyat sa bar stools sa may kitchen at inabot niya ang lunchbox niya. Pagkatapos, bumalik siya at isinabit ang slings ng bag niya sa balikat niya. Natutuwa ako na hindi ko na siya lage pang pagsasabihan ng mga dapat niyang gawin, nakainstill na iyong sa utak niya.
“Mom, let’s go,” he prompted me.
“Oh, right. I nearly forgot!” Nabigla naman ako noong sabihin niya iyong kaya napangiti siya. Ako na parang nataranta, agad kong hinablot ang shoulder bag ko at sinuot ang scarf ko. Nakapang-office na ako. inabot ni Markle ang kamay ko at siya na ang naghatak sa akin palabas. Hindi ko maiwasang mapangiti. Parang hindi ko na yata kayang antayin pa na lumaki na agad si Markle.
Nilock ko na ang pinto at patakbo kaming pumunta sa may bus stop. Unang dumaan ang taxi kaya naman, pinara na namin ito. Tama lang na magtaxi kami, para diretso ko ng mahahatid si Markle sa school niya. Agad kaming pumasok sa sasakyan at sinabi ko kay manong driver ang address ng school ni son. Mabilis namang pumaharurot ng drive si manong at mabilis lang kaming nakarating sa school ng anak ko.
Bumaba ako kasama si Markle pero pinahintay ko muna si manong sa akin. Umupo ako on my heels at pinunas punasan ang mukha ni Markle. Inayos ko ang maliit na scraf niya at pati na din ang jacket na suot niya.
“Your lunch?” tanong ko.
“Already set,” sagot niya sabay taas noong lunchbox niya.
“Notebooks and books and pencils?”
“All in my bag,” sagot niya sabay shrug emphasizing his bag.
“Mom’s kiss?” I asked like a child at pinout ko ang lips ko. He rolled his eyes, this little man surely is like his father and then he kisses me on my cheeks.
“Done,” sabi niya.
“IOkay, good. Now off you go. Take care, I’ll fetch you right after school, okay?” pag-aasure ko sa kaniya. He just smiled and nodded. He then waves his hand goodbye at nagwave na din ako ng kamay ko.
Noong mawala na siya sa paningin ko, agad naman akong sumakay ulit sa sasakyan at sinabi kay manong driver and address ng work place ko. Gaya dati, mabilis siyang nagpatakbo ng sasakyan. Iniwasan niya ang traffic kaya naman, hindi na kami sa shortcut dumaan.
Nakarating naman ako sa trabaho just in time. Pagkapasok ko sa loob ng office building, marami ng tao ang palakad-balik sa hallway. Lahat ng mga subordinates ko ay nagbabow sa akin at nabati ng good morning. Nginingitian ko lang sila at naggogood morning din ako sa kanila.
Papunta na ako sa elevatyor ng may biglang tumabi sa akin, sa pagkacurious ko, napalingon ako sa may gilid ko at nakita ko si old Director Richard.
“Good morning Hyacinth. You’ve been coming almost late lately, where have you been?” tanong niya sa akin. Si old Director Richard ang dating boss ko. Secretary nya lang ako dati, but noong iappoint siya as Sales Director, nirecommend niya ako asb Managing Director, bali ako ang papalit sa pwesto niya. Napagdesisyunan din ng ibang board ang tungkol sa pagtalaga sa akin bilang managing director kaya naman, week later, ako na ang acting managing director dito sa kompanyang tintrabahuan ko.
“Good morning too director Richard. Oh, about that. I’ve been chaperoning my son on his way to school. I thought of hiring a maid of his late, that is why. But tomorrow, his made will arrive. I’ll be earlier at work by then,” I smiled at him. Dito sa pinagtatrabahuan ko. Para ko ng tatay si Director Richard. Masyado kasi siyang mabait at maalalahanin.
“Oh! Right! Markle is it? That young boy, how’s he been?” tanong niya. The elevator pings open and we step inside it. May iba din pumasok at noong ansa loob na sila, bumati sila sa amin.
“He’s good,” iyong lang ang sabi ko. Nagnod lang in satisfaction si director Richard.
“Well then, my best regards to your boy,” sabi niya na nakangiti. Nginitian ko nalang din siya.
Nasa tenth floor ang working office ko kaya noong bumukas na ang elevator sa may tenth floor, I then step out from it. nilingon ko muna si director Richard, nginitian ko siya at nagwave ako ng kamay.
On my way to my office, pansin ko na agad ang pagkabusy ng tao sa bawat cubicles nila. Sa may gilid ng daan na mga employees ko lang at iyong mga nakakasalubong ko ang nagbabow sa akin at bumabati. Nginingitian ko lang sila at agad na na nagtungo sa office ko.
Bumungad sa akin ang table ng secretary ko na si Jane, nagsmile siya sa akin at bumati. Nireplyan ko lang siya at pumasok na sa office.
Base on the judgment sa pagkabusy ng mga subordinates ko, magiging busy din siguro ako nitong buong araw.
I sighed, waiting as ever sa tambak na paperworks na susubok sa akin ngayong araw.